Pagkababang-pagkababa niya ay doon niya nasilayan ang napakaraming bisitang dumalo sa party niya. King O' Real Hotel ang venue ng party kung saan siya.
Ano pa ang ini-expect niya sa 7 Star Hotel na ginaganapan ng party niya. Personal na mga magulang niya ang naghanda ng lahat kaya nga easy peasy para sa secretary niya na inisin siya.
Talagang hindi niya na nakita pa si Ate Clara dahil mukhang iba ang agenda nito sa party niya. Hindi niya alam kung secretary niya ba talaga ito o hindi.
Magkagayon pa man ay nakita niya ang mga magulang niya sa dulo ng hagdanan pababa.
Talagang iba talaga ang pakiramdam ng isang 7 Star Hotel na itong kinaroroonan niya dahil lahat ng bagay rito ay kumikintab at mamahalin.
Maganda ang pagkakagawa sa hagdanan at masasabi niyang dinisenyo ito ng arkitekto ayon sa kagustuhan ng mga magiging bisita ng hotel na ito.
Click! Click! Click!
Talagang may media pa na personal na kinuha ang mga magulang nito. Isa din itong promotion noh lalo pa't kilala ng ama niya ang nagmamay-ari ng King O' Real Hotel na ito.
Siguradong dadami naman ang mga guests ng hotel na ito dahil sa kaniya. Hindi maipagkakailang marami pa rin ang mga taong nagkakagusto sa katulad niya at ginagamit niya din ito dahil kalakasan din niya ito upang mas lalong umunlad ang kompanya nila noh.
Wealth, Power and Fame. Iyan ang meron siya lalo pa't ipinanganak siyang isang Romualdez. This three are his unique qualities.
Hindi namalayan ni Hade Alexandrius na nakababa na siya sa pa-spiral na hagdanan. Nasa second floor lang siya at masasabi niyang satisfied na siya sa serbisyong hatid ng hotel na ito.
Mabilis siyang niyakap ng inang si Donya Felecia habang niyakap rin siya ng ama niya kasama ang hindi pa naghihiwalay na ina nito.
Humiwalay naman kalaunan ang ina nito at ama.
"Congrats Young man!" Sambit ng ama nito kay Hade Alexandrius habang nakangiti pa ito ng malawak.
"Salamat Dad!" Napangiti rin ng malawak si Hade Alexandrius habang sinasabi ito lalo pa't ayaw niyang ipahiya ang ama nito.
Gwapo at magaganda ang kasuotan ng mga magulang nito. Halatang inlove na inlove pa rin ang mga ito sa isa't-isa.
"Kamusta na ang kaisa-isa kong anak? Mukhang pumayat ka ah." Tanong ni Donya Felecia habang makikitang nalungkot ito bahagya.
"Ano ka ba Mom, I'm not that thin. Ikaw nga itong pumayat. Siguro ay hindi ka inaalagaan ni dad ng mabuti." Sambit naman ni Hade Alexandrius sa nakakalokong ngiti.
"Aba'y tigil-tigilan mo ako Alexandrius sa kalokohan mo. Ilang beses mo ng kinukulit patungkol sa magiging kapatid mo. Ang tanda ko na diyan noh!" Naiinis na wika ni Donya Felecia habang makikitang tila nagtatampo ito.
Mabilis namang niyakap ito ni Hade Alexandrius habang nakangiti. Sigurado siyang nagtatampo-tampuhan na naman ito para lambingin.
"Naku ma, hindi yun ang ibig kong sabihin. Namiss lang talaga kita dahil di kita nakita nitong buwan." Sambit ni Hade Alexandrius habang makikitang hinalikan pa nito sa pisngi ang ina.
Mabilis naman siyang umalis sa pagkakayakap sa ina at hinarap ito.
"Palibhasa ay wala ka ng oras sa akin upang bisitahin ako. Nakakatampo tuloy hmmm..." Sambit ni Donya Felecia habang malungkot.
Tiningnan naman ni Hade Alexandrius ang ama nitong si Don Arthur habang makikitang gusto nitong tulungan siya nito.
"O siya tama na yan mahal, alam mo namang busy lang yang anak mo sa kompanya natin. Aba'y sa kanya rin mapupunta iyon." Pag-aalo nito sa asawa habang niyayakap niya ito.
Mabilis namang sumenyas ang ama nito na umalis ito upang pagkaabalahan ang ibang bagay lalo na ang bisita nito.
Thanks dad!
Ang tanging naiwika ni Hade Alexandrius na walang tunog habang papalayo sa mga magulang nito.
Kaya nga agad niyang dinaluhan sa hindi kalayuan ang mga kilala niyang mga investors nila.
Isa na rito ang Lee Brothers na mga sikat na magkapatid na mayroong Car Company sa Pilipinas. Kung di siya nagkakamali ay sila ang kompanyang nag-advertise ng mga car models na gawa ng kompanya ng mga ito kung kaya't naging kasosyo na niya ang mga ito sa trabaho lalo na kapag may bagong labas na modelo ng sasakyan ang mga ito.
Bigatin din kasi ang mga ito lalo pa't mga astig na motor at mga auto ang mga pangunahing transaksyon ng mga ito at bilyon-bolyon din ang kita ng mga ito na galing pa sa ibang bansa ang mga spare parts ng mga sasakyang ginagawa o ini-export nila rito.
Gaya ng nakagawian ay mabilis silang nag-high five nang magtagpo ang landas nila.
"Mga tsong, andito na pala ang bigating CEO natin o!" Sambit ni Samwell Lee haban nakatingin ng malapitan kay Hade Alexandrius. Ito ang panganay sa kanilang tatlong mga Kee Brothers.
"Asensado na talaga itong si Master Hade!" Wika naman ni Arwell Lee na kakikitaan ng pagkaproud sa butihing kaibigan nila. Ito ang middle child sa tatlo.
"Mas lalo kang gumwapo tol. Pahiram naman yang suot mo!" Sambit ni Norwell Lee na bunso sa tatlong Lee Brothers na gusto pa atang hiramin ang mamahaling tuxedo ni Hade Alexandrius na siyang suot-suot nito.
Lahat naman sila ay naka-tuxedo pero kakaiba pa rin talaga ang suot at tindig ng isang Hade Alexandrius na kakikitaan ng kaguwapuhan at karangyaan.
Mabilis na binatukan naman ni Arwell si Norwell dahil mukhang di ito paaawat.
"Kahit kailan talaga Norwell panira ka ng party. Hiniram mo na nga yang tuxedo ko at mamahaling slacks ko pero mukhang pinagsawaan mo agad tsk!" Inis na wika ni Arwell habang makikitang nakatingin ito sa bunsong kapatid nila.
"Ano ka ba kuya. Tingnan mo nga naman itong suot ni utol Hade o. Higit na mas mahal ito!" Sambit naman ni Norwell na hindi papaawat at tila sinuri pa ang suot ni Hade.
"Tama na yan Arwell at ikaw naman Norwell please lang wag kang makulit diyan at bitawan mo si Hade kung ayaw mong bukas na bukas ay laman ka ng tsismis sa internet!" Seryosong wika naman ni Samwell habang sinasaway ang dalawang kapatid nito.
Lumayo naman si Arwell kaagad sa pwesto ng dalawa at malapit siya sa pwesto ng nakakatandang kapatid nitong si Samwell Lee.
Agad naman nakipagsukatan ng tingin ang busong kapatid nila kay Samwell na sa huli ay sumuko naman ito.
Napangiti naman si Hade Alexandrius sa asal ng magkakapatid at pinagpag ang damit nitong hindi naman nayukot. Halatang takot pa rin ang dalawa sa nakakatandang kapatid ng mga ito.
Sino ba namang hindi. Samwell Lee is the Ceo of Lee Royalty Car Company at ang dalawang kolokoy na kapatid nito ang mga COO. Their parents and relatives ay nasa USA kung kaya't natitiyak niyang lumayo ang mga ito upang magsimula sa umpisa at dito rin sa Pilipinas pala ang bagsak nila but truly they are lucky enough at nakapag-collaborate sila sa company na pagmamay-ari ng SY-ROMUALDEZ-UY kaya naging sure ball ang unang subok nila at lumago ng tuluyan ang negosyong sinimulan ng Lee Brothers.
"Kitakits nalang mamaya Tsong baka mawala yang mamahalin mong tuxedo dahil sa pasaway kong kapatid." Tanging nasambit naman ni Samwell at tila binugaw pa papaalis si Hade Alexandrius.
Agad namang nakuha ito ni Hade Alexandrius at umalis ng nakangiwi.
Maraming drinks sa paligid niya at maingay din ang iba lalo pa't may kaniya-kaniyang usapan. Agad na kumuha siya ng isang baso na may lamang Champaign upang uminom. Medyo tense pa rin siya lalo pa't halata niyang bigatin din ang ibang dumalo rito.
May time pa naman siyang maglibot-libot bago siya ipakilala ng amain nito sa lahat ng bisita.
Kinindatan niya naman ang mga babaeng bisita na nasa hindi kalayuan na dinadaanan niya na halatang nagpapacute sa kaniya kaya sinabayan niya ng trip ito.
Halatang kinilig ang mga ito dahil pinamulahan ng pisngi ang mga ito. Alam niyang off limits ang mga ito dahil karamihan sa mga dumalo ay mga may partners na. It's just a simple way to welcome his beloved guests and to ease the tension or the atmosphere around this place.
Maya-maya pa ay naramdaman niya ang mabigat na braso sa balikat niya at doon niya napagtanto na mayroong umakbay sa kaniya na kung sino.
"Hi Loverboy!" Sambit ng pamilyar na boses sa kaniyang kaliwang tenga.
Agad siyang lumayo rito sa pamamagitan ng pag-iwas ng katawan nito sa mga braso nito.
"At paano ka naman nakapunta dito Chase Arvann Hidalgo?!" Seryosong tanong ni Hade Alexandrius habang kitang-kita ang naiinis nitong mukha sa harap.
"Chillax Pare, hindi mo man lang ba babatiin ang Bestfriend mo?!" Mahinahong wika ng binata habang makikitang naguguluhan pa ito.
"Chillax mo mukha mo! Hindi ko pa nakakalimutan ang pagsulot mo sa ka-date kong gago ka!" Seryosong saad ni Hade Alexandrius habang nagpipigil ng inis.
"Tsk! Napaka-immate mo pa rin Hade pagdating sa bagay na iyon. Nakaraan na yun please kalimutan mo na." Saad ni Chase sa mababang tono ng boses.
"Nakaraan? As long as I can remember nitong nakaraang buwan lang yun Chase. Di mo sinulot, binahay mo pa si Cheska!" Galit na wika ni Hade Alexandrius habang matalim na tiningnan si Chase.
"Sorry Hade sa ginawa ko ngunit mahal ko si Cheska. I know, this is so fresh for you pero sana magmove on ka na pls. I guess tinaya ko yung friendship natin para sa babae pero hindi ko pinagsisisihan iyon!" Madamdaming sagot naman ni Chase habang kakikitaan ng lungkot sa mga mata nito.
"Ang kapal ng mukha mo Chase to say that to me. Inahas mo na nga ako tapos ikaw pa tong mukhang kinokonsensya ako. Hindi ka lang ahas, makapal din balat mo katulad ni Cheska, magsama kayo!" Sambit ni Hade Alexandrius habang nag-iigting ang panga nito at medyo kita na rin ang galit sa mga mata nito.
Long time date na ni Hade Alexandrius si Cheska Mariella Fuentebella, no erase that, cheska is the only one that lasted on Hade Alexandrius. Simula ng makilala ni Hade Alexandrius ito ay ito na ang palaging ka-date nito at masasabing nasa MU stage na sila nang hindi pa nito nakikilala si Chase Arvann Hidalgo. By any chance ay parang siya pa ang naging tulay para magkakilala ang mga ito. To cut the story short, he feels that Cheska and Chase betrays him, not just the friendship but the love bloom for Cheska.
At talagang hindi pa doon siya nasaktan dahil nagpakasal at binakuran na ng Bestfriend niya ang babaeng ka-MU niya.
Cheska Mariella Fuentebella is a goddess, talagang napakaganda nito at unti-unti na sana siyang nahulog rito but his Bestfriend chase get her from him. Bagay lang ang pangalan nitong chase pero mas bagay kung Snake o Anaconda nalang ang pinangalan rito dahil sa pagiging mang-aagaw nito.
Akmang susuntukin na sana ni Chase si Hade Alexandrius nang makita nito sa hindi kalayuan si Cheska na makikita ang mata nitong puno ng kalungkutan habang nakatingin sa dalawang mag-bestfriend. Hindi niya ginusto ang nangyari.
Mabilis na tinulak ni Hade Alexandrius si Chase ngunit di naman natinag si Chase. Hade look at him with a disgust.
"Get your hand away from me. Susuntukin mo ko? Gawin mo Chase para malaman ng lahat kung gaano ka kaahas. And nag-isip ka naman siguro ng tama dahil di mo ginawa kundi ay bukas na bukas din ay baka sa kangkungan ka na pupulutin. Alamin mo kung sino binabangga mo Chase and One more thing, this will the end of our friendship, ahas!" Mahabang wika ni Hade Alexandrius habang nagpipigil pa itong wag patulan ang katulad ni Chase na para sa kaniya ay isang ahas na kailangan ng burahin sa buhay niya. Hindi niya pa rin magawa itong mapatawad, he is an honest person.
Lumagok muli si Hade Alexandrius ng Champaign mula sa drinking glass na hawak nito.
Mas na-tense siya sa ginawa niyang iyon. Of all people pa at sa okasyon pang ito ay ang ahas na Bestfriend pa niya ang makakaharap niya. Wala na sigurong mas sasama pa sa gabing ito dahil sa nakita niya.
Hindi naman niya ipinagkakaila na nakita niya si Cheska sa gilid ng mata niya but he started to hate her. Edi magsama sila, yun ang sinasabi ng utak niya.
Tiwala, yun lang naman ang sinayang ng dalawang taong iyon na malapit sa puso niya but they wasted it. Tama nga ang ina niya, he must protect his heart at all cause dahil ito ang pinakamahinang parte ng katawan natin. Kapag kasi nagmahal ka ng totoo mula sa puso mo mismo, hindi mo na mababawi iyon lalo na kung buo mong ibinigay. Yun ang itinatatak niya sa kukote niya.
There's always a different kinds of love that people distinguish pero kapag nawala na ang pagmamahal mo sa sarili at naibigay mo na ito. That will be a difficult thing na maaari mong danasin buong buhay mo.
Love can sent you to heaven but can also sent you to the deepest part of hell.
Nilibang na lamang ni Hade Alexandrius ang sarili niya sa pag-entertain ng mga guest at naenjoy niya rin ang company ng mga ito lalo na ang usapan patungkol sa pagpapaexpand ng negosyo ng kasosyo niya at tila mauulit na naman na collaborations. Ito ang isa sa kagandahan kung bakit mas magandang umattend sa mga event Katulad nito. Di lang mag-eenjoy, magkakapera ka pa lalo.
Biglang natahimik ang lahat ng may nagsalita sa stage. Buti na lamang at medyo malapit lamang si Hade Alexandrius dito sa stage at nakita niyang papalapit na sa kaniya ang secretary niyang aligaga sa paghahanap sa kaniya.
"Sir Hade, diyan ka lang pala hayst. Medyo nahirapan akong hanapin ka." Sambit ni Miss Clara habang nakatingin kay Hade Alexandrius Romualdez.
"Ah talaga ba? Mukhang hindi naman. Iniwan mo lang naman ako kani-kanina pa." Sarkastikong turan naman ni Hade Alexandrius na kakikitaan ng inis sa mukha nito.
"Sorry naman Sir Hade. Medyo nalibang lang ako mga slight lang naman hehe..." Saad ni Miss Clara na tila nagkilos-kilos pa na parang ewan na nag-eexplain.
"You're forgiven Ate Clara. Pero ano ang ipinunta mo rito huh? Mag-uumpisa na ba?!" Seryosong turan na lamang ni Hade Alexandrius habang napatanong pa ito ng sunod-sunod.
"Yes Sir Hade. Actually ngayon na hehe." Sambit ni Miss Clara habang may nakakalokong ngiti.
Hindi namalayan ni Hade Alexandrius na ginulangan siya ng gurang na iyon at mukhang wala siyang masyadong narinig sa sinabi ng MC.
"... Let's welcome and give a round of applause for Mr. Hade Alexandrius Romualdez, CEO OF SRU ADVERTISING COMPANY!" Malakas na wika ng MC na magandang babae na naka-red dress pa. Talagang lutang na lutang ang kagandahan nito.
Hindi na nakatanggi pa si Hade Alexandrius kundi ang pumunta sa stage.
Binigay naman sa kaniya ang mic habang nakangiti ang babaeng MC na siyang kinindatan pa ni Hade Alexandrius na ikinapula naman nito.
Nakita niyang nahihiyang umalis ang dalaga habang siya naman ay nagbigay ng speech.
After niyang magbigay ng madamdaming speech ay isang masigabong na palakpakan naman ang namayani.
Matikas namang tumindig si Hade Alexandrius habang nakita niyang papaakyat naman sa stage ang mga magulang nito.
Hade Alexandrius sense something na parang may mali.
Sinalubong naman niya ang mga magulang niya na ngayon ay kapwa niya nakatayo sa nasabing magarang entablado habang nakaharap sa lahat.
"It's so happy to see you guys attending for my son's 10th Year Anniversary as a COMPANY CEO of SRU ADVERTISING. As a father and also the chairman of SRU ADVERTISING COMPANY, I would like to announce that my son, Hade Alexandrius Romualdez will no longer be a bachelor because he will be married a Montreal lady from Montreal Family in United Kingdom. This is final and hope you could also support him for his new stage as part of Montreal!" Mahabang litanya ng ama ni Hade Alexandrius Romualdez habang kitang-kita ang ningning sa mga mata nito maging ang ina nito na lumuluha ng kagalakan.
Ngunit kabaliktaran ito sa nararamdaman ni Hade Alexandrius Romualdez. Gulat, kaba at pagkatakot ang nararamdaman niya. He is not yet ready for a relationship pero mas nasurpresa siya sa sinabi ng ama niya.
His mother knew it at ito ang kinaiinisan ni Hade Alexandrius Romualdez. He is being cornered at dito pa talaga sa lahat ng tao, sa harap ng media na panay record at kuha ng mga litrato nila.
Nakaramdam ng panliliit si Hade Alexandrius Romualdez sa sarili niya. He dedicated his life for ten years tapos ipapakasal lamang siya sa hindi niya kaano-ano? At malala pa at sa pamilya Montreal pa na bi minsan ay hindi niya man lang nakandaupang-palad.
Arranged marriage is not his thing. Iyon ang huling bagay na maaaring problemahin niya but his loving parents do it. Halos manlumo si Hade Alexandrius sa kinaroroonan niya.
Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti ng pilit. "Ang sakit sakit, how can they do this to me! Iyon ang gustong sabihin ni Hade Alexandrius sa mga magulang niya ngunit alam niyang siya lamang ang matatalo kapag sinabi niya ito or worst ay masira niya ang iniingatang pangalan ng pamilya sa gabing ito. Gusto niyang magwala ngunit hindi niya magawa.