CHAPTER 4

1354 Words
CHAPTER 4 “You want a ride? You can ride me instead.” “Tangina mo! ‘Wag mo nga akong ginugulo dito! Putangina mo!” naglakad na ako para makalayo man lang ako sa kanya. Ano bang meron sa utak ng lalaking ito? Parang baliw. Nakakainis siya. At talagang humabol pa ito sa akin. Ano ba'ng kailangan niya sa akin? “Ano bang kailangan mong hayop ka sa akin? Kanina pa sira ang araw ko, kaya please lang 'wag mo ng dagdagan pa ang inis ko.” inis na inis ako. Sirang- sira na ang buong araw ko. Simula pa kanina umaga hanggang ngayon ay hindi ako nilulubayan ng kamalasan. “I have a proposal for you,” proposal? Tinaas ko ang isang kamay ko nang may nakita na akong taxi. “Wala akong oras sa mga ganyan- ganyan mo. Hindi ako nakikipagbiruan dito. Sa iba mo nalang gawin ‘yan. I am not interested,” Nang huminto na ang taxi sa harapan ko ay binuksan ko na agad ang pinto nun. Padabog akong pumasok doon sa loob ng hindi man lang nililingon ang lalaki. Kung naglalaro siya ay ‘wag ako. Sayang at ang gwapo sana, kaso mukhang may taliling naman. Nang dumating na ako sa tapat ng apartment namin ay inabot ko na ang bayad sa driver. “Thank you po,” lumabas na ako ng kotse. Naglakad muna ako sa isang basurahan sa labas ng apartment para itapon ang hawak kong lalagyan ng iced coffee ko. Pumasok na ako sa loob ng apartment. I don’t have time to take a bath. My body aches so much. I just want to lay on my bed right now. That’s what I did. Humiga na ako sa kama ko. Mag- aayos pa ako mamaya at sasabak pa ako sa laban ko. Makikipagsapalaran na naman ako sa mga taong hindi ko kilala. Ibebenta ko na naman ang sarili ko sa kanila para magkaroon ako ng pera. Maybe I just have to accept that this is my faith. Alam kong mali, maling- mali ang ganito. Maraming paraan, oo. Pero ito ang pinakamadali. Mas mabilis ang pera dito. Mas mabilis na makakalabas ang kapatid ko kapag ito ang ginawa ko. Sana ang maging customer ko katulad lang din kahapon. Umaga pa lamang ay nagising na ako para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako sa loob ng kwarto. Nang lumabas ako ay lumabas din si Samara sa kanyang kwarto habang may bitbit na tuwalya sa kanyang balikat. “Ako na ang magluluto. Maligo ka na at akitin mo na ang boss mo! Magpaganda ka pa lalo,” namula agad ang kanyang mukha. Nagising ko pa yata ng tuluyan ang diwa niya. “Ang bunganga mo talaga, Sienna! Ang aga- aga pa, kung ano- ano na ang mga pinagsasabi mo sa akin!” natawa ako ng malakas nang halos tumakbo na ito papunta sa loob ng banyo para makaiwas sa akin. I know there is something between the two of them. Nagluto na ako nang may mga ngiti sa aking mga labi. Aasarin ko na naman si Samara mamaya. Nang dumating si Samara sa buhay ko ay nagkaroon ako ng kapatid. “Kain na, sabay na tayo.” Pinupunasan niya ang kanyang buhok nang lumabas na ito. Umupo ito sa katapat kong upuan. Nagsimula na kaming kumain ng almusal naming. Nagluto lang ako ng itlog at hotdog. May pandesal din ako dito. “Gwapo ng boss mo, ‘no?” namula na naman ang mukha nito. Nakita ko na ang boss niya sa bar. Gwapo rin 'yon! “Namumula agad, oh. Mukhang may something talaga sa inyo, ah?” pinaglagyan ko ito ng tubig nang mabilaukan siya. Wala na ‘tong best friend ko. “Kung ano- ano na naman ‘yang nasa utak mo, Sienna! Boss ko lang siya.” Pagrarason nito sa akin, ngunit halata sa mukha niya na nagsisinungaling siya sa akin. Hindi makatitig ng diretso sa mga mata ko. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman niya ang trabaho ko? I was so shy to tell her. I know she won't judge me. But I was scared. In the right time. I will tell her everything. Nang matapos na kaming kumain ay nauna akong umalis kay Samara. Magbibihis pa kami doon sa bahay ng manager namin. Nandoon ang lahat ng mga damit naming susuotin sa iba’t ibang araw. Doon din kami inaayusan. “Ito ang susuotin mo ngayon, Sienna.” Jin said and handed me a tube dress. Isa iyong mint green na dress at mukhang babagay naman sa kulay ko. Maputi ang balat ko at parang namumutla. Kaya palagi rin akong nagdadala ng liptint para sa bibig ko. Dahil magmumukha lang akong bangkay kapag wala akong liptint. “Thank you, Jin.” Pasalamat ko sa kanya. Wala pa kaming make- up, tatlo na lang kami ang hindi pa naayusan. Kaunting make- up lang naman ang gusto ko sa mukha ko. Ayaw ko ng makapal dahil malagkit at mabigat sa mukha. “Baba na, girls. ‘Pag hulas ang make up punta agad sa cr para mag retouch, okay? Dapat palaging fresh at maganda kayo sa paningin nila para marami kayong mabingwit.” Saad ng manager naming bago kami pinalabas ng van. “Go, girls!” Magkasama kaming dalawa ni Jin na lumabas. Ganoon pa rin ang lugar na pinuntahan namin. Sana nandito pa rin nag customer ko kahapon. Mabait pa naman ‘yon. Nang makapasok na kami sa loob ay napansin kong mas dumami na ang mga tao ngayon kesa kahapon. Ang hirap hanapin nung lalaki. Halos matatanda na lahat ng mga nakikita ko, mapababae man o lalaki. It seems like everyone knew who we are. Ang iba ay tumayo na at tumingin sa amin. Ang ibang mga kasama ko ay pumunta na sa kani- kanilang mga regular customer. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Hinahanap ng aking mga mata ang customer ko kahapon ngunit ibang lalaki ang nakita ko. Hanggang dito ba naman hindi niya ako lulubayan? Magiging malas na naman ang takbo ng buhay ko dito. Bago ko pa maiwas ang aking mga tingin sa kanya ay lumingon na siya sa aking direksiyon. Nakita ko ang labis na pagkabigla sa kanyang mga mata nang makilala niya ako. Iniwas ko ang aking mga tingin sa kanya kahi na alam kong huli na ang lahat. Naglakad ako, papalayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta- basta na lang akong nakihalo sa mga tao. Hanggang sa may isang matandang humigit sa akin. Mga nasa 60’s na ang kanyang edad. Mataba, matanda, malaki, at kulubot na ang kanyang balat. Nandito na rin sa table nila ang ibang mga kasama ko. Kitang- kita ko kung paano sila halikan ng mga matatanda. Ang ibang mga kasama ko ay nakaupo na sa kanilang mga kandungan at kung saan- saan na napupunta ang kamay ng mga lalaki. Ang kamay ng lalaking humigit sa akin ay napunta sa aking hita. Hindi umabot sa tuhod ko ang dress na suot ko. Masyadon revealing iyon. Idagdag pa na nakabun ang aking buhok kaya mas naging halata ang aking collar bone. “You smell like strawberry,” kumento nito sa akin nang ilapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Naiiyak na ako, pakiramdam ko ay nababastos ako kahit ito naman ang trabaho ko. Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang kapatid ko. Hindi pwedeng mag- inarte ako. Kahit nasusuka na ako, at pilit ko pa ring pinakita sa kanya ang aking mga ngiti. Gumapang ang kamay nito pataas sa aking hita. Gusto kong umatras na lang, na ‘wag nalang ituloy ang lahat ng ito. Hindi ko kaya ang ganito. Gusto ko ng umatras at pasukin na lang ang ibang mahihirap na trabaho ‘wag lang ganito. Ang dumi- dumi na ng tingin ko sa sarili ko. Kahit anong gawin kong ligo nito ay hindi na 'to mawawala. Mananatili na 'to sa utak ko. Dadalhin ko na 'to hanggang sa tumanda na ako. Hindi ko na pagmamay- ari ang katawan ko. Nagulat ako nang may biglang humawak sa aking kamay at hinila ako patayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD