bc

Fall for me again, August

book_age18+
903
FOLLOW
3.9K
READ
billionaire
others
CEO
comedy
sweet
bxg
humorous
engineer
professor
like
intro-logo
Blurb

When a 24-year old, hardworking office woman Kleya Altamirano falls in love with a guy she only met online named Hercules, she believes she has found her perfect match. Everything was in full technicolor…until she sets for an interview of her dream career and meets her interviewer and soon-to-be boss, August Lijauco. Managing director of the construction company with a pretty face and a temper so high, August is a compelling man of achievements one would be on the lookout for. Kleya finds herself mesmerized, not only with August’s stance but because he for a fact, EXACTLY looks the same as her boyfriend, Hercules.

As Kleya gropes the reality that she might be in love with a poser, she juggles to work her way up on her high-profile career and falls in love with her unpredictable and short-tempered boss. She knows for a certain she is falling into a deep hole- but what could be in for her when REAL Hercules enters the scene?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Yes, baby. I love you. Sobraaaa." Umirap ang kaibigan kong si Box habang tinititigan akong may kausap sa cellphone. "Sino ba 'yan?" Iritadong tanong ng bakla. Nandito kami ngayon sa coffee shop, nagkayayaan lang dahil saktong parehas na out na namin sa trabaho. "Boyfriend ko." Tanong ko. I'm proud no? Ang gwapo kaya ng boyfriend ko! "Sino? Si Hercules?" Tumango ako. Napapalatak na lang siya. Hindi ko alam kung bakit matagal ko ng kausap si Hercules pero hindi pa rin kumbinsido sa pakikipagrelasyon ko sa lalaki. "Sabi ko naman kasi sa'yo na poser 'yan!" Sabi niya. Inis akong lumingon sa kanya. Nagsisimula na naman siya. Magtatalo na naman kami ng baklang 'to! Nasa ibang bansa si Hercules, working as a project engineer. We were in a long distance relationship for almost a year. Iyon nga lang hanggang voice call lang kami kaya palagi akong sinasabihan ni Box na poser lang daw ang nobyo ko. "Hayan ka na naman! Hindi nga siya poser! Ilang beses ko ba sasabihin sayo! Sabi niya next month, uuwi na siya ng Pilipinas at magkikita na kami!" Pagyayabang ko sa kanya. "Ha! At naniwala ka naman! Bakit ayaw niyang makipag-videocall kung ganoon?" Ursula asked. "It's because he's shy and he's not fond of cameras!" Yes. Never pa kaming nakapagvideo-call ni Hercules but I've seen his pictures kahit kokonti lang. Sinesend niya sa akin ang ilang larawan niya whenever gumagala siya kasama ang mga kaibigan niya. Well, he's a handsome guy. Hindi rin siya palangiti sa pictures but he's really kind to me. Ewan ko, sobrang bait niya. Well, if you're asking if he asked me money like some sort of scamming or fishing details, no he's not. Actually, he's the one insisting on sending gifts to me on our every monthsary, kaso hindi ko rin naman hilig iyon. Pero kahit ganoon, may dumarating pa ring mga chocolates at mga regalo sa unit ko. And yes, doon ko napapatunayan that he's never a fake. He's a genuine boyfriend. Sa ilang buwan ba naman na magkausap kami, he never fails to make me smile and to prove himself to me. Kaya nabuo yung tiwala ko sa kanya kahit na hindi pa kami nagkikita. "Alam mo kasi Kleya, dapat hindi ka nagtitiwala sa mga ganyan. Duda kasi ako sa mga ganyan. Ang tagal tagal niyo ng magkarelasyon, tapos hindi pa rin kayo nag-uusap kahit sa videocall. You know kapag miss niyo na isa't isa. Hindi ba kayo nagsasawa na puro boses lang?" Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi naman sa nauumay pero gusto ko rin namang makita si Hercules sa personal bukod sa larawang ipinapadala niya sa akin. Sinubukan ko na rin naman na magsabi sa kanya na kung pwede ay sa videocall kami mag-usap pero idinadahilan niya sa akin na hindi niya 'thing' ang pakikipag-usap doon at hindi rin siya komportable kaya hindi ko na ipinilit. Isa pa, nakapangako siya na magkikita kami kapag umuwi na siya dito sa Pilipinas. "Hindi kasi siya komportable. Bakit ko naman kasi ipipilit?" Sagot ko. Hindi umimik si Box. Alam kong concerned siya sa akin pero panay pangangatwiran lang ang ginagawa ko. Sabi niya kasi na poser daw etong si Hercules at hindi ko alam kung anong basehan niya doon. "You know ang dami dami namang lalaki dyan e. Bakit ka nakipagrelasyon sa taong nakilala mo lang sa f******k? Hindi na ako magtataka kung isang araw makikita kitang naglulupasay dyan kasi niloko ka." Hindi ko na lang siya pinansin. Alam ko naman ang ginagawa ko. At hindi naman siguro ako magkakamali. "Hello, baby?" Nagising ako ng madaling araw dahil sa tunog ng phone ko. Tumatawag si Hercules. Walang pasabing sinagot ko kaagad iyon. "I miss you." Napangiti ako sa sinabi niya. He's very sweet. Kahit magkalayo kami, hindi niya ipinaramdam sa akin na magkalayo kami. "I miss you too." Nakangiti kong sabi. "I'm sorry, nagising ba kita? I just got home. I missed you that's why I called." Medyo kinilig naman ako dahil doon. "It's okay. I love you. Kumain ka na ba?" Nangingiti kong sabi. "Yes, I ate kanina sa office. Pahinga ka na baby. Baka antok ka pa e. I love you so much. I can't wait to see you." Malambing niyang tugon. Ganoon lang ang naging takbo ng relasyon namin. Matatag kami kahit magkalayo. Halos wala na akong mahihiling pa. I am working as a finance manager sa isang construction company. Nakapagpundar ako ng sariling unit dahil sa pag-iipon ko. Kasama ko sa unit ang Mama ko. My dad passed away when I was seven kaya hindi ko na siya gaanong natatandaan. "Kleya, I'm so glad that you're working here for five years and maayos ang performance mo. I think it's time para ilipat kita sa Manila. Our boss was actually needing an accountant and nirecommend kita sa kanya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng boss ko. Agad? "Talaga, boss?" Tuwang tuwa ako sa balita. Pinagbubuti ko talaga ang trabaho ko dahil balak kong bumili na sana ng sariling bahay para sa amin ng Nanay ko. "Yes! You can actually leave by next week. Nag-expand kasi ang operations doon and nagresign na si Ms. Janice kaya ikaw na ang papalit sa kanya. You're competitive enough para mapromote." Boss told me with a smile. Halos mapatalon ako sa tuwa. Siguradong magugustuhan ni Nanay ang balita kapag nalaman niyang lilipat ako sa ibang branch at mismong sa main office pa! Gosh! Pagkauwi ko ay agad kong binalitaan si Nanay sa promotion ko. Tuwang tuwa naman si Nanay sa balita ko kaya nag-order kami ng masasarap na pagkain para mag-celebrate. "Edi magandang balita 'yan anak. Ang galing galing mo talaga. I'm so proud of you!" Nakangiting sabi ni Nanay. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon. Sarap na sarap naman akong kumakain habang tango lang ang isinasagot ko kay Nanay. "Ang kaso anak, hindi kita masasamahan sa Manila. Inaasikaso ko kasi ang lupa ng Tatay mo kaya baka matagalan pa muna ako dito. Pag naayos na ang lupa, saka ako lilipad papuntang Manila." Nalungkot ako bahagya sa sinabi ni Nanay. "Okay lang naman, Nay. Kaya ko namang mag-isa. At saka po ang alam ko may housing benefits ang offer sa akin kaya hindi na ako mamomroblema sa titirahan kong bahay." Itinago ko na lang ang lungkot. Sandali lang naman kami ni Nanay na magkakahiwalay e. Pagkatapos noon, magkakasama na ulit kami. Tumawag si Hercules sa akin ng gabi. Nagtataka pa ako kung paanong nakatawag siya ng gabi dahil usually, madaling araw siya tumatawag. "Oh? Napatawag ka?" Natatawa kong tanong. Kakatapos ko lang maglinis ng katawan dahil naghahanda na akong matulog. "Napromote ka?" He asked. Paano niya nalaman? "Ha? Paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong. "Well.. Alam ko namang lahat sa'yo. What else could you hide from me?" Nagtataka ako sa tono ng boses niya. He's a bit off today. "Yes, I was about to tell you. Pero ang alam ko kasi busy ka kaya hindi na kita inabala." Sagot ko. "Sorry. Saan ka assigned na office?" He asked. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga tanungan niya pero minabuti ko na lang hindi sabihin ang totoo. "I think sa Bulacan branch yata. I'm not sure. Me and my boss haven't talk about the offer just yet." Sabi ko. "Okay." He sighed very hard. "Why are you asking?" Tanong ko. "I'm just curious about you." Oh okay. Iyon lang pala ang dahilan. Akala ko kung ano na. "Okay, baka naaabala na kita. I'll hang up na baby, bye. I love you. I'll sleep na because maaga pa ako bukas." He then agreed at saka na pinatay ang usapan namin sa tawag. Days passed at lumipad na ako papuntang Manila. Diretso ako sa bahay na sinabi sa akin ng boss ko. Namangha ako dahil masyadong malaki ang espasyo ng bahay. Maganda rin sa mata ang interior. It's similar to a condo unit pero mas malawak naman. Kumpleto na rin sa gamit kaya halos wala na akong problema. Bukas ang unang pasok ko sa opisina kaya minabuti kong ayusin na lang muna ang mga gamit ko sa kwarto. Bukas ko na lang aayusin ang buong bahay pagkagaling ko sa trabaho. Tumunog ang cellphone ko. It was Box. Gosh, hindi ko pala nasabi sa kanya na napromote ako! "Gaga ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin na napromote ka pala at nasa Manila ka!" Ramdam ko ang paghihimutok niya. "Sorry na Box. Hindi kasi tayo nagkita ngayong week kaya hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Tambak din ang trabaho ko sa opisina kaya di na kita naalala. Sorry na. Mapapatawad mo pa ba ako?" Nagpapaawa kong sabi. "Tse! Parang hindi mo ako kaibigan!" "Ano ka ba! Hahahaha! Babalik pa ako dyan kasi susunduin ko si Nanay. Baliw." Natatawa kong sabi. "Huh? Di mo kasama Nanay mo?" "Oo may aasikasuhin pa daw e. Kaya diyan na muna siya. Babalik ako dyan kapag naayos na ni Nanay yung sa lupa." "Ganon? Baklang 'to! Akala ko pa naman hindi ka na babalik! Balik ka agad, huh!" Himutok niya sa akin na tinawanan ko lang. Maaga ako sa opisina sa itinakdang oras kinabukasan. Alas syete ay nasa office na ako ng executive secretary since sinabi ng boss ko na dito daw ako magmungkahi pagkapasok ko sa unang araw. "Hello, Miss?" Bungad ng babae sa akin na matamis na ngiti ang iginawad sa akin. Tila nababasa ko tanong niya kung sino ako at anong ginagawa ko rito. "Miss Kleya Altamirano." Nakangiti kong sabi. "Oh, kayo po 'yung galing sa branch office?" She asked, tila kilala na ang pangalan ko. "Yes." Nakangiti kong sabi. "Hello po, good morning! Actually I was waiting for you to arrive since napagbilinan po ako ni Sir Lijauco na tawagan ko po siya once dumating po kayo." Sabi niya sa akin. Sir Lijauco? Ahh okay. Lijauco nga pala. Nasabi sa akin ni Bossing na Lijauco ang may-ari ng company. Mayayaman at maimpluwensyang pamilya. Maraming ari-arian at pumapasok sa iba't ibang industriya. Kasama na doon ang mining, manufacturing, procurement and even, clothing and shipping lines. Ganoon sila kayaman. "Ahhh you mean Sir Paul Lijauco? 'Yung may-ari ng company?" Tanong ko. Bumisita ang mga Lijauco sa branch namin once pero hindi na ulit nabisita dahil maganda ang takbo ng branch at hindi na kailangan pa ng supervision. Hindi ko na rin maaalala ang mukha ni Sir Paul dahil matagal tagal na iyon. "Ahhmm.. Soon po, miss. Ang alam ko po, the oldest son po nila Sir Paul, si Sir August siya po ang magmamana ng lahat. Pero as of now, ito po munang Blue Ladder Group ang hina-handle niya." Ahhh okaay. Tango lang ang tangi kong isinagot. I bet nasa 40's na rin siguro 'yung si Sir August. Hindi naman ito ipapamana sa kanya kung bata pa siya diba? Ang alam ko kasi tatlo ang anak nila Sir Paul. Dalawang lalaki at isang babae. Kilala ko lang sa pangalan pero hindi ko pa sila nakikita. Nakarating kami sa isang conference room. Pinaupo muna ako noong sekretarya doon para maghintay. "Ahhhm, Sir Lijauco told me po yesterday na dito daw po kayo maghintay. Rules niya po kasi 'yun. Siya po mismo yung nag-iinterview sa lahat ng employees. Iyon po ang protocol dito." Kinabahan ako. So may one on one? Akala ko ba tanggap na ako? And promoted na? Bakit may ganito pang phase? "Be careful, Miss. Kasi matalino po si Sir. Mabilis po siyang nakakahanap ng butas kapag nagkamali ka ng sagot sa itinatanong niya. So just be honest. And medyo masungit po siya. Payo ko lang po. Marami po kasing naipadala dito galing ibang branch pero bumabalik kasi sabi daw po ni Sir hindi ganun ka-competitive." She smiled at me kaya kinabahan ako. Shet! Ano ba 'tong pinasok ko! Umalis na ang sekretarya at pinilit kong maging kalmado. Mabilis pa naman ako magpanic kapag pinapakaba. No, Kleya! Focus! Nag-aral ka Kleya. You graduated Magna c*m Laude. Marami kang credentials. You have an experience. You earned your MBA degree. So what are you nervous about? I breathed heavily. Kaya ko 'to! After several minutes, the door of the conference room opened. Hindi pa ako gaanong nakalingon subalit halos mabuwal ako sa nakita ko. Wait. Hindi ba ako nagkakamali? Siya si Hercules? Wait, what? Malinaw sa utak ko ang nakita ko. It was Hercules. Siya iyong nasa larawan na ipinapadala ni Hercules sa akin. Hinding hindi ako nagkakamali! Magkamatayan na pero siya talaga iyon dahil kabisado ko ang features ng mukha niya! He then walked with charisma and appeal palapit sa akim. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko ng personal ang taong nakikita ko lang sa larawan! Ang gwapo niya talaga! Naglalabo-labo ang utak ko nang umupo siya sa harapan ko. Wait. Teka? Bakit siya andito? Sinurprise niya ba ako? Wait? Maiiyak na ba ako? Ang boyfriend ko mayaman pala talaga? OMG! "Good morning, Miss?" Malamig niyang sabi. Okay. Hindi niya alam ang pangalan ko. Gosh! Nagkukunwari pang si Hercules eh! August naman pala ang totoo niyang pangalan! Surprise ba talaga! "Ahhhmm. Hindi mo naman sinabi sa akin na August pala ang totoo mong pangalan?" Nakangiti kong sabi. Please, smile baby? Wala man lang bang yakap dyan? Napakunot ang noo niya sa sinabi ko? Wait. Nagj-joke lang talaga siya e para masurprise ako. Magugulat na ba ako? Shet! Oh my God! "Hindi mo naman ako kailangang isorpresa eh. Masaya na ako na nagpakita ka sa akin. Bonus na 'yung kiss and hugs." Okay. I'm about to tear up. Nasa harapan ko ang lalaking matagal ko ng gustong makita. Ang gwapo pala talaga niya! Paulit-ulit ako kasi gwapo talaga siya! "What the hell are you talking about?" His tone changed. Parang mainit na ulo niya. Doon na ako kinabahan. Napansin ko rin na magkaiba ang boses ni August at ng lalaking kausap ko sa telepono so loob ng mahigit isang taon. "Ikaw naman, baby. Mainitin agad ang ulo mo. Diba ikaw si Hercules? Ang boyfriend ko? Don't act like you don't know me at all. Besides, diba you promised me na magkikita na tayo? Gusto mo ipakita ko pa sa'yo ang convo natin eh?" I told him. "Are you crazy? I have to no time to deal with your f*****g drama. Are we going to continue the interview or babalik ka sa branch?" Matalim niyang sabi. Doon na ako natauhan. Sumikdo ang dibdib ko at tila sinaksak ako ng punyal. Naglaho ang lahat ng saya sa puso ko. Sakit at kahihiyan na lang ang natira. "Sabi ko sa'yong poser 'yang nobyo mo! Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin!" Umalingawngaw ang boses ni Box sa utak ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Napatingin ako kay Sir August na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. "Ahmm.. Sir." Naiiyak na ako. Mukhang kailangan kong magpaalam sa promotion ko. Hiyang hiya na ako at tila wala na akong maipapakita pang mukha. Pero sige na. Lulubusin ko na kahihiyan ko. "Before we start the interview, I would like to ask you a personal question. Do..uhhmm.. Do you know me personally? Like seryoso po talaga na andito kayo para lang sa interview?" This one question would be the answer. Kung ang nobyo ko ay niloloko lang ako sa loob ng isang taon. That I fell inlove with a poser. Tinaasan niya ako ng kilay bagamat nag-iisip kung para saan ang tanong ko. Seryoso siyang tumingin sa akin bago iginawad ang sagot na nagpaguho ng mundo ko. "No. Hindi kita kilala. This is the first time we met. Now, shall we continue the interview or not?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Unwanted

read
512.2K
bc

NINONG II

read
619.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook