CHAPTER 34 “Mr. Gustav, it’s been a long time since we last saw each other. How are you?” sumilip ako para makita nila ako. Magkakilala pala silang tatlo? Suntukin mo ‘yan, Jemuel! Ang bastos ng dalawang matandang ‘yan! Sayang nga at isa lang ang nasampal ko sa kanila. Dapat dalawa sila para pantay. “What is happening here?” ulit ni Jemuel sa kanyang sinabi at hindi pinansin ang matanda sa tanong nito.” Naglakad siya papunta sa harapan ng bouncer. Dahil nakasilip ako ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at agad niya akong hinila papunta sa kanya. Ngayon ay apat na kaming nakaharap sa dalawang matanda, kasama ang dalawang bouncer. Tinago ako ni Jemuel sa kanyang likod. Ang tangkad! Likod niya lang ang nakikita ko. Ang lapad din kasi ng likod niya. “Kilala mo an

