"What are you doing here?" He asked. Hinila niya ako paalis sa mataong lugar. Medyo malayo na kami sa sayawan at napansin kong wala ng tao sa bandang iyon kundi kami. Nasa lilim kami ng puno ng niyog. Tanging mahinang hampas ng alon at mabining simoy ng hangin ang naririnig ko. It sobered me a bit. "Nagpa-party?" I was looking at him. Namamangha pa rin ako kung anong ginagawa niya rito. "Bakit ka po nandito?" Sunod kong tanong. Hindi siya umimik. "Iuuwi na kita." He said. Nakamasid siya sa katawan ko. Nagtataka siguro. Imagine, nasanay na siyang makita ako na naka-office attire tapos ngayon nakadress na hapit ang suot ko? That suit as an explanation. "Huh? Hindi pa pwede!" Giit ko. Iritado siyang lumingon sa akin. Hinubad ang suot na jacket at halos padarag na isinuot sa akin. "Why not

