FIFTY THREE Nakatulala na lamang si Mirkov habang nakaupo sa sahig ng ospital. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang naghihintay sa labas ng emergency room. May ilang oras na ring inooperahan ang dalaga, at may ilang oras na rin siyang nakatitig sa kawalan. Hindi rin naman mapakali si Creig na kasama niyang naghihintay. Tumayo ito. "I'll go get some coffee. Do you want some?" Tumango-tango siya. Kailangan niyang manatiling gising hanggang matapos ang operasyon ng kasintahan. Tatlong bala ng baril ang lumusot dito ayon sa sinabi ng doktor kanina. Isa sa hita at dalawa naman sa likuran. Kaya naman naging mabilis din ang pag-aksyon ng mga ito na maoperahan ang dalaga. No words could explain how devastated he is right now. Dead on arrival si Miego. At ngayon ay parang wala pa siyang

