Nakagat ko ang labi at naalalang hindi nga pala ako nakabili ng PT, kailangan kong bumalik sa mall. "Reign Leigh, uwi!" Ulit ni Edcharl na mukhang stress na stress na naman. Hay naku, napanguso ako. "May nakalimutan akong bilhin, balik muna ako sa mall saka ako—" "Umuwi ka na! H'wag ka ng bumalik sa mall!" Sigaw niya. Aba't sinisigawan niya na lang ako ngayon? "Are you shouting at me? That's too much, don't be so paranoid, Edcharl!" Sigaw ko pabalik. "And don't yell at me!" "Because you're so stubborn. Saan ka at susunduin na kita." "No need! Uuwi rin naman ako agad, at diba may trabaho ka? Masyado kang praning." Nag-abang ako ng taxi at agad nagpahatid sa mall. Hindi ko alam paano ko siyang napapayag na putulin na ang tawag sa'kin. Sinuot ko ulit ang aking facemask para itago an

