CHAPTER 2
“TANGINA?!” sa lakas ng pagpapatakbo ng kotse ay lahat ng tubig sa daan ay napunta sa akin. Tumama iyon sa mukha ko at basing- basa na ngayon ang suot kong damit.
“TANGINA MO!” sigaw ko kahit na malayo na ang kotse. Hindi man lang huminto para mag- sorry sa akin! Bastos! Kung sino man ang may ari nun sana hindi Maganda ang buong araw niya! Sana pala lumusong na lang ako kanina sa ulan kung ganitong mababasa rin lang naman ako!
Nang may humintong taxi sa harapan ko ay padabog akong pumasok doon.
“Ma’am, may towel po ako dito. Hindi ko pa po ‘to nagagamit.” Offer nito sa akin. Ngumiti at umiling lamang ako sa kanya.
“Okay lang po, manong. Maraming salamat po. Pakihinaan na lang po nung aircon.”
Nang makarating ako sa loob ng apartment ko ay dumiretso na ako sa loob ng banyo namin para maligo.
Hindi ko man lang natandaan ang plate number ng kotseng iyon! Hindi ako makakabawi sa kanya! Tangina naman! Sana malasin ang buong araw niya!
Bumawi lang ako ng tulog pagkatapos kong maligo. Dahil 10 pm pa naman ang shift ko ay nagluto nalang muna ako ng hapunan para sa aming dalawa ni Samara.
“Kumusta naman ang trabaho mo?” tanong ko sa kanya habang sabay kaming kumakain. Nagmamadali na siya dahil malapit ng malate.
“Okay naman ang trabaho ko. Nahahati ko naman ang oras ko sa dalawang trabaho ko.” Halos magkaparehas talaga kami ng sitwasyon nito. Siya rin ang inaasahan ng pamilya niya. Parehas kaming may bitbit na malaking responsibilidad.
Pagkatapos niyang kumain ay umalis na siya. Susunod din naman ako sa kanya mamaya. Hinanda ko na ang mga gamit ko para sa bar para mamaya ay aalis na lang ako.
Dahil wala naman akong magawa pa dito sa bahay. Bandang 8:40 pm ay umalis na ako. Sa café nalang ako sa labas mag- aantay ng shift ko.
Habang naghihintay ako ng taxi sa labas ay may lumapit sa aking isang lalaki. Tangina! Ito na naman siya! Sisirain niya na naman ang araw kong sirang- sira na!
“Good evening, Sienna!” masiglang bati nito. Walang good sa evening ko dahil nakita ko na naman ‘yang pagmumukha mo! Hindi ko lang masabi sa kanya ‘yan kasi takot ako.
“Good evening, Ralph.” Ang tagal naman ng taxi. Hindi ako kumportable na nandito siya sa tabi ko. Tambay siya dito sa lugar naming. Ang bali- balita ay marami na raw itong nasaksak at labas- pasok na sa loob ng kulungan. Sinasabi nila sa akin na may gusto raw ito sa akin. Tangina, iniisip ko pa lang kinikilabutan na ang buong katawan ko. Umaaligid- aligid ito madalas sa akin, eh. Lalo na minsan kapag naabutan niya akong madaling araw ng umuuwi. Minsan nga ay inaabangan ako dito. Nakakatakot at baka bigla niya nalang akong hilahin sa dilim at gawan ako ng masama. Ang laki pa naman ng katawan, ibabalibag lang ako nito.
“Paalis kana ba?” maangas ang tuno ng kanyang boses. Buti na lang at wala dito ang mga sutsot na kaibigan niya. Kung nandito ay baka naglakad na lang ako papunta sa bar para makaiwas sa kanila. Hindi ako natatakot ngayon dahil marami namang mga tao sa paligid.
“Ah, oo. Paalis na ako,” dumistansya ako sa kanya nang bigla na lamang siyang tumabi sa akin at nagkadikit na ang mga braso naming dalawa. Nakakatakot siya!
Asan na ba ang putanginang taxi na ‘yan at bakit ang tagal? Kung kailan kailangan na kailangan tsaka pa wala.
“Bakit umiiwas ka yata sa akin?” hindi naman ‘to gwapo. Nakakadiri nga at mukhang hindi siya naliligo tangina. Ang pangit pa ng buhok niya dahil mataas. Tapos ang laki ng eyebags at ang itim ng mga mata. Ang dumi pa ng kuko.
“Ano ka ba! Hindi naman!” tumawa pa ako.
Tinaas ko ang kamay ko nang may nakita akong taxi. Yes! You saved my life, manong!
“Alis na ako!” sumalubong na ako sa taxi para lang makaiwas sa presensya niya. Nakakainis ‘to!
Pumasok na ako sa loob ng taxi at doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Sinabi ko na ang address ng bar namin.
Hindi na muna ako pumasok nang bumaba ako ng taxi. Matagal pa ang shift ko. Dala ko ang isang libro ko at babasahin ko iyon mamaya doon sa café. Habang naglalakad ako papunta sa café ay may nakakuha ng atensyon ko sa parking lot ng bar. Sandal lang! Ito ‘yong sasakyan kanina, ah? Baka kapareha lang?
Hindi lang naman siguro ‘yong nakabasa nito sa akin ang may kotse na ganoon.
Kaya naman ay isinawalang bahala ko na lang iyon at tuluyan na akong pumasok sa loob ng café.
Kapag talaga nagbabasa ako ay ang bilis ng oras. Shift ko na, sayang at nasa exciting part na sana ako.
Lumabas ako ng café at pumasok na sa loob ng bar. Sa locker ako dumiretso. Wala na si Samara at nakaalis na siguro.
Tumaas ang kilay ko nang isang poging lalaki ang nasa loob ng VIP room. Nag- iisa lamang ito. Hindi nito napansin ang presensya ko nang pumasok ako sa loob. Busy ito sa kanyang telepono. Ang gwapo naman! Pwede kaya magpa headlock sa halos pumutok ng mga muscles niya? May gold iyon an kwentas sa kanyang leeg. May isang itim at bilog na hikar din sa kanyang isang tainga. Habang nakatitig ako sa kanya ay nakita kong mayroon ding hikaw ang kanyang dila, nakita kong pinaglalaruan niya iyon. Ngayon lang ako nakasalamuha ng ganito ka poging customer! Ngayon lang ba siya napadpad dito?
“Here is your order, sir.” Sinabi ko lang iyon para makuha ang atensyon niya. At nagtagumpay naman ako sa balak ko. Tinaas nito ang kanyang tingin sa akin. Sa madilim na lugar, at sa kaunting ilaw na galing sa maliit na bombilya. Nakita ko ang kanyang mga mata, nakakaakit, sobrang expressive. Kulay brown ang kanyang mga mata. Makakapal ang kanyang mga kilay, at ang kanyang buhok ay medyo may kahabaan na kaya nakatali iyon sa likod. s**t! Nakatali rin ang buhok ni Ralph pero hindi siya ganito ka gwapo! Nang umulan ng kagwapohan ay sinalo niya yata lahat.
Tipid lang itong tumango sa akin at binalik na ulit ang kanyang titig sa kanyang teleponong hawak. Hindi niya man lang napansin ang beauty ko? Bahala ka nga d’yan. Hindi mo man lang na appreciate ang kagandahan ko.
Lumabas na ulit ako ng VIP room para kumuha pa ng ibang orders. 1 am pa lang, may dalawang oras pa ako dito. Sa ganito oras ay doon palang nagsisimula ang gabi ng iba. Mas nagiging wild na ang mga tao dahil halos lahat ay may tama na. Mostly ang mga tao ay nasa dancefloor. Ang ingay na rin ng mga tao. Nakakakita na rin ako ng mga taong naghahalikan sa mga tagong parte ng lugar.
Wala masyadong customer ngayon kaya naman ay may oras akong umupo at magpahinga. Sa harap ng counter lang din ako umupo para kapag may order ay makakapunta agad ako.
Nakatalikod ako at nakikipag- usap sa isang kasamahan ko dito. Masaya kaming nag- uusap. Nagtatawanan pa kaming dalawa dahil inaasar niya ako.
“Ang sarap lang kung ganito ka kalmado ang mga customer natin,” sabi nito sa akin. Siya ang gumagawa ng mga drinks.
“Kaya nga, sakit na ng kamay ko kakahawak ng tray.” Sambit ko habang humihikab. Nakakaantok, kahit na sanay naman na akong magtrabaho ng ganitong oras.
Sa gitna ng usapan naming dalawa ay nagulat ako nang may biglang humawak sa bewang ko. Hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala siya. Binaon nito ang kanyang mukha sa aking leeg na labis na ikinatigil ng mundo ko.