CHAPTER 3

1421 Words
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Namumungay na mga mata niya ang sumalubong sa akin. Nakakatakot, nakakatunaw ang kanyang mga titig na halos hindi ko na ito mapantayan. “Good evening, are you free tonight?” he asked in a husky voice. Tumingin ako kay Liam. Nanlaki ang kanyang mga mata pagkatapos ay ngumisi ito habang umiiling sa akin. s**t! Inubos niya ba lahat ng inorder niya kanina? “Sir, hindi po ako kasali sa mga binebenta.” Tinulak ko na ito nang nilapit na niya ang mukha niya sa akin. Hindi na ito bago sa akin. Ilang beses na itong nangyari. Hindi rin naman maikakaila na maganda rin naman ako. Syempre bubuhatin ko rin ang bangko ko ‘no. Kidding aside, ilang beses na itong ginawa sa akin ng mga customer namin. Mapabata man o mapa matanda ay ginagawa 'to sa akin. “How much? I will pay for you,” mas lalo nitong nilapit ang sarili niya sa akin. Kahit pogi ka hindi mo ako madadala d’yan. Siya ‘yong gwapo sa VIP room kanina. Ngayon lasing na lasing na siya. Magulo na ang kanyang mataas na buhok. Hindi na maayos ang pagkakabun nito. Mas lalo lang siyang naging gwapo sa mga mata ko. Tumayo na ako at balak ko na sana siyang iwan. Ang kamay nito ay gumapang sa aking bewang. Nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko nang malumanay niya iyong hinaplos. “Ano ba!” sigaw ko sa kanya. “You looked so damn hot, I want you tonight." Nang mas lumayo ako sa kanya ay mas lalo lang niyang nilapit ang sarili niya sa akin. Mas dumiin ang pagkakahawak niya sa bewang ko. “Alam kong hot ako, sir. Hindi n'yo na kailangang sabihin. Pero hindi po ako for sale, sir." I flipped my hair. Mas lalong natawa si Liam sa akin. Lumapit na sa amin ang ibang mga bouncer. Humarang ito sa pagitan naming dalawa. “Ano ang problema dito?” nag- exit na agad ko at hindi na ako nakinig sa usapan nila. Ang bouncer na ang bahala sa kanya. May nakita akong isang table na bakante na at walang tao pero may mga kalat na naiwan doon. Iyon na lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Nilinis ko lang iyon. Nang lumingon ako sa direksiyon ng lalaki kanina ay nakikipag- usap pa rin ito sa bouncer. Dalawang bouncer na. Nakita ko pang tinuturo niya ako. Iniwas ko nalang ang mga tingin ko sa kanya. Mabilis na natapos ang shift ko. Humihikab ako habang palabas na ako ng bar. Hindi ko na namataan ang lalaking lumapit sa akin kanina. Napalabas na siguro ng bouncer iyon. Nakakaantok ang ganitong shift buti na lamang ay sanay na ako. Nasanay na akong bumyahe ng ganito ka aga. 'Yong tipong masarap na ang tulog ng ibang tao habang ako ay pauwi pa lang at matutulog. Dahil nakaramdam ako ng uhaw ay pumunta na lang muna ako sa café. 24/7 naman sila, ‘yong may ma hang over na customer namin ay dito na rin sila nagpapalipas ng oras. Nang binuksan ko ang pintuan nun ay halos gusto ko ng bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Sana pala ay naghintay nalang ako ng taxi sa labas. Nandito rin ‘yong lalaki kanina. Umiinom na ito ng kape. Sa lagay niya ngayon ay mukhang nahimasmasan na siya. Gusto kong takpan ang mukha ko. Bakit ba ako ang nahihiya dito? Wala naman akong ginawa. Siya naman ‘tong lumapit sa akin kanina. Dapat nga ay siya ang mahiya sa akin sa pinagagawa niya. Pumasok pa rin ako sa loob dahil nabuksan ko naman na ang pinto. Tuloy- tuloy lang akong naglakad at kunwari ay hindi ko siya napansin. Dumaan pa ako sa harapan niya. Pumunta na ako sa counter para mag order nang iinumin ko. “Isang iced coffee nga po, take out po” binigay ko na sa kanya ang 45 pesos. Habang naghihintay ako ng order ko ay umupo na muna ako sa bakanteng upuan. Doon ako pumwesto sa likuran niya para hindi niya ako mapansin. Sa pinakahuli na ito at pader na ang sinasandalan ko. Ang lapad ng likod niya. Parang puputok na talaga ang mga muscles niya sa sobrang laki nun. Nakatitig lang ako sa kanya kasi kampante akong hindi niya ako makikita. Kaso ang loko ay bigla na lamang lumingon sa akin. I blinked three times before I take my eyes off him. Tangina nahuli ako! Mga ilang segundo na nagtama ang mga mata naming dalawa. Tumingin na lamang ako sa counter at hindi na siya nilingon pa. But I can literally feel him staring at me. And it makes me shivered. “You,” narinig kong sabi niya. Napalingon ako sa kanya. Seryoso ang mga titig nito sa akin. Hindi ko kayang pantayan iyon. Sobrang hina ko pa naman pagdating sa ganito. Ayaw na ayaw ko pa namang nakikipagtitigan sa ibang tao. Lalo na kapag sa hindi ko kakilala. “Ikaw iyong nasa bar, right? The f*****g waitress?” aba at minura pa ako ng putanginang lalaking ito. Tumayo ito at dahang- dahang naglakad papunta sa akin. Nang nasa tapat ko na siya mismo ay yumuko ito ng kaunti hanggang sa magkapantay na ang mukha naming dalawa. Hindi ako makaatras dahil wala naman na akong aatrasan pa dito. Lumalapit na siya sa akin! “Lumayo ka nga sa akin!” sigaw ko sa kanya at tinulak ko ng bahagya ang kanyang dibdib. Ang tigas! Pakiramdam ko pader din ang natulak ko. Mahilig ba ‘to mag- gym? Mukha nga, “You look hot, but you don’t have boobs.” Bumaba ang tingin nito sa aking dibdib. Bakit napunta nalang bigla sa dibdib ko ang usapan? “Gago ka! Inaano ka ba nito?” naiinis na sigaw ko sabay takip sa dibdib ko. Kahit mukhang lansones lang itong dibdib ko ay proud ako dito. “Don’t f*****g shout.” Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na ito sa akin. Umayos siya ng tayo, nilagay nito ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang suot na pantalon. “Minumura mo ba ako?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. At hindi rin ito nagpatalo at tumaas din ang kanyang isang kilay. Sino ba ‘tong punyeta na ‘to at sinisira niya ang araw ko. Dahil mataas siya, tapos nakaupo ako ay kailangan ko pang tumingala sa kanya. Ako pa talaga ang mag- aadjust sa aming dalawa dito? “You are f*****g noisy,” pinapainit niya talaga ang ulo ko! Ano n’yo ‘yong pakiramdam na inaantok ka na tapos may punyetang tao pa na kakausap sa ‘yo. Ang malas ko ngayong araw! “Ikaw ‘yong kumakausap sa ‘kin dito ngayon tapos magrereklamo kang maingay ako? Alam mo tangina mo!” tumayo na ako at mabilis na naglakad papunta sa counter. Kaming dalawa na lang ang tao dito ngayon. Buti na lang, nakakahiya at ang lakas pa ng boses ko kanina. Kinuha ko agad ang order kong kape nang nilapag iyon ng babae. “Thank you,” pasalamat ko sa kanya. Hindi na ako nag- atubiling lumingon pa sa lalaki at baka mabilis akong tumanda. Nakakainis ang pagmumukha niya kahit pogi pa siya! Humihigop ako sa kape ko habang nag- aabang na ng taxi sa labas ng café. Malapit ko ng makalahati ang iniinom ko. “You want a ride?” I heard his voice. I knew it as him. Nanatili lang akong nakatutok sa daan at wala akong binigay na sagot sa kanya. Baka itapon ko pa ‘tong kapeng hawak ko sa mukha niya. Kaso hindi ‘to mainit. Tsaka sayang din ang perang pinangbili ko dito. “Come on, ihatid na kita. Uuwi ka na ba?” ang kapal ng pagmumukha! Close ba kami nito? Sino ba ‘to? Kung makatanong akala mo ay ilang taon na kaming magkakilala. Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya! Paano kung sa ibang daan niya ako dadalhin? Tapos gagawan niya ako ng masama? Paano na ang nanay at tatay ko? Ang mga kapatid ko? Mas pinili ko nalang na 'wag siyang sagutin pa. “I know what is running on your mind right now. I won’t do anything bad to you.” Kanina lasing ‘to. Tapos hindi naman lasing ang mukha niya pero alam ba nito ang mga pinagsasabi niya? Sinong tanga naman ang sasakay sa hindi mo kakilala? Pakiramdam ba nito ilang taon na naming kilala ang isa't isa? “You want a ride? You can ride me instead.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD