"You should stay in your house and for the meantime, avoid going out. There are paparazzi outside." Third day of my break, iyan agad ang balita sa'kin ni Bridgette kinabukasan. Nasa kama pa ako at kagigising ko lang nang tumawag siya. Truth is, I was awakened earlier when Edcharl left for work. I stayed in his house and sleep all my stress and frustrations because of my undying issues. "Bakit na naman? Anong pakialam ko riyan sa paparazzi na 'yan? Nasa bahay nga lang ako. I'm so bored here!" Exaggerated kong sabi at naupo. Nagbuntong-hininga si Bridgette bago sumagot. "Sabi kasi ni Jaden may nabalitaan siyang inaalam daw ng paparazzi ang location mo. Nagpunta nga raw sa bahay niyo, buti na lang talaga nandiyan ka sa village." Kumunot ang noo ko, gano'n na ba kadesperado ang mga hayop

