"I am fading away
slowly and you aren't
even noticing....
Now I wish we never met
'cause you're too hard
to forget."
.
.
.
............ ............ ............... .............
.
.
"Sige saan bang sementeryo?" tanong niya sakin kaya sinabi ko sa kanya ang lugar ng makasakay na kami sa kolong-kolong niya. Maging ang aking anak ay nakaranas ng hirap hindi na nga niya nasilayan ang liwanag ganito pa dadanasin niya. Walang kapatawaran ang ginawa ng kanyang ama sa kanya, kinitil niya ito at hindi binigyan ng layang masilayan ang liwanag.
Halos isang oras ang naging biyahe namin dahil bawal ang gamit namin sasakyan sa hi-way kaya kung saan-saan pa kami nagpaikot-ikot, dagdag pa ang traffic, bago kami nakarating sa may puntod ng mga magulang ko. Hinanap ko ang supoltolerong kilala ko. Para siya nalang magbaon sa anak ko sa tabi ng puntod nila Mama.
"Sandali lang pupuntahan ko lang yung kakilala ko para siya nalang ang maglibing sa anak ko." Saad ko at naglakad patungo sa matandan nakita kung nagwawalis ng mga tuyong dahon di kalayuan sa amin.
Makikiusap nalang ako sa kanya na babayaran ko nalang siya sa pagbabalik ko. Ayaw ko rin makita ni Natalie ang mausoleum ng mga magulang ko. At baka kung ano pang isipin niya, matuklasan pa niyang asawa ko ang may ari ng bahay na tinitirhan ko. Isang maikling panalangin pa ang inusal ko habang umiiyak bago ko pa ipinagkatiwala sa supolturero.
Halos ayaw ko siyang bitawan, kung pwede ko nga lang iuwi siya at itabi nalang sa higaan ko ginawa ko na.
Malakas ang kabog ng aking dibdib pagpasok sa subdivision namin, ano ang gagawin ko kung umuwi si Hammer ng wala ako sa bahay namin at saktan niya ako sa kalagayan ko ngayon. Alam kung hindi niya ako paniniwalan, wala siyang awa at puso para umunawa ng kapwa niya. Nang makauwi na kami sa bahay naalala kung hindi ko nai-lock ang gate maging ang mga pinto ng bahay buti nalang walang mahalagang bagay na pwedeng manakaw sa loob. Bumaba na ako sa kolong kolong ni Natalie para pumasok sa gate namin na may kaba sa dibdib.
"Natalie maraming salamat ha." aniko sa kanya dahil kagabi pa niya ako tinutulungan. Pigil ko rin ang nginig ng aking boses.
"Leia hintayin mo nalang ako dito sandali may kukunin lang ako." aniya sakin kaya napatango naman ako. Binuksa ko ang gate at sumilip sa loob kung may nabago ba, pero wala naman kakaiba kaya pumasok na ako at pinasadahan ng tingin ang buong paligid, pinakiramdaman ko rin kung may tao ba sa loob. Wala rin sa grahe ang sasakyan ng asawa ko. Lumakad na ako papunta sa may hardin, at tinanaw isa-isa ang aking mga halaman. 'Yun ibang masyadong bilad sa araw medyo lanta na dahil hindi nadiligan kahapon. Umikot pa ko sa bandang likod ng bahay para silipin pa ang ibang halaman.
"Wow ang dami mo palang tanim na halaman binibenta mo ba yan? May alam akung mahilig sa mga halaman gusto mo tulungan kitang magbenta?" aniya ng makita niya ang mga halaman ko sa likod bahay.
"Huwag muna ngayon siguro next month pwede ko ng ibenta." aniko dahil bigla akung nagka idea tama pwede ko ngang ibenta ng palihim ang mga halaman ko, para may pera din ako at ng hindi ako nagmumukhang patay gutom.
"Sige pero pwede bang picturan ko para ipakita ko sa kakilala ko?" tanong pa niya.
"Ok lang pero siguro saka na nating planohin kung paano natin ibebenta ang mga yan. Siguro by online nalang i-post mo nalang tapos bigyan kita ng commission. Ikaw din makipag-usap sa tao." aniko nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya.
"Oo ba, madami akung friends. Sige ako na bahala." aniyang tuwang-tuwang nilibut pa niya ang ibang mga tanim ko. "Ito nga pala pagkain mo, para hindi kana magluto, ito naman lagundi pampaligo mo." aniya at inabut niya sakin ang isang supot na may lamang pagkain maging yun mga sanga ng lagunding pampaligo ko daw.
"Salamat ha ang dami ko ng utang sayo." aniko.
"Ano kaba wala yun. Sino pa ba magtutulungan kundi tayu-tayo lang." aniya "Sige alis na ako balik nalang ako bukas pag wala pa yun mga amo mo." saad niya at naglakad na siya patungo sa gate.
Dumiretso na ako sa kitchen para kainin 'yong binigay ni Natalie gutom na din kasi ako. Isinalang ko din yun lagundi daw para pampaligo ko.
Nang matapos na akung makaligo parang guminhawa na ang aking pakiramdam. Nakakaramdam din ako ng pagkaantok kaya ini-lock ko na ang lahat ng pinto para kung makatulog man ako hindi ako basta-basta mapapasok.
Napabangon akung bigla ng makita kung madilim na ang kapaligiran. Kaya nakiramdam muna ako kung dumating ba ang asawa ko, dahan-dahan akung tumayo at natungo sa bintana para silipin kung may sasakyan ba sa grahe. Pero wala akung nakita kaya binuksan ko ang pinto at lumabas ng kwarto ko.
Kailangan kung kumain, meron pa naman akung tirang ulam na binigay ni Natalie kanina. Nagsalang nalang ako ng sinaing para makakain na ako agad, at baka dumating pa ang asawa ko. Kailangan kung makabawi ng lakas. Nalulungkot ako sa pagkawala ng aking anak kasalanan ko ito, hindi ko siya naalagaan. Hindi ko naman kasi alam na buntis ako. Paninisi ko sa aking sarili.
Nangmatapos akung kumain at maglinis ng kusina nagmamadali na akung nagtungo sa kwarto ko at ini-lock mabuti ang pinto kahit alam kung maaga pa, dahil kung minsan maaga din umuuwi ang aking asawa kung minsan naman gabing gabi na. Kailangan kung mag-ingat dahil sa kalagayan ko ngayon sabi ni Natalie baka daw ako mabinat pagnapagod o napuwersa sa mga gawain. Buti pa siya maraming alam sa ganitong bagay samantala ako walang alam. Wala naman kasi akung mapagtanungan, wala man lang makausap ni hindi nga ako kinakausap ng matino ng asawa ko. Kung buhay sana sila Mama baka hindi ganito ang buhay ko. Dahil alam kung babawiin nila ako pagnalaman nilang naging miserable ang buhay may asawa ko sa piling ng pinakamamahal kung lalaki.
Nangmakarining ako ng ugong ng sasakyan agad kung sinarado ang ilaw ko at sumilip sa bintana para siguruhing kung ang asawa ko na ba ang dumating. Kita ko sa mapusyaw na liwanag ng ilaw sa poste na bumaba ito ng sasakyan niya at umikot sa passenger seat kaya alam kung kasama nanaman niya at kabit niya. Kaya parang piniga nanaman ang aking puso halos araw-araw ko naman silang nakikita masayang magkasama pero hindi pa rin ako nasasanay lalo pang naglalambingan sila sa harap ko. Nasasaktan parin ako. Minsan nakikita ko rin silang gumagawa ng mga kahalayan. Mga wala silang pinag-iba sa mga hayup kahit saan nalang abutin ng init. Mga walang dilekadesa mga baboy.
May araw din kayo dahil sa ginagawa mong ito Hammer hindi mo alam kung anong mawawala sayo at sa pamilya mo darating ang araw na pagsisihan mong lahat ng ito at sisiguruhin kung ako naman ang tatapak sa pagkatao mo. Kaya huwag mo ng hintayin maglaho kung ano ang nararamdaman ko para sayo dahil pagnawala na ang nararamdamang kung pagmamahal para sayo hinding-hindi mo na maibabalik yun. Bulong ko sa kawalan habang pinagmamasdan siyang nakaalalay sa babae niya na para bang mababasagin kristal ito kung alalayan niya. Dapat ako ang nasa katayuan niya pero heto ako at nagkukulong sa kwarto kung mukhang bodega dahil kung hindi ko ito gagawin magiging alipin nila akung dalawa. Sasaktan lang nila ako. Ilang araw na din ako hindi nakakatikim ng kalupitan ng aking asawa malalabo narin ang mga pasa ko sa katawan.
Malalakas na katok sa pinto at boses ang gumulantang sa himbing ko pang pangkakatulog kaya mapabalilwas ako ng bangon. Tatayo na sana ako upang pagbuksan siya pero napabalik lang ako sa pakakahiga at nagtakip ng unan sa aking ulo ng maalala ang kalagayan ko.
"Malandi kang babae ka buksan mo itong pinto ng kwarto mo at maglaba kana! Ipaglaba mo kami bilisan mo at wala ng isusot na damit ang ma'am Lavena mo!" sigàw niyang paulit-ulit kasabay ng pagbayo niya sa pinto ng kwarto ko. Pero hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya dahil mas mahalaga ang buhay at kalusugan ko, kailangan kung mabuhay para mabawi ko kung ano ang sakin. Maipaglaban ko kung ano ang aking karapatan. "Tanghali na bumangon ka d'yan. Pag hindi kapa lumabas ng kwarto makatikim ka na sakin." sigaw ulit niya pero bingi na ako sa mga paulit-ulit niyang litanya.
Kailan pa ba siya magigising sa katotohanang ako ang legal wife niya na tinatapak nila ang dignidad. Kailan siya matototong tanggapin ang katotohanang ako ang asawa niya. Napakasakit na makikita mo ang asawa mong may ibang asawa at kasama pa namin sa aming bahay. Dahil sa naiisip ko nag-unahan nanaman tumulo ang aking mga luha sa mata kailan ba masasaid ang mga luhang ito.
Kailangan kung magpalakas, at magplano kung paano ako mabubuhay ng matiwasay. Kailangan kung makaalis sa impeyernong bahay na ito. Kailangan ko lang mag-ipon ng lakas, at tapang para labanan ang makamundong hangarin ng aking asawa. Tama si Natalie kailang na namin magplano para sa naiiisip kung negosyo namin, ibebenta ko ang mga halaman ko. Alam kung malaki rin ang kikitain ko, lalo na sa mga bonsai.
Dalawang linggo na akung nagkukulong sakin kwarto, nagpapasalamat din ako at tuwing hapon umuulan. Malaking bagay yun para sa mga halaman ko, kaya nabawasan ang trabaho ko. Tanaw ko naman mula dito sa bintana ng kwarto ko ang aking asawa, pinagmamasdan ko lang siyang naglalakad papalapit sa kotse niya. Ang malapad niyang katawan at pag-imbay nito na parang isang modelong rumarampa paglumalakad, ang matipuno nitong katawan ang nakadaragdag ng kanyang s*x appeal, pero sa likod nuo'y may tinatagong kademonyuhan. Ikinabigla ko pa ang bigla niyang paglingon sa akin, matatalim ang kanyang mga mata tumititig sakin bago pa siya sumakay sa kanyang kotse. May araw ka rin Hammer Thompson. Bulong ko nalang at sinundan siya ng tingin. Huminto ang kotse niya at lumabas siya para isara ang gate at muling akung pinasadahan ng tingin, at sa unang pagkakataon nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata, bago pa niya ito hinila pasara.
Ngayon lang uli ako maglalampaso ng tiles na sahig ng bahay namin muna sa tatlong linggo kung pamamahinga. Muli ng bumalik ang aking lakas pero hindi pa rin nawawala ang kirot sa aking dibdib sa pagkawala ng aking angel. Lagi ko rin sinisilip si Natalie, nagbabakasakaling makita siya sa labas ng bahay nila. Dahil may mga nabuo na akung plano para sa magiging negosyo namin. Kailangan ko rin magkapera para sa mga personal kung plano.
"Besh" ani Natalie pagpasok palang niya ng gate. "Kailangan mo ng magdisisyon dahil marami ng nagtatanong sa mga ipinost kung halaman." Dagdag pa niya at ipinakita sakin ang mga convo nila ng mga taong interesado sa mga halaman ko. Kaya idinitalye ko na sa kanya ang mga plano ko, at kung ano ang magiging papel niya sa negosyo namin.
Matapos namin mapagkasunduan ang mga dapat gawin ni Natalie. Ang second step naman. Kailangan kung magkaroon ng bagong bank account para dito ko idi-deposit lahat ng transakyon namin, dahil alam kung hindi ako pwedeng humawak ng pera at baka makita pa ng asawa ko.
"Leia may kilala akung bank manager na naging kleyente ng amo ko." Aniya. Dahil isang abogado daw ang kanyang amo kaya marami din siyang kilalang mga may kayang tao. "Hihingi tayo ng appointment sa kanya para madali lang. Hindi mahahalata ng amo mong umalis ka." dagdag pa niya.
"Sige ikaw ng bahala, magsabi ka kung anung napagkasunduan niyo." aniko, mas madali kung may appointment schedule kami.
Naisakatuparan na naming lahat ng plano namin, may ilang halaman na din kaming naibenta bilang panimula namin at pang deposit sa bangko.
"1,434,580.00?" basa niya sa computation niya sa mga halamang babayaran samin ng mga buyer. "Walong bonsai lang umabut na ng mahigit 1M?" Bulalas niya pabulong. Kaya natawa ako ng reaksyon niya.
"Mahal talaga ang bonsai kahit saan ka magpunta." aniko.
"Alam ko 'yun, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na makapagbebenta tayo agad ng kanino kalaki." saad niyang hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala. "Kailangan ko ng linisin para pag-pinik up nila bukas maayus na." dagdag pa niya. At nagpaalam na.
Ito na ang simula ng mga plano ko, pero kailangan ko pa rin maging maingat. Mahirap ng maisahan nanaman ako ng asawa kung hindi na yata magbabago. Siguro dapat ko na rin idilat ang mga mata kung nabulag ng labis na pagmamahal sa kanya, at huwag ng hintaying magising pa siya sa kanyang himbing na pagkakatulog.
"Ano hindi mo ba ako na-miss" ani ng isang malamig na tinig sa may likuran ko na napataas ng mga balahibo ko. At bigla nalang niyang hinaklit ang aking braso palapit sa kanya at walang sabi-sabing pinasan niya ako. Sa payat ko, balewala akung binuhat niya at ibinagsak sa couch.
"Arayy ko Hammer!" asik kung pasigaw sa mukha niya at malakas siyang itinulak. "Hayop ka napakasama mo." sigaw ko uli ng sapilitan niya akung kinubabawan. Kaya pinagkakalmot ko siya na kahit saan nalang parti ng katawan niya dumapo ang aking kamay. Pero wala pa rin akung magawa sa lakas niya. Nagtagumpay pa rin siyang babuyin ako ng paulit-ulit. Wala siyang kasawaan. Iniwanan niya akung nanakit ang buong katawang puno ng marka ng mapagparusa niyang kamay.
Pagapang kung pinulot ang nagkalat kung mga damit, alam kung hindi ko na mapapakinabangan ang panty ko dahil nawasak na, tulad ng pagwasak niya sa pagkatao ko, pero pinulot ko pa rin. Halos gumapang akung naglakad patungo sa hagdanan, hindi ko na pinag-aksayahang pang mag-suot ng damit. Hubo't hubad akung paika-ikang pumasok sa kwarto ko at pasalampak na naupo sa sahig. Iyak lang ang tanging kung nagagawa pag ganito, wala akung kadamay, walang kakampi, walang mapaghingan ng sama ng loob. Walang nagtatanggol sa akin, dahil ang asawa ko pa ang sumisira sa akin, pinapatay niya akung unti-unti.
.
.
.
.
.
.........................................................
.... please follow my account and
.... add my stories in your library.
................"Lady Lhee"...........
.......thanksguys.....loveu.....lrs...