TWO

2050 Words
Gabi. Isang anino ang mamamataang maingat na sumampa sa deck ng maliit na barko na ginagamit panghuli ng isda. Bahagya pang umuga ang fishing vessel dahil sa ginawa nitong pagsampa doon. Gumawa ng maliliit at lumalangitngit na tunog ang lumang barko dahil paghakbang na ginawa ng anino doon. Nagpalinga-linga ito. Maingat ang bawat galaw. Sinisigurado na matatakpan ng kadiliman ng gabi ang bawat galaw na gagawin niya at walang makakakita sa kaniya. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang isang patay na balyena na nakasabit sa kabilang fishing vessel. Ulo na lamang iyon. Umaagos ang dugo niyon sa sahig. Kung ang dambuhalang balyena nga ay kayang patayin ng mga walanghiyang iyon, paano pa sila? Baka sila na isunod ng mga iyon. Kailangan kong mag-ingat. She snapped herself from reverie. Nang masiguradong walang tao sa labas ng cabin ay maingat siyang lumapit sa pintuan niyon. "Ah, shit." Kinalikot niya ang kandado ng nag-iisang kuwarto gamit ang kaniyang hairpin. Wala ng doorknob ang pinto kaya naman nakakadena iyon. Ilang minuto ang itinagal niya para mabuksan ang pinto. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang marinig ang mahinang pag-click ng kandado hudyat na nabuksan na iyon. Bumungad sa kaniya ang nakataling mga bata. Nakabusal ang mga bibig nito at bakas pa ang natuyong luha sa mata. Parang nabuhayan ng pag-asa ang mga ito nang makita siya. Agad niyang isinenyas ang daliri na huwag itong gumawa ng kahit anong ingay. "Wag kayong mag-alala. Itatakas ko kayo dito," bulong niya. Buong pagmamadali niyang tinanggal ang busal sa bibig ni Buboy pati na din ang pagkakatali ng kamay nito. Ito ang sumunod na pinakamatanda sa kaniya. Kinse-anyos na ang batang lalaki. "Ate Nairam," pinunasan nito ang dugo sa gilid ng putok na labi at mabilis na inalis ang pagkakatali ng dalawang paa nito. "Wag kang mag-alala, Buboy. Makakaalis din tayo dito. Tulungan mo akong kalagan ang iba. Kalagan mo si Jessa. Ako na ang bahala kay Tikoy at Bea." Agad naman itong tumalima sa sinabi niya. Ngunit hindi pa siya nakakalapit kay Tikoy nang may biglang humatak sa buhok niya. Napaigik siya sa sakit na dulot niyon. Parang matatanggal ang buhok niya mula sa kaniyang anit. "Ate!" Sinugod ni Buboy ang humatak ng buhok niya. Ngunit malakas ito. Sinuntok nito ang binatilyo sa tiyan gamit ang isa nitong kamay. Pumalahaw naman ng iyak ang maliliit pang mga bata dahil sa nasasaksihan. "Bitawan mo si Ate Nairam, Mr. Whale!" Sigaw ni Buboy habang sapo ang nasaktan na sikmura. "Ang magaling kong sirena-sirenahan ay talagang malakas ang loob." Humalakhak na sabi ng matabang lalaki at mas humigpit pa ang paghawak sa buhok niya. Pilit niyang inabot ang kamay nito para maalis ang pagkakahawak nito sa buhok niya. Ngunit marahas itong hinatak ni Mr. Whale at diretso siyang tinitigan. Tumalim ang tingin niya dito. "Marunong ka nang magpumiglas ngayon, ikaw na hampas-lupa ka. Pasalamat kayo at pinapalamon ko kayo, tapos tatakasan niyo lang ako! At anong gusto ninyong mangyari sa Circus ko ha! Bumagsak?" "Hindi kami mga laruan, Mr. Whale!" Matapang na sigaw niya dito. Napaigik siya ng paluin nito ng baston ang binti niya. "Ikaw, magpasalamat ka at hindi ka totoong sirena. At baka matagal na kitang inilubog sa kumukulong mantika." "Bitawan mo na ako! Ano ba!" Ngunit parang hindi siya nito narinig. Kinaladkad siya nito palabas ng cabin. "Lumangoy na nga lang ang gagawin mo, nagtatangka ka pang tumakas na walanghiya ka! Tuturuan kita ng leksyon!" "Buboy! Bantayan mo ang mga bata!" Sigaw niya bago siya nahatak ng matabang lalaki na halos nagpalaki na sa kanila. Pinalaki sila para gawing tagapagtanghal sa walang kuwenta nitong sirko. HINIHINGAL NA napabangon si Nairam at mabilis na nagpalinga-linga sa paligid. Wala na siya sa pangisdang barko ni Mr. Whale, kundi nasa hindi kilalang kuwarto. Anong nangyari? Nasaan ako? Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari. At ang huling naalala niya ay ang pagtalon niya mula sa barko. Naramdaman niya ang pagkirot ng mga paa at binti na pinaghahataw ni Mr. Whale ng baston nito. Bumaling ang tingin niya doon at namilog ang mga mata nang makitang wala na ang berdeng buntot ng sirena na ginagamit niya sa tuwing nagtatanghal. Wala na din siyang panloob. Sa halip, isang malaking t-shirt ang suot niya na umabot hanggang sa kalahati ng kaniyang mga hita. Maging ang mga paa at binti niya ay may icebag na din. Nayakap niya ang katawan. Ibig sabihin ay may iba pang tao doon bukod sa kaniya. Kung masamang tao iyon, siguradong wala siyang kalaban-laban, lalo na ngayon na makirot ang buong katawan niya dahil sa mahabang paglangoy na ginawa niya para lang makalayo sa barko ni Mr. Whale. Kung masamang tao nga ang kasama niya sa barko, bakit naman nito gagamutin ang mga sugat niya? Ngunit kahit na mabait nga ito, hindi pa din siya maaaring makampante. Pinakiramdaman niya ang paligid. Umuuga iyon. Ibig sabihin ay nasa nakatigil na barko siya o yate. Ligtas. Sa ngayon. Napaluha siya ng maalala ang mga batang naiwan niya sa fishing vessel ni Mr. Whale. Kailangan ko silang balikan. Kakaibang takot at kaba ang lumukob sa kaniya sa isiping baka nabugbog na naman ang mga ito ng walanghiyang balyena na iyon dahil sa pagtakas na ginawa niya. Nasa ganoong estado siya nang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Napaatras siya sa headboard ng kama. Ngunit halos tumigil sa pagtibok ang puso niya nang iniluwa niyon ang isang guwapong lalaki. Parang perpektong hinulma ng isang manlililok ang mukha nito. Tama lang ang kapal ng kilay nito. It emphasized his beautiful green eyes. His nose is pointed and proud. His lips are luscious and partnered by chiseled jaw. At kahit nakasimpleng t-shirt lamang ito ay sweatpants ay parang isa na itong modelo. Siya ba ang tumulong sakin? Napatingin siya sa malaking t-shirt na suot. Halos kapareho na iyon ng suot ng lalaki. Kitang-kita niya kung paano namilog ang mga mata nito. Bumalatay ang pag-aalala sa mukha nito nang makita ang hitsura niya. "Hey, ómorfos" mabilis itong lumapit na naging dahilan para isiksik pa niya ang sarili sa headboard. "Why are you crying? Masakit pa ba ang mga pasa mo? Oh s**t, I'll just go get some more ice. I'll be back, ómorfos." At anong tawag nito sa kaniya? Ómorfos? Ano namang lengguwahe iyon? Ngunit nag-tagalog ito. Ibig sabihin ay Pilipino din ito gaya niya. Napamaang na lamang siya nang mabilis itong lumabas muli ng kuwarto at pagbalik nito ay may dala na itong panibagong icebag. Iniwas niya ang mga paa niya nang akmang hahawakan iyon ng binata para palitan ang icebag na natunaw na ang yelo. "It's okay. I won't hurt you, ómorfos." Lumakas ang t***k ng puso niya nang masuyo niyon hinawakan ang mga binti niya at tiningnan muna ang mga pasa doon. Umigting pa ang panga nito na parang galit sa kung kanino. Ngunit saglit lamang iyon, dahil inilagay na nito ang icebag sa binti niya. Nasundan na lamang niya ito ng tingin. Umupo ito sa gilid ng kama at bahagya naman siyang umusog palayo dito. Gusto sana niyang itanong kung ito ba ang nagpalit ng damit niya o baka may iba pa silang kasama kung nasaan man sila. Ngunit tila naumid ang dila niya. Hindi siya makapagsalita. Hinatak niya pababa ang laylayan ng t-shirt na suot dahil umaangat iyon. At napansin naman iyon ng guwapong binata. "You're in my private yacht. I saw you yesterday night, floating with a big piece of wood. Ako ang nagpalit ng damit mo. I'm sorry but I need to do that, kung hindi ay baka kung anong mangyaring masama sayo dahil sa pulmonya. Iyong t-shirt at mga underwear mo ay nilabhan ko at isinampay sa banyo para matuyo," namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Parang umakyat yata ang lahat ng dugo niya patungo sa ulo. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang mukha niya. But he just grinned at her like it was nothing. "Don't worry, you can use that again later, ómorfos. Or never." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Napunta ba siya sa yate ng isang siraulong lalaki? Gustong umangat ng kamay niya para tampalin ang tampalasan nitong bibig. But her whole body is aching. Hindi mabilang na hampas ng baston ang natanggap niya mula kay Mr. Whale. Isa pa, hindi pa niya kilala ang lalaking ito. "By the way, I hung your mermaid tail outside. Why are you using that anyway? You scared the s**t out of me, ómorfos. I really thought you're a real mermaid. Kung hindi ko pa nakita ang zipper nun, baka hindi ko nakita ang mga pasa mo. Sino ang gumawa nito sayo?" Tumiim ang bagang nito habang tinitingnan ang paa niya. Galit ba ito? Biglang kumudlit sa isip niya ang mga sumunod na nangyari bago siya tumalon sa dagat kagabi. Hindi pinakawalan ng demoniyong butanding na iyon ang buhok niya. Kinaladkad siya nito hanggang makalabas sila ng cabin at tumulay sa mahaba at malapad na kahoy papunta sa katabing fishing vessel ng barko kung saan sila naroroon. Halos umuga pa ang kahoy na nagkokonekta sa dalawang fishing vessel dahil hampas ng alon. "Bitawan mo na ako, Mr. Whale! Ano ba!" Nagpumiglas siya. Itinulak siya ng matabang lalaki dahilan para mapasalampak siya sa deck. Ngunit hindi pa siya nakakahuma ng inihagis nito sa kaniya ang mermaid tail niya. "Isuot mo yan." Madiin na sabi nito. "Sawang-sawa na ako dito, Mr. Whale! Ayoko nang maging katatawanan ng ibang tao! Ayoko nang tapunan ng barya at pagkain ng isda!" Buong tapang niyang sigaw dito. "Aba't talagang gusto mong masaktan ha! Gusto mo talagang bumagsak ang negosyo kong dukha ka!" Sunod-sunod na hamoas ng baston ang natanggap niya mula sa lalaki. "Wala kang utang na loob! Ilang taon kitang pinalamon!" sigaw nito. At anong kapalit ng kakapiranggot na pagkain na ibinibigay nito? Ang pambubugbog? Mga p*******t? Entertainment ng mga tao na walang ginawa kundi hagisan siya ng fish food at barya? Para saan? Para iangat kuno sa diyos ng mga sirena ang hiling ng mga tao. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang hindi mapasigaw sa lakas ng mga hagupit ng lalaki sa kaniya. Bawat pagdikit ng baston nito sa balat niya ay nag-iiwan ng pasa at latay. Halos pumutok ang balat niya at pakiramdam niya ay mababali na ang mga buto niya sa binti. "Isusuot ko na! Isusuot ko na. Pakiusap tama na," humigpit ang hawak niya sa mermaid tail. Ramdam niya ang panginginig ng mga binti. Ngumisi ang matabang lalaki at mahigpit na hinawakan ang pisngi niya gamit ang isang kamay. "May takot ka din pala. Dapat ka lang matakot dahil ako ang diyos mo. Naiintindihan mo ba ha, Nairam!" sigaw nito bago marahas na pinakawalan ang pisngi niya. "Susunod ka din naman pala, gusto mo, nasasaktan ka pa. Isuot mo na yan!" Nanginginig ang mga kamay na hinubad niya ang pantalon sa harap nito at isinuot ang berdeng buntot ng sirena. At eksaktong nai-zipper niya iyon sa gilid ay walang takot siyang tumalon sa dagat at mabilis na lumangoy palayo sa daungan. "Walanghiya ka talaga! Bumalik ka dito, Nairam! Akala mo ba ay mabubuhay ka diyan. Hindi ka makakatakas dahil pagpipiyestahan ka lang ng mga pating!" Ngunit hindi niya pinansin ang pagsigaw ng lalaki. Lumangoy lamang siya ng lumangoy. Hindi siya tumigil. Kahit pa masakit ang mga binti niya. Kahit pa hindi niya alam kung saan siya pupunta. Lumangoy siya sa kawalan. Hindi niya alam kung gaano katagal siya lumangoy. Basta ang alam lamang niya ay gusto na niyang makalayo sa lugar na iyon. At nang makaramdam siya ng pagkahapo dahil sa pinaghalong pangangalay ng mga braso, p*******t ng binti, at ng sikip ng suot, ay hinayaan na lamang siyang tangayin ng pagod. Ipinikit niya ang mata. Akala niya ay mamamatay na siya sa gitna ng kawalan. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napunta sa kahoy na sinasabi ng lalaking kasama niya ngayon. Pero mabait pa din ang Diyos dahil niligtas siya. Heto at nasa yate siya ng hindi kilalang lalaki... ...na mukhang sira yata ang tuktok. ----------------------------------------------------------- Sira talaga tuktok niya, te. Anyway, I'm sorry to disappoint. Totoong hindi siya mermaid.   -WRMS. PS. Dunt wuri, magpa-fantasy ako in the future. Iyon ay kung babasahin niyo pa din ang mga story ko hehehe. Mahal ko kayo. (Sana mahal nyo din ako HAHAHAHAHA spread loveee yiie.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD