CHAPTER 19 “Okay na ba ‘to, Jem?” tumayo ako at sinalubong ko siya. Umikot ako sa kanyang harapan. Nang humarap ako sa kanya ay tsaka ko lang nakita na nakabihis na rin pala siya. Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ko maalis ang aking mga tingin sa kanya. s**t! Bakit ang gwapo niya? Gwapo na siya, pero mas gwapo siya ngayon. Ang fresh niyang tingnan, iba ang dating nito sa mga mata ko ngayon. Nakasuot ito ng isang black suit, and his inner are white, pati na rin ang kanyang suot na sapatos ay kulay itim din. Maayos na maayos ang pagkakabun ng kanyang buhok, some strands of his hair are falling on his face. At iba na ang kulay, it was red! Kanina itim lang ‘yon. Nagpakulay ba siya kanina? Nakaawang lamang ang aking mga labi. Wala pa ring mga salitang lumalabas sa bibig ko. At ganoon din

