Chapter 16

2105 Words
"Love Has Been Unfair To Me, But I Think I Will Survive, Once Again. Because Sometimes You Need Bad Things To Happen To Inspire You To Change And Grow." . . . ........... ........... ........... ............. . Dahil sa naiisip napahagulgol nalang ako ng iyak. Wala na ang aking anak, ang munting angel ko. Hindi ko alam kung sino ang dapat kung sisihin, kung hindi ako sinaktan ni Hammer buhay ang amin anak. At kung malalaman niyang buntis ako baka lalong siyang magalit, ako nga hindi niya tanggap ang anak ko pa kaya. Talagang papatayin niya ako tuloyan. "Misis huwag kayong umiyak. Baka makasama sa inyo duguin pa kayo. Baka mabinat ka pa niyan." pagpapakalma sakin ng may edad ng babae sa kabilang kama. Kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Hindi ko alam na buntis ako. Wala naman kasi akong alam sa pagbubuntis. Kaya iyak lang ako ng iyak habang inaalo ako ng isang babae. "Ang anak ko, ang kawawa kung anak." Paulit ulit kung bigkas sa pagitan ng aking mga hikbi. "Nasaan ba ang asawa mo bakit hindi mo siya kasama? Dapat siya ang kasama mo dito ngayon, kadamay mo dapat siya." tanong naman ng isang babae. "Baka nasa abroad asawa niya. Mukhang mayaman siya." komento naman ng isa pang babae. Pero patuloy lang ako sa pag-iyak at hindi ko pinapansin ang mga komento nila. Kasabay kung umiiyak ang mga sanggol. "Ang kawawa kung anak" bulong ko sa pagitan ng mga pagiyak ko. "Sana kung alam ko lang na buntis ako hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Naingatan ko sana ang sarili ko, ang aking baby." Kausap ko sa sarili ko na alam kung dinig ng ibang mga tao sa loob ng kwarto namin. "Hindi siguro siya para sa inyon, idalangin mo nalang siya." usal pa ng isang may edad ng babae na parang awang-awa siya sakin. "Oh, ayan na yun kasama mo. Tama na yang pagiyak mo wala ka ng magagawa." utos naman ng isang babae sa'kin nang makita niya si Natalie na pumasok sa pinto may bitbit itong isang plastic bag. "Leia musta kana may masakit paba sayo?" tanong niyang nag-aalala sakin. Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinagod niya ang likod ko pero niyakap ko lang siya at umiyak lang ng umiyak sa balikat niya. Ang hirap tanggapin nawala siyang hindi ko naipagtanggol sa kanyang amang walang puso. "Tahan na Leia wala na tayung magagawa hindi siguro siya para sayo." pagpapakalma pa niya sakin. "Kumain kana lang may dala akung kanin at ulam. Kainin mo na habang mainit pa." dagdag pa niya at tumayo na siya. Kinuha niya ang dala niyang paper bag at inilabas niya ang dala niyang pagkain. "Ito oh kainin mo yan para talaga sayo yan." aniya at iniabot na niya sakin ang kutsara, binuksan din niya ang plastic bowl ng kanin meron din tinolang manok na ulam at isang saging. "Kumain kana para makainom ka ng gamot ng lumakas ka agad. Sabi ni Dra. pwede ka na daw lumabas bukas kung wala ka ng mararamdamang kakaiba." dagdag pa niya, kaya naiyak na naman ako. Dahil sa kanyan nagkaroon ako ng kakampi, iniligtas niya ako sa kapahamakan. "Salamat" usal ko masarap ang pagkaing bigay niya pero parang walang lasa at wala din akung ganang kumain pero kailangan kung pilitin kumain para sa sarili ko kung hindi baka mamatay ako ng tuluyan tulad ng dalangin ng asawa ko. Lalaban ako at pipilitin kung magpakatatag. Hindi ako papayag sa makuha nilang lahat sa akin, para lang masunod ang mga gusto ng babae niya. Kasalanan nilang dalawa kung bakit nawala ang aking anak. "Sabi ni Dra. nine weeks na daw yun baby mo. Hindi mo ba alam na buntis ka?" tanong niyang nanantiya. At dahil sa sinabi niya naiyak nanamam ako. Para akung batang iyak ng iyak. "Kung gusto mong makalabas na dito bukas magpagaling ka agad." aniya sakin, kaya napatango nalang ako. "Ang sakit lang kasing mawalan ka ng anak na hindi mo man lang naingatan. Hindi ko naman alam na buntis ako." daing ko sa kanya habang umiiyak. "Ok, tama na dito lang ako babantayan kita. Kailangan mong magpakatatag ngayon, at tanggaping hindi siya para sayo, isa na siyang angel ngayon na susubaybay sa iyo." aniyang pangpalubag loob sa akin. "Hindi kaba hahanapin sa inyo?" tanong ko sa kanya. "Hindi, nagpaalam na ako sa mga amo ko kanina kaya hanggang bukas sasamahan kita. Hanggang sa makalabas ka dito." litanya niya. "Sige na ubusin mo na yan." utos pa niya sakin kaya napilitan na akung kumain. Masakit sa kalooban ko ang nangyari nawala ang aking anak ng dahil sa walanghiyaan ng kanyang ama. Gusto ko mang umiyak ng umiyak hindi ko magawa nahihiya din ako sa mga tao dito lalo't may mga batang bagong panganak na mabubulahaw ko kung iiyak ako. Pigil na pigil lang ang pangiyak ko. Napakasakit mawalan ng anak, ni hindi man lang niya nasilayan ang liwanag ng mundo hindi ko man lang siya nahawakan hindi ko siya naprotektahan sa demonyo niyang ama, walang ginawa kung hindi saktan ako. Nakita kung tulog na ni Natalie sa may paanan ko marahil pagod na siya buti pa siya may malasakit sakin kahit hindi naman kami magkamag-anak hindi rin magkaibigan dinamayan niya ako. Tinulungan niya ako. Napakabait niya siya ang nagaasikaso sakin. Isa siyang mabuting tao, isang may ginintuan puso. Nahiga narin ako para matulog ibinaluktot ko nalang ang katawan ko kung hindi baka masipa ko si Natalie. Kailangan ko ng lakas ngayon kung hindi walang mangyayari sakin baka mamatay pa ako. Malaya na silang magagawa lahat ng nais nila ng babae niya, mawawala na rin ng tinik sa landas nila. Kailangan kung lumaban para mabuhay. Hindi ko hahayang magtagumpay si Hammer sa plano niyang mamatay ako. Lahat ng meron ako mapupunta lang sa kanila ng babae niya at yun ang hindi ko mapapayagan. Mas mabuti pang mapunta sa wala kaysa mapakinabangan nila ng babae niya. Maraming charities na pwedeng pagbigyan ng mga ari arian namin hindi sa mga ganid na tulad nila. Maaga din akung nagising dahil hindi karin makakatulog laging may nagra-round na nurse at Doctor para i-check up kami. May mga sanggol din umiiyak na sa tuwing maririnig ko ang munting tinig nila naaalala ko ang aking anak na hindi ko man lang naingatan at naipaglaban sa kriminal na ama niya. Maaga siyang nawala sakin dahil sa kagagawan ng kanyang ama. "Ok ka lang ba? Hindi ba sumakit ang likod mo?" tanong ko agad kay Natalie ng makita siyang dumilat ang mga mata at bumangon agad. "Ayus lang ako sanay ako kahit saan." aniya at naginat pa. "Ikaw musta pakiramdam mo? May nararamdaman ka pa bang kakaiba?" dagdag na tanong niya. "Wala na parang naghihina nalang ako. Siguro dahil sa nawalang dugo sakin." aniko at tumango tango siya. "Wait lang ha magc- cr lang ako." paalam ko sa kanya. Kaya ko naman na ang sarili ko siguro kulang lang ako sa tulog. Hila hila ko ang stand ng swero kung naglakad patungo sa cr. Nangmakalabas ako sa cr siya naman ang pumasok duon. Pinagmamasdan ko lang ang mga kasamahan ko dito sa kwarto namin pay ward daw ito pero anim ang beds. Puro nanganak yun tatlo, may isang manganganak palang daw mamaya, mayroon din isa tulad kung niraspa, pero naka alalay ang asawa niya laging nitong hawak ang kamay niya na parang nakikihati sa sakit na nadarama ng asawa niya. Ang hirap ng kalagayan ko puro pagtitiis nalang ang ginagawa ko inuunawa nalang siya at umaasang magbabago rin siya balang araw. Mukhang kailangan ko ng gumising sa katotohanan wala ng himalang mangayayari para sa amin. Hindi na matutupad ang aking dalangin. Maya maya pa may pumasok sa amin kwartong may dalang mga pagkain may mga pangalan ang bawat tray at tinatawag isa-isa. Nangtinawag ang pangalan ko itinaas ko lang ang aking isang kamay tulad ng mga ginawa ng katulad kung mga pasyente. Isa tray ang inabut sa akin, may lamang mainit na lugaw na may kasamang itlog na nilaga, isang saging at mainit na tubig na nakalagay sa styrofoam isang sachet ng cream, sugar at coffee. "Ito sayo na 'tong kape" aniko kay Natalie sabay abot ko ng sachet ng kape at cream. "Hindi sayo na yang libre lang naman yan, sa labas nalang ako kukuha ng sakin." Aniya at tinalikuran na ako, lumabas na ng kwarto. Parang sanay na sanay na siya dito. Tinimpla ko naman ang kape at dahan dahan yun iniinum. "Tingnan mo nakakuha ako may kasama pang pandesal." aniya sakin ng makapasok na siya, may dala siyang kape at dalawang pandesal Kaya natawa ako ng mahina. "Sige kain na tayo" aniko at kinuha ko na ang lugaw. "Anung oras pala ako pwedeng lumabas dito?" tanong ko sa kanya dahil siya ang nakakaalam ng lahat. Siya ang nakikipag-usap maging sa Doctor. "Mamaya tatanugin ko yun Doctor mo." aniya at sumimsim ng mainit na kape. "Salamat ha napakabuti mo tinulungan mo ako kahit hindi mo naman ako kilala. Binantayan mo pa ako dito" sensero kung wika. "Wala yun huwag mo ngang isipin yan. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang mga katulong. Pero ikaw para kang hindi katulong ang ganda mo kaya." Litaniya pa niya at pinagmasdan pa niyang nabuti ang aking mukha. "Leia pwede ka na daw lumabas ngayon sabi ng Doctor mo. Aayusin ko nalang yun discharge paper mo. Tapos papipirmahin ko lang si Dr." aniya at iniwan na niya ako. "Balang araw makakaganti rin ako sa kabutihan mo sakin." bulong ko sa isip ko. Siya na ang gumawa ng lahat na dapat ang asawa ko ang nandito, at hindi ang ibang tao. Pumasok na ako sa cr para iaayus ko na ang sarili ko para kung tapos na si Natalie lalabas na lang kami. Isang duster ang pinasuot niya sakin dahil baka daw hindi kasya ang damit niya sa akin dahil mas maliit kasi siya kaysa akin. "May pera kaba d'yan? May babayaran kasi tayo." bulong niya sakin at pinakita niya sakin ang hospital bill namin 1,253.35. "Wala kasi akung pera ngayon kapapadala ko lang ng sahod ko sa probinsya namin." dagdag pa niya kaya napaluha ako maliit lang na halaga ito pero hindi ko mabayaran. Mas malaki pa nga ang naibibigay ko sa charity nuon, pero ngayon wala ako ni pisong hawak. "Sorry wala akung kapera pera ngayon." aniko na lumuluha hindi ko na mapigilan pang umiyak. "Ssshhh... Huwag ka ng umiyak may kakilala ako dito pwede tayung humingi ng tulong. Sandali lang pupuntahan ko." aniya at lumisan na siya. Bakit nararanasan ko ang ganito napakaliit lang na halaga kung tutosin yun kaya lang kinuha lahat ng asawa ko ang pera ko. Ano na mangyayari sa akin ngayon. "Leia eto na lang babayaran natin nakahingi ako ng discount sa DSWD kaya 853.35 nalang tapos kumoha narin ako ng promissory note pirmahan mo nalang ilagay mo rin kung kailan ka magbabayad." paliwanag niya sakin. Nahihiya ako sa sarili ko sa nararanasan ko ngayon. May luha ang aking mga matang nagsulat at pumirma sa Promissory Note na binigay ni Natalie. Gusto ko man humingi ng tulong sa asawa ko pero paano ni hindi nga niya ako tinulungang dalhin sa ospital, alam kung hindi rin niya ako bibigyan ng pera mas gugustuhin pa niyang mamatay ako kaysa tulungan. "Halika na may dadaanan pa tayo bago tayo umalis." aniya at inalalayan na niya ako. "Kaya ko ng maglakad ayus na pakiramdam ko." aniko ng pilit niya akung inaalalayan. Ng makalabas kami ng kwarto namin dumiretso na kami sa hallway may isang kwarto pa kaming hinintuan. "Hintayin mo nalang ako dito, upo ka lang d'yan, ako nalang papasok sandali lang ako." aniya at pumasok na siya sa loob ng mabuksan niya ang pinto. "Heto na." aniya sakin inabut niya ang isang maliit na kahon na nababalutan ng packaging tape na brown na ipinagtaka ko kung anung laman nuon. "Eto daw yun anak mo." aniya kaya napahagulgul ako ng iyak at niyakap ang kahon, napaupo nalang ako sa sahig dahil naghihina na ang aking mga tuhod. Nawalan ako ng lakas sa nalaman at tanging pag-iyak nalang nagawa ko. "Tahan na wala na tayung magagawa. Ilibing nalang natin siya. Tayo na. Tumayo kana d'yan." Utos niya at pilit hinihila ang kamay ko patayo kaya nagpatianod nalang ako sa kanya habang yakap ko ang maliit na kartong pinaglagyan ng aking anak. "Dugo palang yan. Saan mo nga pala ibabaun 'yan?" turo niya sa karton hawak ko. "Pwede ba sa semenyeryo. Duon mo ako dalhin." pakiusap ko sa kanya. Isasama ko siya kila Mama. . . . . . ......................................................... .... please follow my account and .... add my stories in your library. ................"Lady Lhee"........... .......thanksguys.....loveu.....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD