Nahahati ang isip niya sa lamig ng aircon na sumigid sa kanyang balat, sa gaspang na dulot ng pader at sa mapusok na halik na iginawad ni Baxter sa kanya. Nagpaparusa ang paraan ng pag-angkin nito sa mga labi niya. Halata ang magkahalong gigil, galit at senswalidad. Parang gustong ipadama na ito ang nagmamay-ari sa kanya. Bawat sulok ng bibig ay dinama nito, walang pinalampas. Napaigtad siya nang walang inhibisyon nitong marahas na pisilin ang kanyang dibdib. Napahinto siya sa paghalik at kumawala ang munting igik pero hinabol nito ang kanyang bibig. He bit and sucked her lips. Halos mapugto na ang hininga niya nang pinasok nito ang dila sa bibig niya. The kiss was too deep she almost lost the ability to breathe. Pero hindi siya nagpatalo. Nakipaglaban siya sa halik nito. Ginaya niya ang

