Parang panaginip lamang ang lahat. Hindi ko inakalang tapos na akong magpacheck up at ngayon ay naglilipat na ng gamit sa katabing unit ni August. Hindi ko maalala kung bakit ako um-oo sa kanya gayong mas malapit siya sa akin, mas mabigat ang gawain ko. Probably, lagi niya ako uutusan or sisigawan or kahit na ano. Bakit ba hindi ko iyon naisip noong una pa lang? "Bakit ba ang bagal mong kumilos? Move that so you can unpack your things." Iritado niyang sabi habang itinuturo ang malaking aparador na hindi pa naisasaayos. "Wow ha? Parang kaya kong buhatin 'yon." Iritado kong sabi. "Fine. I'll just send someone here to help you arrange the furnitures." Siya itong bumili ng mga furnitures tapos ako pag-aayusin niya. The unit next to him was new and empty. Wala talaga iyong kalaman-laman.

