Isang buwan. Isang buwan kong hindi mahagilap si August. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya simula noong huli naming pagkikita. Iyon na rin ang huling pagkikita namin ni Kiyo dahil umalis na ito pabalik ng ibang bansa nang huli kaming mag-usap. I felt bad for telling him that I like his brother pero mas mabuti na iyon kesa saktan ko pa siyang muli. Hindi na iyon kakayanin ng konsensya ko. Kada gabi akong nag-iisip kung paano ko siya makakausap pero wala akong balita simula noong huli kaming nagkita. Ang sabi kasi sa akin ni Greta, hindi na pumapasok sa opisina si August. Ang dahilan? Hindi ko rin alam. Tumunog ang cellphone ko pagkatapos naming makauwi galing sa resto. I looked on the screen to see who's calling. It was Greta. Nagmamadali ko namang sinagot iyon. Nagpaalala kas

