"Inumin mo ito." Kumunot ang noo ni Nairam nang marinig ang sinabing iyon ni Mr. Whale. "Para saan iyan?" "Bakit ba napakarami mong tanong?" Halos isalaksak ni Mr. Whale sa kaniyang bunganga ang durog na gamot na hawak nito. Sunud-sunod ang naging pag-ubo niya nang dahil doon. "Para rin iyan sa iyo. Mamaya, siguradong wala kang ibang mararamdaman kundi puro sarap at kasiyahan." Ang pula niyang lipstick ay bumakat pa sa palad nito. Kakaibang pandidiri ang naramdaman niya nang halikan nito ang sariling palad habang nakatingin sa kaniya. Gumapang ang kilabot sa kaniyang kalamnan. "Nabura na ang lipstick mo," nakangising sabi nito. Pilit niyang itinago ang panginginig ng kaniyang mga kamay nang muli niya binuksan ang maliit na drawer. Kinuha niya ang maliit na kulay pulang lipstick doon at

