social ranks
Earth
"Architect Thomas, if you repeat this conduct, I'm afraid I have to let you go."
Para kaming nagdadasal ng katapat ko na si Ar. Mushino, Head of the Architecture Department of our company, my boss. Naka patong ang siko niya sa mesa niya while her fingers are clasp together habang ako naman ay nakayuko habang naka-pikit ang mata. Naka-pikit ako dahil pag dumilat ako, baka pati ang bunganga ko, kukurap din. Matindi na ngang pagti-timpi ang inipon kong hindi hambalusin ang kontraktor na kasama ko sa site kahapon dahil sa mali-maling materyales na idiniliver, Nag-ipon na naman ako ng isa pang bote ng patience para hindi masagot si Ar. Mushino.
"Sorry, ma'am." Iyon na lang ang naging tugon ko.
Narinig ko siyang nagpakawala ng buntong-hininga kaya napatingin ako sa kanya, "Architect Thomas, noong isang taon ka pa lang dito, gulo agad ang una mong sinalubong. Magda-dalawang taon ka na, hanggang ngayon, gumawa ka pa din ng mga panibagong gulo. Ulitin ko lang, Archi, ha? Construction firm to, hindi Guidance Office. This is my last warning, Architect. I will not hesitate to fire you, kapag naulit ulit 'to."
I pressed my lips together before forcing myself another, "Sorry, ma'am."
Mahaba-haba pang lintanya ang inabot ko bago tuluyan na akong paalisin ni boss Mushino. Pero bago pa ako umabot sa pinto, i turned my head dramatically to her direction. She's already on her Apple desktop, typing on her keyboard.
"Are you not even going to ask me why i did that...?" Tanong ko, nakahawak na ako sa hamba ng pintuan.
"Get out, Earth." She said without even throwing a glance at me. Madali akong kausap kaya mabilis akong lumabas ng pinto at napahinga ng malalim.
Dang it. Wala talagang patawad ang babaeng 'yan, ni hindi manlang talaga ako pinagbigyan para makapag-explain. Gusto kong magdabog pero hindi pang adult behavior ang pagdadabog kaya iinom na lang ako. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa office namin, napadaan ako sa interior department, nakatambay na agad doon si Sid. He was leaning by the glass door while snacking on his banana bread. Nang makita niya akong papalapit, umayos siya ng tayo at una niyang inoffer ang banana bread niya.
Inatras ko ang ulo ko para hindian ang offer niya, "Okay na ako, busog na ako sa mga sinabi ni Ar. Mushino."
Natawa si Sid tapos ay kumagat ulit sa banana bread niya.
"Sana pala nagdala ka ng tubig kanina para hindi ka nabilaukan sa mga sinasabi niya." Gagad niya pa.
"Muntik na. Pero baka mas na sisante ako. Nagalit nga lalo kanina nung aksidente ko siyang sinagot ng 'Amen' imbes 'Yes, ma'am' eh." Naka nguso kong sumbong sa kanya, tumawa na naman ang baliw. He almost choke on his food so he coughed a little.
"Wala, naka 10 strike ka na. Kailangan mo na talagang magpaka-banal mag mula ngayon." He teases. I shrugged my shoulder. Lumingon siya sa loob ng office nila bago tumingin sa akin.
"Overtime ka mamaya? Hintayin mo ako, sabay tayo uwi." He bumped his big shoulder to me na parang naglalambing kaya hindi ko maiwasan ang taasan siya ng kilay.
"Chiks ka? Kaya tayo napagkakamalan na mag-jowa eh. Ang clingy mo." Pagalit kong sabi.
Its Sid's turn to makeface.
"Kaya tayo napagkakamalan dahil ako lang naman ang nakaka tolerate ng bunganga mo. Wala ka ngang kaibigan eh—" i put my forefinger on top of his lips to make him hush. Yung isa kong kamay naka C-shape sa may tainga ko na parang may naririnig.
"What are you—"
"Shhh!" Mas diniin ko ang daliri sa labi niya.
"Naririnig mo 'yun?" I ask in whispering voice.
Napalinga siya para tingnan kung ano ang tinutukoy ko bago bumulong, "Ano ba 'yun?"
"Shh..." tinanggal ko na ang hintuturo ko sa labi niya at tumingin din sa paligid habang naglalakad na paalis. He keeps calling my name in a whisper voice but i kept going when he realized I was only shushing him to get out of the conversation, naiinis siyang sumigaw.
"Hintayin mo ako mamaya!"
Hindi ako sumagot at pumasok na sa office namin. Everyone was talking and laughing pero nang pumasok ako ay bigla silang natahimik, para bang hina-highlight nila ang pagiging social outcast ko sa kumpanya na ito. I don't really mind. In fact, I don't even care. Nahihirapan akong makipag-plastikan sa mga tao dahil na rin sa likas ng bunganga ko kaya mas mabuti na ito. I enjoy being ignored, guys! Thank you!
...the only downside was that being an outcast also meant that I am also ignored during social gatherings.
Hindi ko kaya. Nangangati ang bunganga kong dumaldal pero hindi ko magawa. Hindi ko naman kasalanan na immature ang mga ka-trabaho ko at hindi ma-hiwalay ang trabaho sa personal.
Binalot ng tahimik ang buong opisina, may nagsasalita lang pag nagtatanong o kaya naman magsasabi ng sarili nilang inside joke na hindi ko maintindihan. Umabot ang alas-singko at nagsimula na magligpit ang mga ka-trabaho ko, pati na rin ako.
We all look at the wooden door when we heard a soft knock, the knob twisted open and Sid's head peak inside.
"Uy, Sid!" Bati sa kanya ni Ar. Misnaquitha, tinabi ang ilang hibla ng buhok na parang nagpapa-cute kay Sid.
"Hi, Deena." Bati din ni Sid pabalik. Gusto kong umingos. Si Sid na ibang departamento binabati, ako hindi.
Sid looks at my table tapos pumasok na at nakatayo sa loob para hintayin ako. My colleague took that as an opportunity to talk to him. Kaya habang nag liligpit ako, chumichika si Sid. Ayos lang sa akin. Parang personal na imbestigador ko 'yan si Sid. Hindi pa din ako nale-left out sa mga chika dahil sa kanya.
Nang natapos ako, Sid raised his hands, "Next time, guys. Sabay kami ni Earth uuwi eh."
Deena whine, "Bakit si Earth na lang lagi, sabay ka din sa amin uwi minsan."
That obviously put Sid on the spot. Sikat si Sid sa kumpanya. He's handsome, kind, friendly, and to top it all out he's also the cousin of our CEO. Di'ba? Sinong ayaw maka-close ng isang Mark Cassidy Cordova. I obviously won't blame anyone who want to befriend Sid. Lahat ng tao dito kinakausap at kinakaibigan niya, wala siyang pinapalampas maski aso at pusa. Ganoon siya ka-friendly. Kaya alam kong hindi maganda na nale-label-an siya na parang ako na lang lagi ang kasama, because you know. My name isn’t exactly in a same frequency like his.
Ngumiti si Sid. 'Yung ngiti na mahuhulog panty ko kung naka skirt lang ako. Buti na lang nag pants ako ngayon.
"Earth is a great companion. She's funny and entertaining. We should all hang out sometimes." Mabuti na lang hindi mahilig mag-endorse ng politiko si Sid.
Panolo agad 'yan, kapag.
Tumingin sa akin si Deena na parang cino-consider niyang makipag-close sa akin. Architect Shun, siya yung nagsalita para kausapin ako.
"Ate Earth! Next time, ayain mo din kami." Ngiti niya sa akin. I nodded my head and smile. Contemplating wether i should answer her with my normal mouth or not.
Hindi naman kasi talaga kami close ni Shun. Last time na kinausap niya ako ay noong bago pa lang siya, bago pa niya malaman kung gaano ako 'nakakatakot'.
"Tara na." Agaw sa akin ni Sid ang canister ko at nag-paalam na tsaka na kami umalis.
"Huy! Itong laptop buhatin mo." Sabi ko sa kanya.
Huminto siya para kunin yung suot kong bag at isinabit sa harap niya pero hindi binigay sa akin pabalik ang canister ko, ending wala akong hinahawakan na maglakad papuntang train station.
Mayaman na down to earth(mundo).
'Yan ang tingin sa kanya ng mga ka-trabaho nung nalaman nilang sumasabay sa akin si Sid sa MRT kahit sobrang yaman niya. Mabait na nga, may pake pa sa carbon emission kaya iniiwasan mag sasakyan. Mali! Hindi 'yan totoo. 'Yun lang ang alam nila pero ang totoo ay sinanla ni Sid ang BMW niyang sasakyan dahil bumili siya ng property sa prestigious village sa Cavite. Nagtitipid ngayon ito dahil may loan pang babayaran. Ayaw niyang bumili ng sasakyan dahil masyado niyang mahal yung sasakyan niya. Ang ending, normal human being siya ngayon. May gana pa nga magpalibre sa talunan na tulad ko.
"It's crowded tonight." Kumento ni Sid nang makapasok kami sa tren. Tumingin siya sa paligid para tingnan kung may mauupuan pa kami, nang wala, hinila niya ako sa gilid at iniharang ang katawan para hindi ako maapakan ng mga taong nakikipagsiksikan para lang makauwi.
"You good?" Natatawa niyang tanong nung nakita niya akong naiipit sa gilid.
He has a massive build, alright? He's big. Thanks to him almost living in his condo's own gym, he has the LOOKS and MUSCLES to boot. Maraming salamat din diyan sa muscle na 'yan at sa bag ng laptop kong nasa harap niya, ipit na ipit ako ngayon.
"Hindi ako makahinga."
"Buhatin kita?" Prisinta niya.
"Sapakin kita?" Sagot ko.
Lahat ata ng lumalabas sa bunganga ko nakakatawa para sa kanya. Tinanggal niya ang bag ko sa harap at inipit sa hita niya. Hirap na hirap din siya sa sitwasyon namin ngayon pero sige, fight lang.
Sid gathered me in his arms, as if he's embracing me—he is indeed embracing me. Pero salamat doon komportable kong maisandal ang mukha ko sa dibdib niya.
Tsk, tsk. Mark Cassidy Cordova. 'Yang pagiging maalagain at mabait mo sa babae ang magiging pagbagsak mo. I smirked to myself. If i am just anyone, any girl, any boy, any who, just by how Sid acts with me, i'd be head over heels for him.
I know that I have been praising his looks, but you would too if you sees him. High nose bridge, light brown eyes that would literally glow in sunlight, those thick clean brows and the jaws that were sculpted like filipino gods. If he would to be born in that year, even those people would mistake him as their Bathala. Lapu-lapu would fight for him!
Okay… that’s a bit of an exaggeration but those who gets it, get it.
But his type is my enemy. Mark Cassidy Cordova, who has it all is my biggest enemy. Nasisilaw ako sa pagiging perpekto niya. I can't deal with him. Maybe that's the reason why he's so drawn to me, because he felt safe in my own space because he knew,
I, Earth Elijah Thomas, would never fall for someone like him.
Nang marinig niya ang maliit kong bungisngis, sinuklay ni Sid ang kulot kong buhok kaya umangat ang tingin ko sa kanya.
"Anong tinatawanan mo?" Curious niyang tanong.
"Pasalamat ka kaibigan mo ako." Ngisi ko.
Tumaas ang kilay niya.
"Ikaw dapat ang magpasalamat dahil meron kang ako." Pagma-maldito niya.
I didn't know but what he said made me laugh a little more.
"We should still be friends until we're 35." Sabi ko.
Naramdaman kong nag-hang si Sid. Kumurap-kurap siya bago tumango.
"Yep. Friends. Until 35."
And with that confirmation(?) i smiled to myself and felt more comfortable in the little space we created for ourselves.