CHAPTER 1
CHAPTER 1
"Thank you, beautiful." pilit akong ngumiti sa isang matandang binigyan ko ng order niya. Humaplos siya sa aking kamay kaya pasimple akong umiwas sa kanya. Lima silang nasa table, halos lahat ay may edad na. Tumawa ang mga kasama niya nang makita ang paghawak nito sa aking kamay.
"Enjoy your drink, sir." malanding sambit ko sa kanya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Tumalikod na ako at mabilis na iniwan ang kanilang table.
Ang tanda- tanda ang landi pa! Sana hindi na pumunta dito sa bar at nag- alaga nalang sila ng apo nila.
Kumuha ulit ako ng ibang order.
Ang tagal namang matapos nitong shift ko, inaantok na ako. Mula pa kanina umaga ang pagtatrabaho ko at ilang oras lang ang tulog ko sa isang araw. Kahit mahirap ay kailangan tiisin para sa pamilya natin.
Ako lang ang inaasahan ng mga magulang ko. Kaya kahit anong trabaho ay pinapasok ko para makatulong sa kanila.
Nang matapos na ang shift ko ay umuwi kaagad ako sa apartment namin. Kasama ko doon ang aking kaibigan na si Samara.
Hinila agad ako ng aking kama nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ko.
Mabilis akong nakatulog. At nang tumunog ang aking alarm clock ay parang gusto kong itapon ang aking cellphone. Parang isang minuto lang ang tulog ko, ah?
Lumabas ako ng kwarto ko habang hawak ang tuwalya. Humihikab pa ako nang makita ko si Samara na nagluluto sa kusina.
"Good morning, Sienna Zel Serios!" masayang bati nito sa akin. Inaasar na naman ako nito. Ayaw na ayaw ko na tinatawag ako sa full name ko.
I just rolled my eyes at her. Dumiretso na ako sa banyo at naligo doon.
Pagkatapos kong maligo at kumain ay pumunta na ako sa isa ko pang trabaho. Hindi alam ni Samara 'to. Gipit na gipit lang talaga ako sa pera dahil nasa hospital ang isa kong kapatid.
First time ko ito kaya kinakabahan ako ng sobra. Tama ba itong ginagawa ko? Pakiramdam ko ay kahit hindi pa ako nakarating sa pupuntahan ko ay gusto ko ng umuwi kaagad.
Nakasuot lang ako ng isang sleeveless na dress. Maiksi, hapit na hapit sa aking katawan at kulang na lang ay lumabas ang dibdib ko.
Anong gagawin ko? Hahayaan ko na lang bang hindi makalabas sa hospital ang isa kong kapatid? Mas lalaki pa ang utang namin doon. May lung cancer ang kapatid ko at kailan lang namin ito nalaman.
Kahit si Samara ay hindi ko sinabihan nito. Marami ring problema ang babaeng iyon, ayaw ko ng dumagdag pa sa kanya.
Pinag- isipan ko 'tong mabuti. Labag na labag ito sa aking loob. Bakit kailangan kong humantong sa ganito? Bakit kailangan kong ibenta ang katawan ko?
Wala na akong maisip na iba pang paraan. Hindi sapat ang kita ko para sa pagpapagamot. Hindi naman ako makapasok sa ibang mga trabaho na may malaking kita dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag- aaral ko. Sino namang tatanggap sa akin dito?
Para sa kapatid ko, gagawin ko lahat para sa kanya. Hindi na bale.
Sana ang first customer ko ay hindi naman matanda. Jusko, ayaw kong ibigay ang virginity ko sa kulubot na ang balat, 'no. Sana nga ay pogi.
Marami akong mga kasama dito. Matagal na sila, ako lang ang baguhan. Naiilang pa nga akong magsuot ng ganito ka revealing na damit.
Pupunta kami ngayon sa isang casino, nandon ang mga customer namin. Naghihintay na.
Hindi ko alam kung bababa na ba ako. Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"Sienna? Okay ka lang ba, girl?" tanong sa akin nung kaibigan ko. Siya ang nag offer nito sa akin.
"Okay lang, Jin." pilit akong ngumiti sa kanya. Isa rin siya sa mga babae dito. Ngunit siya ay gamay na niya ito. Sa mga kwento niya sa akn, landiin lang daw ang ibang mga matatanda ay magbibigay na ng pera. Mas malaki lang ang ibibigay kung papayag ka raw na lumabas kasama sila.
Bumaba ako ng kotse. Isang napakataas na gusali ang aking nakita. Pumasok ako doon. Nasa panghuli ako. Napatigil ako sa aking paglalakad nang biglang may tumawag sa aking telepono.
Kinuha ko iyon sa loob ng aking bag. Mamaya pa raw nila ito kukunin sa amin. Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ang aking telepono at sinagot iyon.
Ang nanay ko ang tumatawag. s**t!
Huminga ako ng malalim bago sinagot ang kanyang tawag.
"H- hello, nay?" nauutal na tanong ko sa kanya.
"Anak, kumusta ka na d'yan?" napangiti ako sa kanyang tanong.
"Okay lang naman po ako, nay. Tsaka nga pala, nay. Baka may makita na akong pera sa susunod na araw magpapadala kaagad ako sa inyo, nay."
Lumingon sa akin si Jin at sumenyas na sumunod ako sa kanya.
"Salamat, anak. Nanghiram naman kami ng pera ng tatay mo, pero kulang pa rin talaga iyon, 'nak." ramdam ko ang lungkot sa boses ng nanay ko.
"Ako na ang bahala doon, nay. Tatawag nalang po ako mamaya, nay. May trabaho pa po kasi ako. Ingat po kayo d'yan, nay."
Pinatay ko na ang tawag.
Dumadagundong na ang kaba ko sa aking dibdib. Ngunit kahit ganoon ay sumunod pa rin ako sa kanila.
Nang pumasok na kami ay napatingin ako sa buong lugar.
Mas lalo sumakop ang kaba sa aking buong pagkatao. Sumalubong sa akin ang tunog ng mga dice na tumatama sa mesa. Ang mga taong nakikita ko ay nakasuot ng mga marangyang kasuotan na nagsusumigaw ng matinding karangyaan.
Naglakad sa kani- kanilang pwesto ang mga kasama ko. Pakiramdam ko ay isa akong batang iniwan ng magulang na naliligaw dito ngayon. Naglilibot lang ang buong paningin ko. Hindi ako alam kung ano ang gagawin kong hakbang.
Hinahanap ng aking mga mata si Jin. Nakapwesto na ito sa tabi ng isang matandang lalaki. Kitang- kita ko sa ilalim ng mesa kung paano humawak ang kulubot na kamay ng matanda sa kanyang mga hita.
May lumapit sa aking isang lalaki. Nang lumingon ako sa kanya ay nakasuot ito ng salamin. Sa tingin ko ay nasa 40’s na siya. Nakasuot ito ng black na tuxedo.
“Are you new here?” nangilabot ang buong katawan ko nang hawakan nito ang aking braso. Hinaplos niya pa iyon.
“Yes. . .” he nodde. He pulled me. Sumunod lang ako sa kanya. Okay na siguro ‘to, hindi masyadong matanda. He looked so mature. I do not know if he is married. Wala naman siyang suot na wedding ring.
Sumunod ako sa kanya. Pinaupo niya ako at tumabi siya sa akin. They are playing roulette game.
Pasimpleng humahawak ang kanyang kamay sa aking bewang. At minsan naman ay napupunta ito sa aking hita.
Nanonood lamang ako sa kanila. Tuwang- tuwa ang lalaking humila sa akin kanina nang ilang beses siyang manalo.
“I guess you are my lucky charm?” ngumiti ako ng hilaw sa kanya. Naiilang ako.
“Here, this is yours.” Binigay nito sa akin sa ilalim ng mesa ang isang makapal na mga pera. Ang sabi ni Jin sa akin ay tanggapin ko raw agad kapag may inaabot silang pera. Kaya naman ay iyon ang ginawa ko. Tinanggap ko ang binigay niya.
“Thank you,” ngumiti ito at tumango sa akin.
“You can go home now,” labis akong nagulat sa kanyang sinabi.
“Po?”
“You can go home now. I won’t do anything to you.” May mga taong ganito pala dito? Ang swerte ko naman sa unang customer ko.
Tumayo agada ko. Baka magbago pa ang isip niya sa akin.
“Maraming salamat po!” maligayang sambit ko sa kanya. Ang perang hawak ko ay kukunan pa ‘to nung manager namin. Nandoon lang siya sa loob ng van.
Pumunta kaagad ako doon. Makakauwi agada ko. Makakapagpahinga pa ako para magtrabaho mamaya sa bar.
Binilang namin ang perang binigay sa akin nung matanda. Kasama ko ang manager naming. Isang babae, maraming tattoo ang iba’t ibang parti ng kanyang katawan. May yosi rin palagi ang kanyang bibig.
“Ang galing mo. Ang laki ng nakuha mo agad kahit wala naman kayong ginawa. Swerte mo.” Binigay na nito sa akin ang parti ko.
Pagkatapos kong magbihis ay nag- abang agad ako ng sasakyan papunta sa apartment naming. Habang nag- aabang ako ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naghanap na muna ako ng masisilungan. Nasa labas pa rin ako ng casino.
Habang hinihintay kong tumila ang ulan ay nakatayo lang ako sa labas habang hawak- hawak ang cellphone ko.
Nang medyo tumila na ay naglakad na ako sa gilid ng daan. Buti na lang mabilis lang ang ulan, pero malakas kaya may mga tubig pa sa daan.
“TANGINA?!”