“This is f*****g heaven!” Unang beses sa loob ng ilang linggong subsubang pag-iensayo at ngayon lang muling nakatikim si Luis ng alak. Nagmumukha na itong batang nauuhaw at ngayon lang napagbigyan. Nakangiti nitong sinasabayan ang malakas na tugtog ng upbeat music na pumailanlang sa loob ng pinakamalaking VIP rooms ng JB’s. By his side was Maricar. Nagkakasiyahan ang lahat at napapadalas ang paghahalikan nina Luisi at Maricar. Nang tumitig ang mga ito sa kanya, nakangiting tinaas niya lang ang hawak na beer. Nilimitahan niya ang sarili sa isang bote lang dahil may kakausapin siya mamayang alas kwatro ng hapon. It was a sudden meet up with none other than his father’s aide. Hindi pa man, tila naririnig na niya ang mga sasabihin ni Robert sa kanya at parang nakikini-kinita na niya kung pa

