“Just stick beside me.” One simple rule na sinabi ni Baxter sa kanya kanina nang tanungin niya ito kanina tungkol sa magiging papel niya. Kumuha ito ng isang escort para lang may makasama. Hindi man lang nila pinagdiskusyunan kung ano ang magiging setup nila sa loob ng mga araw na magkasama sila. Isang buwan. Nalulukot ang isip niya sa kung ano ang posibleng mangyari sa loob ng mga panahong ‘yon sa pagitan nila. Hanggang saan naman kaya ang ‘stick beside me’ na sinasabi nito. Ngunit hindi maikakaila ang sumisilip na excitement sa sistema niya. Na kahit anong pigil, kusa namang nahahantad. Malalim ang buntung-hiningang pikawalan niya. Masyado na siyang napapaisip at masyado nang nagtatagal dito sa loob ng banyo ng yate. Paano kasi, parang nananabik siyang magbabad sa ilalim ng tubig. Sa

