She was drugged. That sums up everything. Sunud-sunod ang naging pagmura ni Mirkov sa kaniyang isipan nang marinig ang lahat ng ikinuwento sa kaniya ni Nairam. Naikuyom niya ang kamao. Alam niyang hindi pa iyon ang buong kuwento ng buhay ng dalaga. It was just a portion, but it was already worst. Hindi pa niya alam ang buong kwento, ngunit lahat ng galit sa kaniyang katawan ay tila nag-uumpisa nang mag-umapaw. How could they did this to her? Gaano ba kahalang ang kaluluwa ng mga taong iyon? Gusto niyang sakalin ang Mr. Whale na tinutukoy nito, at ipatikim dito lahat ng latay na ipinadapo nito sa katawan ng dalaga. Mahigpit ang yakap ng dalaga sa mga tuhod nito, at ang mga mata ay nakatuon sa sahig. She is not crying, but he could feel her sadness. Iyon rin ang mga matang una niyang naki

