Hanggang ngayon, hindi mawala sa utak niya ang nangyari kanina. Tila ramdam niya pa rin ang mga braso ni Baxter na yumakap sa kanya. At ang takot na bumadya sa mga mata nito… May kumislot sa dibdib niya oras na makita iyon. Nang ikulong siya nito sa mga braso, nanariwa ang dating pakiramdam na safe na safe siya kapag ito ang kasama. Ang mainit at mahigpit nitong yakap, bumabaon sa kaibuturan ng puso niya. “I’m sorry. I am not upset with you. Natutuwa lang akong makita ka,” assurance nito sa kanya kanina. Somehow, may bahagi ng puso niya ang tila naantig sa extra sweetness nito. Para siyang prinsesa na sa bawat pagkibot ay nakaalalay kaagad ito. Buong araw itong hindi umalis ng unit. Sa condo lang ito nagtrabaho at kung sinu-sino ang kinakausap. Panay rin ang pagsilip nito sa kanya at p

