bc

My Million Dollar Husband

book_age18+
21.6K
FOLLOW
145.4K
READ
billionaire
contract marriage
second chance
goodgirl
CEO
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal ngunit nasaktan. Hunter Imperial doesn’t have any choice kun’di ang mag-move on at tuluyang kalimutan ang nararamdaman niya para kay Pipay. Ang babaeng una niyang minahal. Habang nasa proseso ng pag mo-move on ang kaniyang puso ay nakilala naman niya itong si Maybel Alfanta. Ang babaeng nakarinig sa kadramahan niya nang una silang magkita sa rooftop ng bar. Nang gabing iyon mismo ay walang ibang naramdaman ang binata para sa dalaga kundi ang labis na inis dahil sa pang iisturbo nito sa tahimik niyang gabi. Pilit niya rin itong sinusungitan nang muling mag krus ang mga landas nila.

Pero paano kung isang araw ay bigla na lamang siyang binulaga ng isang balita na ni sa hinagap niya ay hindi niya naisip na posible palang mangyari sa kaniya? Paano kung ang babaeng kaniyang sinusungitan ay may malaki pa lang papel na gagampanan sa buhay niya? Handa ba siyang tanggapin ang hamon ng tadhana sa kaniya kung ito rin ang magiging dahilan upang tuluyan na siyang maka-move on at muling mag mahal?

~~~~~

NOTE: This story is unedited. So, pasensya na po kung may mga mababasa kayong wrong grammar at typos. But still, enjoy reading ?❤️

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"AZMON!" isa-isang kinalabog ni Hunter ang pintuan ng cubicle sa loob ng cr na iyon para makita ang kaniyang kaibigan na kanina pa niyang hinahanap. "Damn it men, where are you?" tiim-bagang at naiinis na saad nito. "Oh f**k!" napamura pa ito nang pagkabukas niya sa cubicle na nasa bandang dulo ay tumambad sa kaniya ang kaibigang hinahanap niya. Azmon is busy doing his job; usual... one night stand again with a random girl. Kaagad na nag iwas ng tingin si Hunter sa dalawa. "Damn it men!" saad nito. "What are you doing?" tanong ng huli habang abala pa rin ito sa pagpapaligaya sa babaeng kasama nito sa loob ng cubicle. Ang babae man ay hindi manlang nahiya na may ibang nakakita sa milagrong ginagawa nila roon ng lalake. "I was looking for you! Come on!" "Jezz, bro! You're disturbing us. I'm busy can't you see?" naiinis pang saglit na nilingon ni Azmon si Hunter. He kissed the woman again. Napapailing na lamang na muling tiningnan ni Hunter ang kaniyang kaibigan; pati na rin ang babaeng nakasandal sa pader. He let out a deep sigh. "I'll wait for you outside." "Just go bro. Susunod ako. I'll make this quick." turan pa nito sa kaibigan `tsaka isinarado ang pinto ng cubicle. "ANO ba ang gagawin natin dito Ms. Jhez?" kunot ang noo na tanong ni Maybel sa babaeng kasama niyang naglalakad papasok sa isang bar. Anak ito ng dati niyang amo sa part time job niya. Kinuha siya nitong maging Temporary Assistant or in other word, alalay ng anak nito abang nag babakasyon ito sa Pilipinas. Sayang din naman ang sasahurin niya araw-araw kung hindi niya tatanggapin ang trabahong iyon. "Just keep walking. Kanina ka pa puro tanong Maybel." anang babae pagkuwa'y hinila sa braso si Maybel upang mapabilis ang pag pasok nila sa entrace ng Bar. "E, sa labas na lang kaya ako maghihintay sa `yo?" aniya. Lumingon naman ang babae. "What? Maybel, you're so KJ. Kaya nga isinama kita pumunta rito para damayan mo akong mag-inom tapos iiwanan mo naman ako." anito at umismid pa. Wala sa sariling napakamot sa batok niya ang dalaga. "E, ang ingay kasi rito sa loob. `Tsaka mahina ako sa alak. Baka hindi kita mabantayan kapag nalasing ako." aniya. Jhez rolled her eyes as she let out a deep sigh. "They have cocktails and ladies drink... `yon na lang ang inumin mo para hindi ka agad malasing." turan nito at muling hinila sa braso si Maybel. Wala namang nagawa ang dalaga nang tuluyan na silang makapasok sa bar na iyon. Kung kanina habang nasa labas pa lamang sila ay hindi ganoon kalakas ang tugtog na naririnig niya; tila pakiramdam ni Maybel ay mababasag ang eardrums niya dahil sa nakakabinging tugtog na iyon sa loob. Isama pa ang malakas na hiyawan nang mga nagsasayaw sa dance floor. Kunot ang noo na inilibot ng dalaga ang paningin sa buong paligid. Kagaya nila ni Jhez, halos mga kabataan o nasa late 20's and 30's ang naroon sa bar na iyon. Kaniya-kaniya ng lamesa at grupo. May iba pa siyang nakita roon na naghahalikan na tila walang pakialam sa paligid nila. Napangiwi na lamang si Maybel na muling sumunod sa kaniyang amo. "Ms. Jhez, sa labas na ako!" medyo malakas pa ang boses niya nang sabihin iyon sa babae. "I can hear you, Maybel. I'm not deaf. You don't need to shout." naiinis na saad nito nang balingan ng tingin ang dalaga. Mabilis namang nag peace sign si Maybel. Ang akala kasi niya ay hindi siya nito maririnig dahil sa malakas na ingay. O baka siya itong biglang nabingi dahil sa malakas na tugtog na iyon. "Sorry!" aniya at tinakpan ang magkabila niyang tainga. "Let's go! Doon tayo sa taas." anang Jhez at muling hinawakan sa kamay si Maybel para igiya ito papanhik sa second floor ng bar. "Kung bakit kasi naisipan pa nitong mag bar? Mamaya ako ang managot sa nanay niya." aniya sa sarili. "Don't worry. If mom finds out na nagpunta na naman ako sa bar, hindi ka niya pagagalitan. Sagot kita." nakangiti pang saad ni Jhez nang balingan nito ng tingin si Maybel. Umupo ito sa couch na naroon sa sulok. Kunot ang noo na napatitig na lamang si Maybel sa babae. Yeah! Narinig nito ang sinabi niya. Malalim na buntong-hininga ulit ang pinakawalan ng dalaga `tsaka pumuwesto sa tabi nito. "Nag aalala lang ako na baka tanggalin ako sa trabaho ng mommy mo!" aniya. "Hello! Sayang din ang isang buwan ko pang sasahurin sa kaniya ano!" dagdag pa niya. Saglit na muling napatingin si Jhez kay Maybel. Mayamaya ay binuksan nito ang bag na dala at nag labas ng pera doon. Iniabot iyon ng babae sa dalaga. "Here! I know one month ka na lang na mag t-trabaho sa `kin. Pero dahil sinamahan mo ako ngayon dito, I'll make it double." ngumiti pa ito. Gulat at nanlalaki naman ang mga mata ni Maybel na ipinagpalipat-lipat ang kaniyang paningin sa kamay at mukha nito. "S-seryoso kayo ms?" tanong pa niya. She shrugged. "Yeah! And besides, I consider you like a bestfriend." ngumiti pa ito ng matamis. Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Maybel ang perang binibigay nito sa kaniya. Diyos ko naman, ang hirap-hirap kumita ng pera ngayon! Grab na natin `to! Aniya sa isipan. "Thank you ms. Jhez!" aniya. "Kailangan ko talaga ng pera ngayon dahil exam ng kapatid ko bukas." "Don't mention it." anito. "And masipag ka namang employee kaya, you deserve the bonus." "Sige na nga! Dahil binigyan mo naman ako ng bonus sa sahod ko, iinom ako ngayon!" saad niya. Muling napangiti ang babae. "Really?" "Really!" aniya at tinawag ang waiter na papalapit na sa puwesto nila. "Waiter!" "Maybel, you don’t have to force yourself if you don’t really drink alcohol." "Don't worry ms. Jhez! Minsan lang `to." "Are you sure?" "Sure na sure ms. Jhez." saad niya. "Waiter!" "Good evening ma'am! Cocktail drinks?" offer ng waiter sa dalawa matapos nitong ibaba ang tray na dala nito. "Ayoko ng ladies drink. Sabi niya kasi hindi ganoon nakakalasing `yan!" aniya na tinuro pa si Jhez. "Bigyan mo ako ng isa o dalawang shot pa lang lasing na ako." turan niya. "Um..." anang lalakeng waiter na napatingin pa kay Jhez. "Maybel—" "O 'di kaya gawin mo ng isang bote." anang Maybel. "Puwede ko naman siyang i-take out kapag bumagsak agad ako 'di ba?" tanong pa niya. "Y-yes ma'am!" sagot na lamang ng waiter. "Are you sure? I mean, one or two shots are enough." "Kalma ka lang ms. Jhez! Ako'ng bahala." aniya. "Teka lang sir, puwede ko bang malaman kung ano'ng mga alak ang mayroon kayo? Baka may magustohan ako!" saad pa niya. "Um, we have Jack Daniels, Remy Martin, Martell and Hennessy ma'am. Iyon po ang primerang mabili rito sa amin." anang waiter. "Okay sige! Bigyan mo na lang ako ng H-h-henn—" "Hennessy ma'am." "Oo! `Yon nga!" aniya. "Jack. Remy at Martell? Si Hennessy ang maganda ang pangalan. At mukhang masarap. Sige sir `yon na lang. Ayoko niyang cocktail drinks mo." "Okay po ma'am." kaagad na tumalima ang waiter. "Bakit ka natatawa diyan?" kunot ang noo na tanong ni Maybel kay Jhez nang paglingon niya rito ay umiiling itong natatawa sa kaniya. "Nothing!" "Nothing? E, pigil ang tawa mo diyan!" umirap siya rito `tsaka umayos sa pagkakaupo niya sa couch. "Because you are funny that's why. Natutuwa lang ako sa `yo!" "Ginawa mo pa akong clown." aniya at umismid. "No!" natawa pa ito ng malakas. "Okay I'm sorry! I mean, we can have ladies drink naman e instead na hard drink ang kinuha mo." "Okay nga lang `yon!" aniya. "Ngayon lang ako nakapasok sa bar na katulad nito. At ngayon lang din ako makakainom ng sosyal na alak kaya sulitin ko na. `Tsaka isang gabi lang naman." turan pa niya. "Okay! If that's what you want!!" saad na lamang nito `tsaka inilibot ang paningin sa buong paligid; sa ibaba ng bar. Tila may hinahanap ang mga mata nito. "Okay ka lang?" untag na tanong ni Maybel kay Jhez mayamaya nang makita niya itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at sinilip ang screen ng cellphone nito. Mabilis na ngumiti ang dalaga. "Yup! I'm just... waiting for someone." anito. Muling nagsalubong ang mga kilay ni Maybel. "You're waiting for someone? E, bakit mo pa ako isinama rito kung may kasama ka naman pala!" "I mean, I'm waiting for someone pero hindi natin siya kasama rito. I-I just wanted to see him; distance." tila nahihiya pa itong nag iwas ng tingin. "Ah!" napapatangong na saad ni Maybel. "Crush mo?" tanong niya. Biglang pinamulahan ng mukha si Jhez dahil sa naging tanong sa kaniya ni Maybel. Kagat ang pang ilalim na labi ay ngumiti ito ng matamis. "Nako! Kung sana sinabi mo sa `kin kanina na crush mo pala ang dahilan kung bakit gusto mong mag punta rito, e 'di sana ura-urada akong sumama sa `yo. Nag inarte pa ako." aniya sa babae. "E, nahihiya lang ako sa `yo! At baka mabanggit mo kay mommy." "Ms. Jhez, pagdating sa mga ganitong usapan. Trust me, your secret is safe with me." anang Maybel na nanunudyo pang ngumiti. "Really?" "Excuse me ma'am. Your order is here!" Hindi na naituloy ni Maybel ang sasabihin sa kasama nang biglang dumating ang waiter. Dala na nito ang alak na in-order niya. Inilapag iyon ng lalake sa lamesa. "It cost Ten thousand two hundred fifty five pesos ma'am." Halos mahulog pa sa puwesto niya si Maybel nang marinig ang sinabi ng waiter. Hindi niya inaasahan na ganoon kamahal ang alak na iyon! Wala sa sarili at nanlalaki ang mga matang napatingin ng diretso si Maybel sa waiter at kay Jhez. Napalunok pa ito ng kaniyang laway. "S-seryoso ka sir?" nauutal pang tanong niya. Nakangiting tumango ang waiter. Maging ito man ay natatawa rin dahil sa naging hitsura ng dalaga. "B-bakit hindi mo sinabi kanina na ganito pala ito kamahal?" "You didn't asked me about the price ma'am." Oo nga naman! Basta na lamang siyang nag sabi rito na isang bote ang kaniya. Binigyan nga siya ni Jhez ng sahod niya with bonus pa, pero mukhang ma-hold-up din naman siya dahil sa alak na iyon. "Diyos ko!" sambit niya at napatitig sa bote ng alak na nasa lamesa. "Hindi pa ako nakakainom ms. Jhez, pero pakiramdman ko nalasing na ako sa presyo!" Hindi na napigilan ng babae ang kaniyang tawa dahil sa sinabi ni Maybel. Maging ang waiter man ay napahagikhik na rin. "Sige sir, hindi na. Ibalik mo na lang. Okay na ako sa tubig." aniya sa lalake. "I'm sorry po ma'am pero—" "No it's okay! Ako na ang mag babayad." singit na saad ni Jhez. "Nakakahiya naman sa `yo ms. Jhez." "No problem. Pinatawa mo naman ako tonight kaya okay lang. Here!" aniya at inabot sa lalake ang ATM nito. "Salamat! Triple na tuloy ang naging bayad mo sa `kin." "Don't mention it! It's okay!" "Hayaan mo, mamaya kapag nandiyan na si crush mo... ituro mo siya sa `kin tapos ilalakad kita sa kaniya." "What?" "I mean, ako ang gagawa ng paraan para magkakilala kayo personally kung hindi ka pa niya kilala." "No! You don't have to do that. Nakakahiya naman sa kaniya." tanggi nito. "Okay lang `yon! Crush lang naman." anito. "Basta mamaya, ituro mo siya sa `kin."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook