CHAPTER 5

1307 Words
CHAPTER 5 Umalma ang matanda ngunit nang makita nito kung sino ang humila sa akin ay kaagad na napalitan ng pagiging kalmado ang kanyang mukha. Ang lalaking humila sa akin ay iyong nasa bar. “Mr. G- gustav,” nauutal na sambit ng matanda. Tumayo pa ito at nakipag- kamay sa kanya. Nilagay ako nito sa kanyang likod. Sa lapad ng kanyang likod at sa tangkad niya ay kailangan ko pa talagang sumilip para makita ang matanda. “Good evening, Mr. Gustav. I didn’t know that she is yours,” ako ba ang tinutukoy niya? Hindi ako pagmamay- ari ng lalaking ‘to! Tamang- tama rin ang paghila nito sa akin, kung hindi niya ako nahila ay baka nahawakan na ng matanda ang hindi dapat hawakan. “All of you must stay away from this girl from now on,” my forehead creased. Mawawalan pa yata ako ng trabaho dahil sa kanya. Ang mga kasama kong babae ay naguguluhan din nang marinig nila iyon. “Bakit ka ba nangingialam dito?” naiinis na bulong ko sa kanya. Though I am not sure if he heard it. “This girl is mine. No one can come near her, no one can touch her except me.” Magrereklamo pa sana ako nang hawakan nito ang aking pulupusuhan at marahas niya akong hinila. Sa bawat taong nadadaanan naming dalawa ay napapalingon sa amin. “Ang swerte niya naman. Si Mr. Gustav na ang lumapit sa kanya.” Narinig ko pang sabi ng iba. This man seems to be popular, huh? And he is rich. Damn rich. Nang makapunta na kaming dalawa sa labas ay hinila niya ako papunta sa parking lot. Doon na ako mas nagpumiglas pa sa kanya para makawala sa kanyang pagkakahawak. “Bitawan mo nga ako!” Malaya na akong sumigaw dahil wala naman akong ibang nakikitang tao maliban sa aming dalawa. “Bakit mo ba ako pinapakialaman? Talaga wala ka na ba talagang magawa sa sarili mo?” namumula ang pulupulsuhan ko dahil sa kanya pagkakahila sa akin. “Is this your job?” pinagkrus nito ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Maayos ang kanyang tindig at hanggang dibdib niya lang ako. Nakatingala ako sa kanya habang nagsasalita. Bakit ba kasi tumatakas ako dati nung pinapatulog ako ng nanay ko sa tuwing tanghali. ‘Yan tuloy at hindi na ako lumaki. “Ano namang pakialam mo? Alam mo ikaw, kahapon mo pa talaga sinisira ang buhay mo? Ano ban kailangan mo sa akin? Sinusundan mo ba ko?” napatakip ako sa aking dibdib at lumayo ako sa kanya. Nakita kong tumaas ang kanyang kilay. “I won’t do anything to you. You have small boobs I don’t want it.” Lumipad agad ang kamay ko para hampasin siya. Mabuti nga at naawa pa ako sa kanya. Kung hindi kanina ko pa sinipa ang p*********i niya para hindi na siya makaanak. “I already told you, miss?” hindi ko sasabihin ang pangalan ko sa ‘yo. “Wala, wala akong pangalan.” Bahagya itong natawa sa aking sinabi. Nanatili lamang akong seryoso, may nakakatawa ba sa sinabi ko? “Anyways, I have a proposal for you. You can surely benefit with it. You don’t have to be in this kind of work.” Kagabi pa siya sa proposal na sinasabi niya sa akin. “Ano na namang proposal ba? Kagabi pa ‘yan, ah? Sabihin mo na at ng matapos na tayo dito.” hindi pa rin ba tapos ‘to? Kung ano- ano ang trip nito sa buhay. “I want you to be my girlfriend,” halos mabilaukan ako sa sarili kong mga laway nang diretso niyang sinabi iyon. Pinagsasabi nito? Hindi ko nga siya kilala tapos tatanungin niya agad ako sa ganyan? Anong akala niya sa akin madaling makuha porke’t gwapo at mayaman siya? Akala siguro nito bibigay ako sa kanya. “Nakadrugs ka bang hayop ka?” muli iyong natawa sa akin. Sumilay ang kanyang pantay na pantay at mapuputing ngipin. Pinaglalaruan din nito ang kanyang hikaw sa kanyang dila. “No, of course not. What I mean is I want you to become my pretend girlfriend. You know, I will pay for you.” Pretend girlfriend? Magkakajowa na nga lang ako tapos kunwari pa? Ano ba ang trip ng tadhana sa akin at bakit ginaganito ako ngayon. “Anong pinagsasabi mo? Kaunti na lang talaga masusuntok na kita,” I showed him my fist. Tumaas lang ang kilay sa akin at tiningnan nito ang aking dibdib. “Mukha kang lumpia sa suot mo,”hinampas ko ulit siya. Ang dila talaga! “Kung wala kang matinong sasabihin aalis na ako.” Akmang tatalikod ako nang hawakan niya ulit ang kamay ko upang mapigilan ang pag- alis ko. “I will pay for you. You don’t have to work here. O kahit sa bar. Just be my pretend girlfriend.” Inalis ko ang kamay mula sa kanyang pagkakahawak. “Magkano ba ibibigay mo?” aba kung magkukunwari lang din naman at malaki ang ibibigay niya ay grab ko agad ‘yan. Ayaw ko talaga ng ganitong trabaho. “Fifty thousand pesos per month.” Umawang ang aking labi sa kanyang sinabi. Fifty thousand? As in? gusto ko agad umoo sa kanya. Ngunit nagkaroon pa rin ng pagdududa ang puso ko. “Baka binibiro mo lang ako?” naniningkit ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. “Do you have bank account? I will send it to you,” nilabas nito ang kanyang cellphone at akmang may tatawagan. “Sandali, sandali nga! Wala akong bank account!” sigaw ko habang pinipigilan ang kamay niya. Nang mapunta ang kanyang tingin doon ay tinanggal ko agad iyon. “I don’t have enough cash,” sigurado talaga siya sa sinasabi niya? Willing siyang gumastos ng ganoon kalaki para lang magkunwaring girlfriend. At sa dami ng babae at bakit ako pa ang napili niya? He has the looks, and he is definitely rich as f**k. Sigurado naman akong maraming mga babae d’yan na willing maging “pretend girlfriend” niya at hindi na niya kailangan pang magbayad. “Teka nga, bakit ako ang napili mo? Siguro may masama kang binabalak sa akin?” I pointed him my index finger. “May binabalak kang masama sa akin, ‘no?” “Tss. . . I don’t f**k a woman with small boobs,” malaki ba ang problema niya sa boobs ko at kanina niya pa ‘to paulit- ulit na pinupuna? Hindi naman siya kinakabalit nito. Behave lang ‘to dito. Ilang panglalait na ang natatanggap ng boobs ko ngayong araw mula sa kanya. “Kung maka small boobs naman ‘to. Tsaka ‘wag mo nga ‘tong dinadamay sa usapan natin. Ayusin mo nga ang sagot mo. ‘Yong matino,” tumingin ito sa paligid naming. Umiiling ito na tila may nakikia siyang hindi ko nakikita. Tumingin ako doon wala namang tao. Matatakot na sana ako kaso naalala ko na umaga pala. Sa gabi lang naman nagpapakita ang mga multo. “Let’s go somewhere. Doon natin pag- uusapan,” may kinuha iyong susi mula sa kanyang bulsa. “Ayaw ko nga, baka kung saan mo pa ako dalhin.” Pinikit nito ang kanyang mga mata na tila nawawalan na ng pasensya sa akin. “Come on, we are going to talk in the park. If you are scared that I might do anything bad to you,” “Bakit sa park pa kung pwede namang dito nalang tayo mag- usap?” sumama na ang tingin nito sa akin. Parang sinasabi ng mga titig niya na kung hindi lang ako babae ay kanina niya pa ako nasuktok sa pagmumukha ko. “Sabi ko nga sa park tayo mag- uusap, nasaan na ba ang sasakyan mo at para makaalis na tayo. Ito naman nagagalit agad- agad.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD