Tuluyan nang bumuti ang pakiramdam niya pagkagising kinabukasan. She was fully healed. Wala na ang pananakit sa kanyang gitna, wala na siyang lagnat. Alisto na ang pakiramdam niya at bumalik na sa dati ang lakas. Alas siete na rin ng umaga kaya nagdesisyon siyang bumangon. Maingat niyang inalis ang braso ni Baxter na nakayapos sa kanya at inut-inot na bumangon. “Pagod ka nga.” Ni hindi man lang nagising nang haplusin niya ang pisngi nito. Ngayong mahimbing na natutulog, nagmumukha itong walang alam na kalokohang gawin. Binaybay niya ng paningin ang bawat sulok ng mukha nito. Kahit saang anggulo, ang gwapo talaga nito. "Gwapo na maloko." Nakuha pa niyang kintalan ng magaang halik ang labi nito. Simpleng pasasalamat sa dalawang araw na pag-aalaga nito sa kanya. Yes, pasasalamat. Pumiti

