Nagising siyang may nagbago sa kanya, sa buong pagkatao niya. Kagabi, hindi lang siya basta nagpaubaya kay Baxter. Bumigay siya at tumugon sa paraang alam niya. Tuluyan na ngang nabura ang imahe ng inosenteng si Nina. She is a woman now. Parang wala na nga siyang ipinagkaiba sa mga katulad nila ni Macey. Ang kaibahan nga lang, isinuko niya ang lahat sa taong mahal na mahal niya at hindi dahil lang sa pera. Nagsisisi ba siya? Hindi. Maliwanag na sagot. Lahat ng ginawa nila ni Baxter kagabi ay gustong-gusto niya. Wala siyang pinagsisisihan. Kung anuman ang ginawa nila at gagawin pa, siguradong magagamit niya iyon sa hinaharap. Maging praktikal na lang at huwag maging sentimental. Ganoon dapat at kailanman, hndi siya kakapit sa ‘I love you’ na ibinulong nito kagabi habang nagtatalik sila.

