ONE

1961 Words
A/N: Dapat talaga kahapon pa ako mag-aupdate. Kaya lang, ayoko talaga itaktak yung laman ng utak ko para lang makapagsulat. I have this very special friend who told me that I don't need to pressure myself. Thank you rhaileneart for your advice. I love you so much huhuhu. And thank you din sa paggawa ng cover ni Mirkov. hasulapud heto na po ang update. This is for you. Typo ahead. Nagsalin si Mirkov ng whiskey sa paborito niyang baso bago lumabas sa deck. Malamig na hanging panggabi ang sumalubong sa kaniya at mas pinalamig pa iyon ng karagatan dahil kasalukuyan siyang nasa gitna niyon. He is actually heading to California. Dahil sunod-sunod ang mga event na naganap sa mga cruise ship niya ay naisipan niyang magliwaliw sakay ng yate niya. It was his favorite yacht and he named it Unsinkable. It was his very first yacht and was given by his mother. Ilang taon na din ang nakakaraan mula nang maitayo niya ang business niya. Sa katunayan, ang karamihan sa mga negosyo ng buong pamilya niya ay may kinalaman sa karagatan. He came from a royal family in Greece who actually still believes in fortunetelling and soothsaying. They believe that 'your name will be you'. So in order for a child to have a good future, he has to have a good name first. And his mom definitely gave him a good one. Inisang lagok niya ang alak bago napatitig sa karagatan. At kasabay niyon ay ang pagkudlit sa alaala niya ng isang magandang mukha. Halos hindi mabilang na araw na din ang nakalipas magmula nang magkaroon ng party sa Vasilios, ang isa sa pinakamalalaki niyang barko. Maingay na tunog ang pumailanlang sa buong event hall ng Vasilios. The party was actually held to solemnize Mayor Quenito Lagdameo's fiftieth birthday. Ito ang mayor ng isang pulu-pulong bayan sa Palawan. Sa totoo lamang ay wala siya sa mood umattend sa kahit anong party sa ngayon. Funny. Ngayon lamang nangyari sa buong buhay niya. Bukod pa doon, hindi din naman sila close ng Mayor. Napabuntong-hininga na lamang siya at pinaglaruan ang kopita na hawak. Pinaikot-ikot niya iyon at kasabay din noong umikot ang wine na laman niyon. Inisang lagok muna niya ang alak bago ibinaba ang kopita sa ibabaw ng mesa. Kumunot ang noo niya nang mawala si Carlos sa mesa. Kanina lamang ay kasama niya ito. Ayaw din sana niya itong isama dahil puro katarantaduhan ang ginagawa nito sa party niya. Noong huli itong sumama sa kaniya ay tumalon ito sa dagat para daw hanapin si Mr. Crabs. Ngayon ay parang kinakabahan ito nang mawala itong parang bula sa mesa nila. Masyado pa namang maarte ang Mayor Lagdameo na iyon noong inihahanda pa lang ang party na iyon. Ayaw daw nitong may makikitang mali o may mangyayaring hindi maganda sa araw mismo ng party. Palibhasa ay may ibang politiko na aattend doon. He secretly snorted. "Mga politiko talaga. Magaling magpakitang gilas sa harap ng isa't isa." 'Pero nagsasaksakan patalikod', he thought. Maya-maya pa ay napalitan na ng mabagal na tugtugin ang kanina'y pumped-up na tunog na bumalot sa buong event hall. "Why the hell are you smirking so evil, greek god? Are you thinking of something wicked? You're up to no good, aren't you?" bigla na lamang sumulpot sa kung saan si Carlos at sinabi iyon. May hawak na itong isang tray na puno ng iba't ibang dessert. Napailing-iling na lamang siya. Halos kasisimula nga pa lang ng party ay puro matatamis na kaagad ang kinakain ng ugok na ito. Ibinaba naman nito ang dalang tray sa mesa at naghatak ng upuan malapit sa kaniya. He just rolled his eyes on him. "Shut up. Where have you been anyway?" Carlos grinned, at hindi maganda iyon sa pakiramdam. "Bakit? Miss mo na agad ako?" See? He told yah. He raised his middle finger. "This is you." Parang wala sa sariling namilog ang mga mata ni Carlos at kumaway sa harap ng nakaangat niyang gitnang daliri. "Oh really? Well, hi there You. I'm Carlos." Kumunot ang noo niya. "No. This is you." "I know, I know. I heard." Muli itong kumaway. "Hi there, You. I'm Carlos." "f**k you." "No, man. I'm not f**k. I'm Carlos." Naihilamos na lamang niya ang dalawang palad sa mukha. "Just shut you god-forsaken mouth up, Carlos." Hindi na niya ito inintindi at itinuon na lamang ang atensiyon niya sa tumutugtog na live band. Hindi naman talaga sila masyado nag-iinvite ng live band sa mga event dahil kadalasan ay mga classical music ang tinutugtog ng opisyal na orchestra ng Vasilios. Ngunit iba sa gabing ito, dahil ang anak mismo na babae ni Mayor Lagdameo ang nag-request niyon. Kaya kahit pa masyadong senti ang tinutugtog ng banda ay wala naman siyang magawa. "The song's good," komento ni Carlos. "Hello? Pang-broken hearted kaya ang tinutugtog nila. And this is a freaking birthday party for f**k's f*****g sake." He groaned in annoyance. Gusto na talaga niyang tirisin ang black sheep na anak ni Mayor Lagdameo. Pakiramdam niya ay namomolestya ang barko niya dahil sa mga malademonyong tugtugin na nakakabasag ng puso. Hindi naman siya pinansin ng kaibigan. "Sino ang totoong kumanta ng tinutugtog nila ngayon?" "I belong to the zoo." Sigaw niya sa pagitan ng paghataw ng drums ng drummer ng banda. "What? I escaped from the zoo?" Nagsalubong ang kilay niya. "Yes, you escaped from the zoo. So can you please shut your f*****g mouth now?" Umakto naman si Carlos na isini-zipper ang bibig bago nagpatuloy sa pagkain nito. Iritado siyang tumayo mula sa kinauupuan at tinungo at lumabas sa event hall. Parang nasu-suffocate siya sa loob niyon. And that isn't definitely him. He loves party, so what happened now? Tila nakahinga siya ng maluwag nang tumama sa mukha niya ang hanging pandagat. Kinakalma siya ng paggalaw ng alon. Ang dagat na ang buhay niya ngayon kaya naman parang kaisa niya ang alon. Ilang minuto ang itinagal niya doon at nang marinig niyang tinatawag na ang pangalan niya sa event hall, para magbigay ng maiksing speech, ay napagdesisyunan na niyang bumalik doon. Ngunit natigilan siya sa gagawin sanang paghakbang nang masagi ng mga mata niya ang isang babae na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. Parang nahigit ang paghinga niya nang mapagmasdan ito. Ang mapula nitong buhok ay tinatangay ng malamig na hangin ng gabi, gayun din ang kulay light green nitong silk dress. She looks like Ariel without a mermaid tail. Diretso itong nakatingin sa dagat habang nakahawak sa railings ng deck. At kahit pa ang gilid lamang ng mukha nito ang nakikita niya, alam niyang hindi na niya iyon makakalimutan. Something inside him come to life after seeing the woman's face. Ni hindi niya namalayan na nakaawang na pala ang labi niya habang nakatingin dito. At ngayon lamang iyon nangyari sa buong buhay niya! Hindi siya nakahuma nang hinubad nito ang sandals na suot at bigla na lamang tumalon sa dagat. "Holy s**t!" Mabilis niyang hinubad ang coat at sapatos na suot at walang pagdadalawang-isip na tumalon din sa dagat. "Oh, f**k. f*****g f**k," the water is freezing but he doesn't give a damn. Lumangoy siya para hanapin ito ngunit dahil sa dilim ay hindi niya ito makita. Mabilis siyang lumangoy paitaas para sumagap ng hangin. "s**t. Where are you, amorfos?" Nagpalinga-linga siya, ngunit talagang wala na doon ang magandang babae. Parang hindi siya makapaniwala na tumalon siya sa dagat para sa isang babaeng ni hindi nga niya kilala. Hindi kaya dinadaya lang siya ng paningin? No, I saw her. I clearly saw her! Kanti ng isip niya. "Greek god!" Bumaling ang tingin niya kay Carlos na kumakaway na sa kaniya mula sa deck. "Bakit ka lumalangoy dyan? Ang lamig-lamig kaya!" Muling sigaw nito. For goodness' sake, alam na alam niya iyon. Isineniyas na lamang niya ang kamay dito. Itinuro niya ang life boat at iminuwestra ang kamay kay Carlos na ibaba iyon para makasakay siya. Agad naman iyong naintindihan ng kaibigan. He mechanically lowered the life boat by suspending it to a radial davit. Ang radial davit ay isang crane-like device na ginagamit ng malalaking barko para magsuporta, magbaba o magtaas ng mga kagamitan tulad ng life boat at angkla. Lumangoy naman siya patungo doon at muling sinenyasan si Carlos na iangat na ang life boat. Nang makasampa uli siya sa deck ay niluwagan niya ang neck tie na suot. Parang nasasakal siya doon. "Nahanap mo ba si Mr. Crabs, Greek god?" Napabuntong-hininga na lamang siya sa tanong ni Carlos. "No. But I saw a lady." "Sino? Si Pearl?" Nag-isang linya ang kilay niya. "What did I tell you to do with your f*****g mouth, my f*****g friend?" Umakto naman ito na isini-zipper ang bibig gaya ng ginawa nito kanina. "Hinahanap ka na sa loob." Pinulot niya ang coat at isinuot ang sapatos. "You go first. Susunod ako." "Okay." Tinalikuran na siya nito at tinahak ang daan pabalik sa event hall. Tinungo naman niya ang sandals ng babae na hinubad nito kanina at pinulot din iyon. Ngayon, sigurado na siya na hindi nga siya namamalik-mata. Totoong nakita niya ang babae at tumalon ito sa dagat. Wala sa sariling napatingin siya sa dagat. "Where are you, omorfos? Why did jumped on the water?" Napailing-iling na lamang si Mirkov nang maalala na naman ang babae. Talagang kahit anong pilit niya ay hindi niya makalimutan ang pagtalon nito sa dagat. His curiosity is eating him up. Bukod sa gusto niya itong makita muli, ay gusto din niyang malaman kung bakit ito tumalon mula sa barko niya. Makikita mo lang siya kung naka-survive siya sa lamig ng dagat. Bulong ng isip niya. Parang may kung ano sa loob niya ang nag-aalala sa kung ano na ang nangyari dito. Wala ka namang pakialam sa ganito dati. Bakit ngayon ay meron na? Kung nagkatawang-tao lamang ang isip niya ay baka kanina pa niya iyon pinaulanan ng suntok. Shit, mukhang tuluyan na yata siyang nagayuma ng babaeng iyon. Pabalik na sana siya sa loob ng cabin, nang mamataan ang kung anong bagay na kumislap hindi kalayuan sa yate niya. He narrowed his eyes, trying to adjust his vision in the dark. Malalim na kasi ang gabi at halos kararating lamang niya sa boarders ng California. Muling kumislap ang bagay na iyon dahil sa liwanang ng buwan at tila papalapit iyon ng papalapit sa yate niya. At nang halos iilang metro na lamang ang layo niyon ay lumakas ang kabog ng dibdib niya. Isang tao ang palutang-lutang sa dagat at nakahawak sa isang malapad na kahoy. Ang kalahating katawan nito ay nasa ibabaw ng kahoy habang ang kalahati ay nakalubog sa dagat. Mabilis niyang kinuha ang teleskopyo at izinoom in iyon sa kaninang nakita. Babae? Mabilis niyang hinubad ang damit at tumalon sa dagat. Nilangoy niya ang pagitan ng kaniyang yate at ng babae sa kahoy. Hinatak niya ang kahoy lumangoy pabalik sa yate gamit ang isang kamay. Hinapit niya ang bewang ng babae at gamit ang buong lakas niya ay iniangat niya ito mula sa tubig at iniahon papunta sa deck ng yate. Pagkatapos ay siya naman ang umahon. Nagtataas-baba pa ang matitipuno niyang dibdib dahil sa hingal nang bigla na lamang matigilan. "What the hell..." anas niya nang makita ang mukha ng babae. Kanina kasi ay natatabingan ng kulot nitong buhok ang mukha nito. Ngunit ngayon ay nasilayan na niya iyon. Ito ang babae na tumalon mula sa barko niya. Hindi na kulay pula ang buhok nito, di gaya noong una niya itong nakita. Ngunit hindi iyon ang nakakuha sa atensyon niya. Kundi ang kulay berde nitong buntot na parang sa serena. Kinusot-kusot pa niya ang mata para siguraduhing totoo nga ang nakikita. Ngunit hayun pa din ang berdeng buntot nito. "s**t. You're a... you're a..." ----------------------------------------------------------- Uhm. Hello? -WRMS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD