Hindi maitago ni Mirkov ang panginginig ng mga kamay habang nagmamaneho. Hindi lamang iyon, maging ang tuhod niya ay nanginginig rin sa sobrang pag-aalala para sa babaeng minamahal. Napansin naman iyon ni Creig na nasa passenger seat lamang. "Do you want me to drive, man? I could drive." Nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaibigan. "No, Creig. It's okay." Pilit niyang pinakakalma ang boses at binilisan pa ang pagmamaneho upang makasabay sa mga sasakyan ng pulis sa kanilang harapan. Ang sasakyan nila ay napapalibutan ng mga sasakyang pampulis, at ilang medics. Above them is Carlos. Sakay ito ni Mathilda. Pareho-pareho silang patungo sa lokasyon kung saan dinala si Nairam. At habang papalapit sila nang papalapit doon ay mas lalong lumalaki ang takot at kaba sa kaniyang pagkatao. "I will go

