“Thousands of spectators filled the massive PH Arena tonight as two deadly opponents, Martinez and Morgan, vie for the title of ultimate champion in the middleweight division…” Umalingawngaw sa buong locker room ang sports news na pinapanood nila mula sa flatscreen TV na nakakabit sa pader. Sa background ng sports newscaster ay ang laban sa loob ng cage na susundan nina Baxter at Martinez. Madugo ang bakbakan. May bahid na ng kung kani-kaninong dugo ang sahig ng cage. “Remember, Martinez has an excellent grappling ability. Don’t allow yourself to get cornered inside the cage.” Parang tatay na nangangaral si Lindell kay Baxter. “Sa bodega mo siya atakihin, ‘yon ang weakness niya.” Seryoso lang na nakatitig kay Lindell si Baxter, pero halatang isinasaulo lahat ng bilin ng ng coach. Nakat

