UWAHHH! UWAHHH! UWAAHHH!
Maluha-luhang kinakarga ng isang magandang ginang ang isang sanggol na nasa loob ng crib.
Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na silang anak ni Arthur. Sino ba naman kasi ang hindi. Noong una ay pinangarap niya lamang ang ganitong klaseng buhay, ang magkaroon ng buo at masayang pamilya.
Sa dami-dami ng nangyari sa buhay nila lalo na ang pagkakaroon nila ng anak ang isa sa pinakahinahangad niyang magkaroon.
Aaminin niyang hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magdalang-tao ngunit dahil na rin sa makabagong mundong ginagalawan nila lalo na at sa tulong ng makabagong teknolohiya ay naging posible lahat ng hiling niya.
Hindi niya mapigilang umiyak hindi dulot ng kalungkutan kundi ibayong kasiyahan.
Dito niya napagtanto na ang pagiging isang ganap na magulang ang isa sa minimithi niya, ang maging isang ina sa magiging anak nito.
Iba pa rin pala kapag sariling anak niyo kahit na surrogacy lamang ang naging pamamaraan nila upang maging ganito kaposible ang lahat. Hindi man sa natural na paraan at masasabing wala na siyang pakialam pa.
Ang ospital na ito na siyang nakapangalan pa sa lolo ng asawa niya (Don Tierro G. Romualdez Hospital) ang naging daan upang matagumpay ma mailuwal ng naging surrogate mother ng anak niya.
ERRCCCK!
Ngunit hindi namamalayan ng nasabing magandang ginang na biglang bumukas ang pinto sa loob ng room na ito na maraming mga batang tila umiiyak na.
Pumasok roon ang dalawang nurse habang makikita ang labis na gulat at pag-aalala.
"Donya Felecia, walang galang na ho pero pwede niyo po bang pakilagay ang anak niyo po? Time na po for breastfeeding." Nahihiyang sambit ng isang magandang nurse na mayroong maliit na plakang nakasabit sa kaliwang dibdib nito na A. Santos.
Parang ayaw at nag-aalinlangan pa sana ang nasabing ginang ngunit mabuti na lamang at dumating kaagad ang isang lalaking nasa middle 30's na rin ata na halos kaedad ng ginang.
"Magadang tanghali po Don Arthur!" Magalang na wika ng dalawang nurse ng sabay-sabay habang makikitang tila maiiyak na mga ito.
Alam nilang malaki ang pagkukulang nila lalo pa't hinayaan nilang may makapasok sa loob ng private room na ito na isang incubation para sa mga babies.
Napakagwapo pa rin nito ngunit halatang nasa magandang ginang lamang ang atensyon nito.
"Felecia, ano'ng ginagawa mo dito?! Di ka ba nag-iisip na bawal ang ginagawa mo ha?!" Nagpipigil sa inis na wika ng bagong dating na lalaki.
Mabuti na lamang at nag-inform kaagad sa kaniya ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang mga empleyado rito sa loob ng ospital na ngayon ay siya na ang nagmamay-ari.
Hindi niya mapigilang mainis dahil sa ilang buwan na tila wala sa sarili ang nasabing asawa nito.
Kahit sino naman ay maiinis ngunit mas lamang pa rin ang pagmamahal niya kay Felecia. Subok na ng panahon ang katatagan nila lalo na ang pagmamahal niya rito.
Aaminin niyang ginusto niya rin noon ang magkaanak ngunit dahil sa komplikasyon ng pangangatawan ng asawa nito na si Felecia lalo pa't iba't-ibang doktor na ang pinuntahan at pinatingnan ay kung pipilitin nilang magdalang-tao ito ay baka ikamatay lamang nito st ng magiging baby nila.
Ayaw i-risk ni Don ang buhay ng asawa dahil mahal na mahal niya ito at ayaw niyang mahirapan man lang ito sa kahit na anong aspeto.
Ipinangako niyang aalagaan niya ito at di pasasakitan ngunit mukhang desperada na ang asawa nitong si Donya Felecia na magkaroon sila ng sariling anak.
"Arthur, napakagwapo ng anak natin, mana sa'yo. Halika dito." Tanging nasambit lamang ni Donya Felecia habang karga-karga pa rin nito ang isang surrogate baby na mayroon pang puting papel na nakakapit sa palapulsuhan ng bata.
Lumapit naman si Don Arthur sa kaniyang sariling asawa. Hindi niya aakalaing gagawin ito ng asawa niya para lang makita ang magiging anak nila.
Sinenyasan niya muna ang dalawang nurse na nakatunganga lamang sa gilid at mabilis na umalis nang maintindihan nila ang ipinapahiwatig ng Don.
Nang makaalis na ang mga ito ay saka naman nakalapit si Don Arthur sa kaniyang mahal na asawa.
Nagalak naman ang puso ni Don Arthur lalo pa't kamukhang-kamukha niya ito ngunit may ilang features ng mukha nito na hawig sa asawa niya lalo na ang balat ng samggol na may kaputian.
Hindi na rin iyon nakapagtataka dahil mixed european race sila ng asawa niya at hindi na nila matrace ang lahi nila. Ang lamang lamang sa lahi nila ay lahing french lalo pa't half french, 1/4 Filipino at ¼ american ang asawa niya habang siya naman ay half scottish 1/4 Filipino at 1/4 American.
Hindi talaga sila laking pilipinas ngunit ang maimpluwensyang angkan niya ay nandito lalo na ang half of their family business ay nasa pilipinas kung kaya't hindi na rin nakakapagtaka na dito na sila nanirahan alinsunod sa ama nitong namayapa na.
Ang mga kapatid ng ama niya ay hanggang ngayon ay mga inggit sa kanila lalo pa't his great father is his grandfather's most favorite son.
Hindi dahil sa paborito ito ay sa ama lamang nito halos lahat ipinamana kundi ito ay dahil sa kasipagan at determinasyon nitong palaguin pa lalo ang businesses nila hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa iba't-ibang parte ng Asya at Europa.
Agad na inakay niya palabas ang asawa nito habang humihikbi pa.
Masaya ang puso nilang mag-asawa na magkaroon sila ng sarili nilang anak.
Tiningnan pa nito sa huling sandali ang maliit na pangalang nakasulat sa maliit na higaan ng anak nito.
HADE ALEXANDRIUS S. ROMUALDEZ
Iyon ang pangalan ng anak nila. Sa wakas ay may tagapagmana na siya sa yamang meron sila at ipinapangako niyang magiging mabuting ama siya para rito.
...
30 years have passed... [Year 2030]
Kitang-kita na prenteng nakaupo si Hade Alexandrius Romualdez sa swivel chair nito habang tutok na tutok siya na nakapangalumbaba sa mga paper works na nakapatong sa table nito.
Mula sa ipinanganak ito ay talagang malaki ang nagbago rito.
He already finished his study lalo na at talagang may angking talino nga naman ang nasabing binata. Hindi lamang iyon dahil na rin sa napakasipag nito sa lahat ng bagay.
At the age of twenty ay natapos na nito ang lahat ng mga kinakailangan nito sa lahat ng kurso na gusto nitong kunin. Hindi iyon naging imposible lalo pa't mayaman din sila este napakayaman ng pamilyang kinabibilangan niya.
SRU (SY-ROMUALDEZ-UY) GROUP OF COMPANIES. Ito lang naman ang tatlong pamilyang bumubuo sa kung sino man siya ngayon.
His life is just like a normal workaholic CEO ng kompanya nila. It's been almost ten years na siyang siya mismo ang nagpapatakbo ng kompanya nila at ilang negosyo meron sila.
Itong napakataas na 30-storey building na ito sa lungsod ng Maynila ang siyang kompanyang pinahawak ng sarili niyang amang si Arthur Eric U. Romualdez.
His dad is multi-billionaire just like him ngunit higit na mayaman ito. He always reminds him na siya ang magmamana lahat ng yamang meron sila.
Malungkot lang siya dahil kahit kailanman ay hindi na magkakaanak ang ina niya o ang dad niya. He was a surrogate child at ayaw na sundan pa siya ng mga magulang niya sa hindi nila malamang dahilan kaya nakontento na lamang siya maging kaisa-isang anak nila.
But the pressure is overwhelming lalo pa't hindi siya tanga para isiping ginusto niyang maging kaisa-isang anak ng mga ito o maging perpekto sa harap ng lahat.
He knows how hard his life is. Mayaman sila ngunit hindi maaaaring manganib ang kompanya nila o mga negosyo nila. It's all about money that makes his company running.
Kailangan niyang maabot ang expectations ng lahat na siya namang ginagawa niya. He done researching, making deals at halos lahat ng bagay to improve his company's assets at ang sales nila.
SRU ADVERTISING COMPANY, ito ang pangalan ng kumpanyang pinamamahalaan niya. Specialty nila ang pag-advertise ng mga malalaking brands para maging patok ito sa iba't-ibang aspeto na kaya nilang gawin. Nahahanay din sila sa paggawa ng marketing strategy at karamihan sa mga kliyente nila ay mga mayayaman at bigating mga businesses lalo na yung mga mamahaling mga restaurants at hotels.
Dahil in-appoint siya bilang CEO ng kumpanyang ito ay kailangan niyang gawin lahat ng mga transaksyon na ito upang pamahalaan ang bawat section ng kompanya nila. SRU ADVERTISING COMPANY ay isa sa world class advertising company na ilang beses ng pinarangalan sa asya o sa europa man. Sa katunayan ay marami na siyang kilalang mga bigatin at bilyonaryong kasosyo na rin niya sa kaniyang sariling kompaya't negosyo.
Naging posible din ito dahil masisipag din ang mga empleyado niya at siya mismo ang nagda-drive sa mga ito upang paghusayan o mapabuti pa ng mga ito ang ginagawa nila.
They don't hire a so-so employees o dahil lang bigatin ang koneksyon nila. They hire the most capable people. Every month ay may evaluation sa kompanya nila and those who didn't passed the evaluation ay automatikong matatanggal. Ganito ka-competitive ang working environment ng kompanyang pinamamahalaan niya inorder to provide the best service they have.
Malalaki ang pasahod nila kumpara sa iba na kung di siya nagkakamali ay sampong beses ang pasahod nila kada buwan kumpara sa ibang naglalakihang kompanya.
It's either the employee quit or kicked out. That's what true business image is. Pinapaswelduhan sila ng malaki kaya malaki din ang expectations ng kompanya nila. Hindi sila nag-aalaga ng mga tamad at iresponsableng tao para palamunin lamang.
Mabilis na hinilot ni Hade Alexandrius ang sentido nito. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa malaking kapalpakan ng isang empleyado niya at buti na lamang ay tinanggal na niya ito sa kompanya nila.
Nag-iisip pa siya ng solusyon para dito. Sino ba naman kasi ang hindi dahil na rin sa ayaw niyang makarating ito sa amain niya.
Kailangan niyang masolusyunan ito within this day dahil bukas ay may malaking event dito sa kompanya na para sa kaniya. Tomorrow will be his tenth year anniversary as an appointed CEO. This will be a long day for him lalo pa't hindi simple ang maging CEO for ten consecutive years.
Mahirap man ang trabaho niya ngunit gusto niya naman ito.
...
Hade Alexandrius look himself in a mirror. Paulit-ulit niyang tiningnan ang sariling repleksyon niya sa salamin.
Hindi niya aakalaing pinagsama ang kombinasyon ng mukha niya sa mga magulang niya. Don Arthur Eric Uy Romualdez at Donya Felecia Sy-Romualdez, ito ang pangalan ng mga magulang niya.
His a mixed race kung kaya't kakaiba talaga ang mukha at pangangatawan niya. His looks and body ay talagang pag-europa ang dating lalo pa't hindi naman purong pilipino ang mga magulang niya. They live in Europe noon at doon sila nagkakilala ng amain nito.
There love story is phenomenal lalo pa't hindi aakalain ni Hade Alexandrius na ang ama nito ay makakatuluyan ang ina nitong mula sa angkan din ng mga mayayaman.
Masasabi ni Hade Alexandrius na malakas ang dating ng kanilang apelyido sa publiko. They are one of the influential families sa buong Pilipinas kaya hindi nakapagtataka na maingay din ang pangalan niya sa publiko.
Sa totoo niyan ay binansagan na siyang isa sa Long time Bachelor. Maraming nagkakagusto sa kaniya na mga kababaihan at sangkabaklaan but he didn't mind it.
Naniniwala pa rin siya sa true love katulad ng mga magulang niya. He knows na sa panahon ngayon ay napakaimposible ng mangyari iyon lalo pa't millennial age na ito at hindi na uso ang mga sulat-sulat o harana na tanging sa libro mo lang mababasa but his mind don't want an easy relationship na mauuwi lang naman ng sakitan ng loob kapag nagbreak sila.
For his 30 years of age, he always protecting his heart for wicked people. Ganon naman talaga, ayaw niyang masaktan ang puso para lang sa pag-ibig na hindi naman tunay at totoo.
Pinalaki siyang may respeto sa tao lalo na sa mga kababaihan and he did dates several times.
Wala siyang kinakama at mas lalong hanggang kiss lang sa cheeks ang nagagawa niya sa mga dates nila. His not a playboy o a badboy to begin with dahil ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang pamilya nila.
He lives in reality at hindi siya yung tipo ng taong tipikal na nababasa sa reading apps o libro na mahilig mambabae o nagpapatuliro sa alak dahil nabubuhay siya sa reyalidad.
Naiisip niya palang na gawin iyon ay hindi na niya magawa dahil mahal na mahal niya ang magulang niya. His mother has a weak heart and his father is a good man. Kapag nakita pa lamang niyang malungkot ang mga ito o disappointed ay talagang makakaramdam siya ng ibayong guilt at di siya patutulugin ng konsensya niya.
True Love Exist. Yan ang sinasabi ni Hade Alexandrius sa sarili niya habang nagpose pa ng iba't-ibang posisyon para paghandaan ang event na gaganapin sa ngayon.
Ito na ang gabing inaabangan niya. Siguro naman ay bibigyan na siya ng ama niya ng mahabang bakasyon o di kaya ay trip to Europe na ipinangako nito noon pa man.
O baka naman gagalaw na ang tadhana upang makita niya ng personal ang nasabing makakatuluyan niya. Baka sa party mamaya? O sa gilid ng kalsada o di kaya ay sa hagdanan? Yun bang maramdaman niya yung spark pagkahawak pa lamang ng kamay sa babaeng makakatagpo niya.
Hindi mapigilang makaramdam ng kasiyahan at kaunting kilig si Hade Alexandrius nang maisip niya ito. Yung tipikal na nabasa niya na nobela na naman ang pumasok sa isipan niya.
Maya-maya pa ay bumukas ang kwartong kinaroroonan niya at nakita niya ang magandang sekretarya niya na papasok.
Elegante ang kasuotan nito at masasabing may katandaan na din ito. Nasa 40 na ito at may pamilya na rin. Ito lang ang babaeng personal na pinili ng ama niya para sa kaniya upang maging secretary. Isa ito sa apat na personal na secretary ni dad na nagtatrabaho na rin ng matagal na sa SRU ADVERTISING COMPANY. Mabuti na yun para puro trabaho ang asikasuhin ni Hade Alexandrius at allergic siya sa malalandi na inuuna pa ang kalandian sa oras ng trabaho.
Marami na din siyang napaalis sa trabaho na karamihan ay malalandi at wala namang taglandi na klima sa Pilipinas. Imbes na trabaho ang uunahin upang may pangkain sa pamilya ay kakatihan ang inuuna. Hayst!
"Tapos na po ba kayo Sir Hade? Nandyan na kasi yung mga magulang niyo po sa ibaba, kararating lang." Simpleng saad ng nasabing ginang habang makikitang namangha sa kaanyuan ng CEO na pinagsisilbihan niya.
Napasimangot naman si Hade Alexandrius sa tinging ipinupukol ng sekretarya niya. Alam na niya ang ganitong klaseng tingin. Malakas talaga ang paningin ni Ate Clara niya.
"Naku Miss Clara, tigil-tigilan mo ko sa katitingin mong yan. Hindi ko pa nakakalimutan ang huling babaeng ipina-date mo sakin hmmp!" Halos umusok sa inis na wika ni Hade Alexandrius.
"Nakung bata ka, Miss Miss ka diyan eh Ate naman tawag mo sakin. Ayaw mo nun, may date ka na, may driver ka pa hahahaha!" Malakas na sagot naman ni Ate Clara habang himagalpak pa ng tawa.
Paano ba naman eh isang tibo pala ang ipina-date niya kay Hade Alexandrius at talagang gusto lang makakita ng pera upang ihatid ito pauwi. Isang taxi driver iyon.
Napaka-awkward nun at masasabi ni Hade Alexandrius na na-turn off siya. Aaminin niyang nagandahan din sa seksing babaeng iyon noh. Yun lang, ayaw niya ang sobrang pagka-practical nito na pati date nito ay gusto pa nitong gawing pasahero at pagkakitaan.
Huminga ng malalim si Hade Alexandrius upang ikalma ang sarili dahil ayaw niyang nagagalit o naiinis siya. Alam naman niyang talo siya sa nasabing ginang dahil napatunayan niya na malakas ang kapit at tiwala ng ama niya rito. Isa pa ay hindi na rin iba si Ate Clara sa kaniya, yun lang ay hindi niya masabayan ang trip nito sa buhay at dinadamay pa siya sa paggawa nito ng kalokohan.
"Umalis ka na nga Ate, susunod ako mamaya." Sambit naman ni Hade Alexandrius sa
"Bilisan mo diyan Sir Hade, ayaw pa naman ng ama mo na pinaghihintay." Remind naman ni Ate Clara habang nakatingin sa likuran ni Hade Alexandrius.
"Yes Miss Clara, masusunod ang iyong nais!" Wika ni Hade Alexandrius habang nagpipigil ng inis rito. He knows na kinukulit lang siya ni Ate Clara.
"Ikaw talagang bata ka, o siya aalis na ko babush!" Mabilisang turan ni Ate Clara habang makikitang mabilis itong umalis sa kinaroroonan nito.
Napatampal na lamang si Hade Alexandrius sa pagiging kwela at makulit ni Ate Clara. Alam talaga nito kung paano siya inisin.
Palagi naman nitong ginagawa eh lalo na kapag walang trabaho. Mabait naman talaga si Ate Clara yun lang ay seryoso talaga ito kapag nasa trabaho. Di niya alam kung sino ang mas workaholic sa kanila.
Inayos na ni Hade Alexandrius ang sarili at mabilis na ring sumunod pababa.
...