“Nina Guadalupe, ikaw nga!” Boses babae at may bahid ng tuwa. Isang matangkad at maputing babae na may blonde hair ang nalingunan niyang kumakaway sa kanya. Nakasuot ito ng shades kaya nahirapan siyang sinuhin. Short shorts at cropped top ang suot nito at may sukbit na mamahaling sling bag sa balikat. Para itong magandang artista na napadpad sa palengke. Napapalingon pa nga ang mga tao rito. “Nina! Oh, my Gosh, ikaw nga!” Nagtanggal ng salamin ang babae nang tuluyang makalapit. “M-macey?” Hindi pa man nasagot ang tanong niya ay kusa na itong yumakap sa kanya. Sa unang mga segundo na yumapos ang mga braso ni Macey sa kanya ay nakaramdam siya ng pagkailang. Para na kasing hindi siya sanay na may ibang yumayakap sa kanya maliban kay Eloy. Pero hindi niya matawaran ang pananabik sa parte

