CHAPTER 40 Kung lalapit ako ngayon ay baka istorbo pa ako sa kanila. Kaya mas pinili ko na lamang na tumalikod. Ilang hakbang pa lamang ang aking nagagawa ay mayroong tumawag sa akin. Nakita nila ako! Kailangan ko bang lumapit sa kanila? “Babe!” lumingon agad ako sa kanila. Malalaki ang mga hakbang ni Jemuel papunta sa akin. Ngunit nabaling ang aking atensyon kay Deborah na ngayon ay nakaupo na sa lupa. Gulong- gulo ako kung bakit siya nakaupo doon. Tinulak ba siya ni Jemuel? “Sienna. . .” Jemuel immediately hold my hand. Ngunit wala doon ang aking pansin. Ang aking atensyon ay doon sa babaeng nakaupo sa lupa at umiiyak. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan at tulungan siya. Hahawakan ko na sana ang kanyang kamay para tulungan itong tumayo nang sinamaan ako nito ng tingin kaya napaatr

