Chapter 15

2214 Words
"Sometimes, Crying Is The Only Way Your Eyes Speak When Your Mouth Can't Explain How Broken Your Heart Is." . . . ............ ............ ............ .............. . . Wala akung kalaban-laban sa kanya. Naghihina ako, marahil dahil kulang sa sustansiya ang aking kinakain. Nagagawa niya ang bawat naisin niya. Kayang-kaya niya akung saktan, at hindi siya napapagod. Pero ang katawan ko halos sumuko na. "Napaka walanghiya mo talaga hindi kana nagtanda malandi ka. Papatayin kita." sigaw niya sa mukha ko at pilit niya akung itinatayo. Nangmaitayo niya ako ilang malalakas na suntok ang pinakawalan niya at tumama lahat sa aking tiyan na ikinahina ko. Atska niya ako pabalang na binitawan. Sumubsub ako sa lupa ng hinang-hina. Namimilipit din ako sa sakit ng akin tiyan na parang may gumuguhit pababa sakin puson. Nangangapus din ang aking paghinga dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan ako hahawak kung anung parte ba ng katawan ko hahawakan ko, mahapdi ang pisngi at anit ko, kimukirot din ang aking tiyan na parang hinahalukay ng isang matalim na bagay. "Sa susunod at susuwayin mo pa ako hindi lang yang ang aabutin mo sakin lulumpohin na kita tandaan mo yan animal ka." sigaw niya na nanglilisik ang mga mata. Habang ako'y namimilipit parin sa sakit ng aking tiyan pababa sa puson ko na parang pinipiga. Maya maya pa ay naramdaman ko ng parang may lumabas saking mainit init na likido kaya na tutop ko ang gitnang bahagi ko kitang-kita ko ang pulang likidong bumasa sa aking palad. "Oohh! m-my God!. H-hammer! p-please help me. Bring me to the hospital." anas ko sa kanya at itinaas pa ang aking palad na may pulang likido. "Hammer please napakasakit ng puson ko parang awa mo na dalhin mo ako sa hospital please." halos maghistirekal ko pang dagdag pakiusap sa kanya. Habang umiiyak at takot na takot. Pero nilingon lang niya ako at pinag mumura. "Wala akung panahon para sa mga drama mo. At hindi ako mag-aaksaya ng oras sa mga kabaliwan mo. At kahit mamatay kapa sa sakit wala akung pakialam. Mas mabuti pa ngang mamatay kana para wala ng perwesyo sa buhay ko." sigaw niya at tinalikuran na niya ako, malalaki ang hakbang na nagtuloy-tuloy na siyang naglakad pasakay ng kotse niya kasama ang babae niya. Habang ako'y nagmamakaawang sumisigaw at humihingi ng tulong sa kanya. Humahagulgol din ako ng iyak. Dahil sa sakit ng aking tiyan at takot dahil sa mapulang likidong patuloy na lumalabas sakin at umaahos sa akin binti. Nagpilit akung tumayo kahit nanghihina ako, kailangan kung makalabas dito para mailigtas ko ang aking saliri. Halos gumapang akung papuntang gate upang makahanap ng sasakyan patungong hospital. Ramdam ko ang mainit-init na pulang likidong umaagos sa hita ko pababa sa binti ko. Humahagugol ako ng iyak dahil sa sakit ng tiyan ko at sa takot. Nagtataka ako kung bakit ako dinudugo. Wala na ang sasakyan ng asawa ko, nakalabas na sila ng gate at naisara na din nila ito ng hindi man lang ako binigyan pansin kahit saglit lang. Tanging ugong nalang ng kotse niya ang nadinig ko bago palang ako makalapit sa bakal na gate namin. Hirap na hirap akung maglakad patungo dito, patuloy lang ang pagsakit ng aking tiyan na sinuntok niya bukod pa sa dinudugo na ako, masakit din ang aking mukha dahil sa tinamo kung mga sampal buhat sa asawa ko putok din ang aking labi. Pilit kung inabot ang siradura ng gate at binuksan ko yun ng nanginginig kung mga kamay nakapabaluktot din ang aking katawan dahil sa sakit na nararamdam ko. Nakatukop ang isang kamay ko saking puson. Paglabas ko wala akung makitang sasakyang dumaraan maliban nalang sa nag-iisang babaeng nawawalis sa labas ng gate ng tapat ng bahay namin. Na walang pakialam sa paligid niya patuloy lang siyang nagwawalis ng tuyong dahon, ni hindi niya ako nilingon kahit saglit. "M-miss!..!" mahinang usal ko pero hindi niya ako pinansin marahil hindi niya ako marinig. "Miss!.. Miss!.." sunod sunod na sigaw ko sa babae sa paus na boses kaya huminto siya sa pagwawalis at tumingin sakin. "Please tulongan mo naman ako. Kailangan ko ng tulong papuntang hospital." Pagmamakaawa ko ulit na sigaw sa kanya. Pero pinakatitigan lang niya akung mabuti na parang inuuri niya ako. "Hala ate anung nangyari sayo bakit ka puro dugo?" nahihintakutan niyang saad ng makita niya ang kabuoan ko, may dugo rin kasi ako sa labi. Kaagad naman niyang binitawan ang hawak niya at nagmamadali siyang lumapit sa akin na hindi alam kung anung gagawin. Tutop ng isang palad niya ang bunganga niyang nakanganga. "Paki tulongan naman ako kahit itawag mo lang ako ng masasakyan ko papuntang hospital please." pagmamakaawa ko pa sa kanyang umiiyak. Kaya nilapitan niya ako at hinawakan ang aking isang kamay na may dugo at pinakatitigan yun. "Ate walang taxing dumadaan dito maliban nalang kung may ihahatid dito sa loob ng subdivision. Mas lalong walang tricycle dito." paliwanag niya habang titig na tiig siya sakin lalo na sa binti ko. "Ano bang nangyari sayo? Naaksidente ka ba?" Bulalas na niya. "Please tulungan mo akung makapunta sa hospital. Napakasakit ng puson ko dinudugo rin ako." pakiusap ko pa. Kita ko naman nanglalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin. Pinagmasdan pa niya akung mabuti. "Hala Ate bakit ka dinudugo? Buntis kaba?" tanong niya kaya mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. "Ate huwag lang umiyak." Pakiusap pa niya sakin. "Sandali kukunin ko 'yun kolong-kolong ko kaya lang pasensiya kana walang upuan yun. Ginagamit ko lang yun pag-inuutusan ako ng mga amo kong mamalengke." dagdag pa niyang wika at nagmamadali na siyang tumalikod at nilisang ako. Patakbo siyang pumasok sa gate ng bahay nila. Iniwan nalang kung saan ang mga gamit niyang hawak kanina. At hindi na nagawang iligpit ang mga yun. Samantalang halos pangapusan na ako ng hininga sa hirap na nararamdaman. Parang gusto ko ng mahiga dahil nanghihina na ako nanginginid na din maging mga tuhod ko. Patuloy parin umaagus ang dugo sa binti ko. Parang pinipiga rin ang aking puson. Ng may marinig na akung ugong ng motor kasunod nou'y ang paglabas ng babaeng nakasakay duon. Huminto pa siya at sininara ang gate nila bago pa siya dumiretso sa tapat ko. "Sakay na dali upo ka nalang diyan sa lapag wala kasing upoan talaga ito." aniya kaya dahan dahan na akung lumakad pasakay sa kolong-kolong niya. Ng makasakay na ako ay basta nalang ako umupo sa pinakasahig niya bakal na mga plat bars na pinagdikit-dikit. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman. Pinanghihinaan nadin ako loob sa takot na baka kung anung mangyari sakin. Baka nga mamatay ako at ipagdiwang ng aking magaling na asawa. Mabilis naman niyang pinatakbo ang kanya sasakyang kolong-kolong kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag. Dumadalanging maligtas kami ng anak ko kung totong buntis ako. "May malapit na public hospital d'yan duon nalang tayo magpunta para magamot ka agad. Baka matuyoan kapa ng dugo niyan." aniya kaya napatango nalang ako. Kita ko ang pag-aalala niya sakin. Paminsan minsan din niya ako nililingon. At tintanong kung anung nararamdaman ko, kung kaya ko pa daw ba. "Ano nga pala pangalan mo? Matagal ka na bang nagtratrabaho duon? Parang ngayon lang kita nakita." tanong niyang hindi ko inaasahan. Sino nga bang magsasabing hindi ako katulong sa hitsura ko. Lumang- luma na ang suot kung bestida kupas na kupas na ito. Wala rin maayus na suklay ang aking buhok may mga dumi rin ako sa katawan at damit. Putok din ang labi ko. Na kagagawan ng aking asawa. Mukha akung babaeng grasa sa hitsura ko ngayon. "A-ara..aahh.." utal kung bigkas ng maalala kung Inday ang tawag saking ng asawa ko. "Leia Marco" aniko mabuti pang huwag ko nalang sabihin ang buo kung pangalan sa kanya. At huwag ng magpakilalang asawa ako ng kapitbahay nila. Na ilang taon ng minamaltrato ng sarili kung asawa, ginagawa akung alipin ng babae niya. Kahit minsan hindi ko man lang natikman nabigyan ng pagpapahalaga ng aking asawa kahit katiting sa loob ng ilan taong namin pagsasama. Tatlo kami sa loob ng amin bahay ako na asawa niya ang lumalabas na itsapwera at ang babae niya ang reyna sa loob ng pamamahay namin. Ngayon naghihirap ako dahil sa kagagawan niya, samantalang napapakalunod silang dalawa ng kabit niya sa saya.. "Natalie" mahikling pagpapakilala naman niya. "Kunting tiis nalang malapit na tayo." dagdag pa niya at lumiko na siya kita ko naman may apat na palapag na kulay puting at green na building na may nakalagay na Hospital ng Bayan. Dali-dali na niyang ipinasok sa nakabukas na gate at dumiretso na siya sa may arkong emergency. Na para bang sanay na sanay na siya dito. Nauna na siyang bumaba ng motor niya at nagmamadali niya akung inalalay bumababa. Buti pa siya nag-aalala sakin ni hindi ko nga siya kilala. Ngayon ko lang siya nakilala pero kung tulungan niya ako para bang matagal na kaming magkakilala hindi tulad ng asawa ko na kahit halos mamatay na ako sa hirap tinalikuran pa ako at mas inuna pa niya ang babae niya. Ito ang iniingatan at inaalagan niya, parang hindi niya alintanang dinugo ako, bale wala lang sa kanya ang lahat. "Emergency!" sigaw niya ng makababa ako ng kolong-kolong niya. Saka palang may lumapit sa amin isang lalaking nakaputi ng damit maging sapatos niya puti. May tulak-tulak itong wheelchair. Pinaupo ako duon at ipinasok sa loob habang si Natalie ay may kausap sa front dest. "Leia anong bang ilalagay ko dito kailangan nila ng info mo." tanong niya sakin at ipinakita pa niya ang isang papel. "Sige sabihin mo nalang at ako ng magsusulat." dagdag pa niya ng makita niyang nanginginig ang may dugo ko pang kamay. Kaya lahat ng tanong niya sinagot ko naman ng maayus sa namamaus na boses. Habang kinukuhanan ako ng vital ng isang nurse. Sinusuri din nila akung mabuti at ihiniga nila ako sa hospital bed, hinubad din nila ang aking damit at pinagsuot nila ako ng grown na hangang singit ko lang halos ang haba na kulay asul na may logo ng hospital sa dibdib. May isang nurse din naglilinis ng mga sugat ko sa mukha at braso. Hindi ko naman masabing binugbuog ako ng asawa ko. Kaya hindi ko nalang sinagot ang mga tanong nila. Kung saan ko daw nakuha ang mga sugat at galos ko at kung bakit maraming nakakapit na lupa sa aking katawan at damit. Matapos akung kuhanang ng mga test ipinasok na ako sa delivery room. Inilipat nila ako sa maternity bed at ibinuka ang dalawa kung binti at ginupit nila ang tinging maliit kung saplot. Nahihiya man ako sa ginawa nila hinayaan ko nalang, buti nalang puro mga babae ang nurse at Doctor. Kinabitan din nila ako ng swero kaya napangiwi ako ng itusok nila ang karayum sa likod ng palad ko. Gusto kung magprotesta sa mga ginagawa niya sa akin pero tila wala na akung lakas. "Pray lang po kayo." Bulong ng isang nurse sa akin. "Hawak nalang po kayo sa kamay ko." Anas pa niya ng lumapit na sa akin ang doctor. Sinuri ako nito at itinaas niya ang hospital gown kung suot at itinagilid pa niya ako. "Relax lang Misis." ani ng Doctor sakin at may pinahid siyang basang bulak sa may balakang ko kasunod nuo'y ang pagtusok ng karayum. Naramdaman ko naman bumigat na ang talukap ng aking mga mata at nagdilim na ang lahat sakin. Mga iyak ng mga mumunting sanggol ang nagpamulat ng aking mga mata. Nagtaka pa ako ng makita ko ang puting kisame at ng makarinig ng mga nagbubulong sa aking paligid. At ng ma-realized ko kung anung nangyari sa akin kaninang tanghali inilibut ko ang aking paningin at napadako ang aking mga mata sa bintanang nakabukas na walang kurtina. Madilim na sa labas indikasyong gabi na. May mga taong busy rin sa pagsayaw ng mga sanggol na umiiyak at may mga tao naman kumakain na ng kanilang hapunan. Pinakiramdaman ko ang aking sarili medyo masakit pa ang aking katawan partekular ang babang bahagi ng akin katawan. May swero rin nakakabit sa isang kamay ko. Tiningala ko ito nangangalahati na ang likidong laman niya. Inilibut ko ang aking paningin, isang kwartong hindi kalakihan ang kinalalagyan ko ngayon may mga kasama ako ditong mga pasyente na sa tingin ko ay mga nanganak dahil may mga sanggol silang pina-dede, ang iba naman ipinaghehele ng kasama nila at meron din isang buntis. Anim kami ditong magkakasama sa iisang kwarto na halos magkakadikit ang aming mga kama. "Misis gising kana pala. Bilin nuon kasama mong babae babalik daw siya." pagbibigay abiso ng isang babaeng may kargang batang bagong panganak ng makita niya akung nagpipilit bumangon. "Salamat po ate." wika ko sa paus na boses. Nangmadinig ko ang mga iyak ng mga sanggol napahagulgol ako. Natatandaan ko pa ang sabi ng Doctor "miscarriage is the cause of her very heavy bleeding and she need to under go for scrape to clean up...." dinig kung sabi niya bago pa ako kainin ng kadiliman kanina. Ibig sabihin buntis ako sa first baby ko, namin ng asawa kung walang puso. Siya ang pumatay sa amin anak, kung hindi niya ako sinuntok sa tiyan hindi sana ako duduguin, buhay sana ang anak namin. . . . . . . ......................................................... ... please follow my account and .... add my stories in your library. .........."Lady Lhee".......... .....thanksguys....loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD