Mahimbing na natutulog si August sa kama ko. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kanya. Dumating siya kaninang madaling-araw at wala akong ibang nagawa kundi ang patuluyin siya. Mukha kasing pagod na pagod siya at kulang sa tulog. Three weeks siyang nasa ibang bansa at hindi ko alam kung bakit nagtagal siya ng ganoon. Dati naman ay hanggang isa hanggang dalawang linggo lang itinatagal niya. Hindi rin siya nagtetext kaya wala akong ideya kung anong ginawa niya doon. Wala naman akong karapatang magtanong dahil buhay niya iyon. I want you to stay away from my son. I want him to marry Amary. Parang sirang plaka ang salitang iyon sa utak ko. Ano nga ba ang gagawin ko? Wala naman talagang dahilan para maging malapit kami sa isa't isa. Oo nga at magkaibigan kaming dalawa pero alam k

