CHAPTER 43 Wala na akong alam kung anong oras na kami natapos kanina. Ang alam ko ay last naming dalawa ay sa kama na ulit kami. Galing kami nun sa banyo para maglinis ng sarili. Pero pagdating naman sa kama ay gumawa na naman ulit ng pampainit sa katawan. Nagising na lamang ako dahil kumakalam na ang aking sikmura. Minulat ko ang aking mga mata. Wala akong alam kung anong oras na ngayon. Nang tumingin ako sa bintana ay maliwanag pa naman. Nasa tabi ko si Jemuel at mahimbing pa ang tulog nito. Nakaharap ito sa akin. Walang suot na damit at nakapatong ang kamay sa aking tiyan. Wala siyang suot na damit dahil nasa akin ang damit niya. Nakangiti kong hinaplos ang pisngi nito. Ang pogi talaga! Kaya ang sarap halikan, eh! Kahit tulog ang gwapo pa rin. Hinaplos ko ang kanyang malalambot na mg

