Nairam gasped. Kasalukuyan silang magkatabing nakaupo ni Mirkov malapit sa may railings. Ngayon ay naalala na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang malaking cruise ship na ito. Iyon ay dahil nakapunta na siya noon dito. Mr. Whale forced her to… Isang lumalagutok na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Nairam. Pinilit niyang huwag mapaigik sa sakit na dulot niyon. Dahil sa malaki ang kamay ni Mr. Whale ay mabigat din ang sampal na binibitawan ng mga iyon. But she stood her ground. Her face remained passive. Ipinakita niya ang walang takot na emosyon. Ayaw niyang makita ng butanding na ito na nasaktan siya. Sinimulan nitong haplusin ng matataba nitong daliri ang pisngi niya. At puno siya ng pandidiri doon. Nandidiri siya sa lahat ng ginagawa nito. “Talagang hindi ko na nagugustuhan an

