Eksaktong lunchtime nang makarating sila ng Manila. Nang magyaya itong mananghalian muna, hindi na siya umangil pa. Gaya nang dati, alagang-alaga siya nito. Nagsimula lang itong kumain nang masigurong maayos na ang lahat ng kailangan niya. After lunch, muli silang lumulan ng kotse. Walang katapusang biyahe na yata ang ginawa nila. Saka niya naisip kung saan kaya siya nito dadalhin. Sa dating condo nito? Parang namimigat ang kalooban niya isipin pa lang na muling aapak sa lugar na 'yon. Magaganda at pangit na alaala ang nakakabit doon. Pero saan pa nga ba nito dinadala ang mga babae nito kundi sa unit nito. Magbubulag-bulagan, gawing manhid ang damdamin, ganoon na lang ang gagawin niya. Nandito siya dahil sa pera at hindi para magbalik-tanaw sa nakaraan at maging emosyonal. “May dada

