"I Lost My Mind Trying To
Understand Yours."
.
.
.
............ ............ ........... ..........
.
.
Tama nga ang aking kaibigan na ang katuparan ng aking pangarap na maging asawa siya ay kalbaryo. Mesirable ang buhay ko ngayon, kapalit ng kagustohan kung makasama ang pinakamamahal kung lalaki, wala na yatang pag-asa pang magkaroon ng katugunan ang aking nararamdaman. Wala talaga siyang puso, o sadyang bato sa tigas ang puso niya pagdating sa akin. Pero dumadalangin parin akung magbabago siya at matutunan din niya akung mahalin kahit kunti. Na kahit punitin pa niya ng pinung-pino ang marriage contract namin o kahit sunugin pa niya legal parin kaming mag-asawa hanggat hindi ito napapawalang bisa ng hukuman.
Inikotan ko nalang isa-isa ang aking mga halaman, pumutol din ako ng mga sanga at nagtanim nalang para malibang at hindi na pinansin ang aking mga tuhod na nanakit parin at may natuyo ng dugo, medyo nangingitim narin ang palibut nito.
Nang matapos ako sa mga halaman ko humiga nalang ako sakin hammock. Dahil ayaw ko namang magmakaawa sakin asawa para lang papasukin niya ako sa bahay daw niya na lagi niyang ipinagmamalaki sakin, sa pagkakaalam ko share ang mga magulang namin sa pagbili at pag-renovate ng bahay, pero inaangkin din niya tulad ng mga negosyo namin. Sinasarili niya ang kita ng mga ito, ni hindi niya ako binibigyan kahit piso.
Naalimpungatan ako dahil sumasakit na ang aking leeg sa ngalay babangon na sana ako pero laking gulat ko ng bigla akung nahulog kaya napatili ako. Bumagsak ang buon katawan ko sa lupa, buti nalang naiangat ko ang aking ulo. Madilim na rin ang kapaligiran na tangin ang malamlam na liwanag ng buwan nalang ang tumatanglaw sa karimlan. At nang maalala kung anung nangyari. Napatingala nalang ako at pinisil pisil ang aking leeg.
Tumayo ako at naglakad para tinang kung bukas ang pinto pero naka lock yun kaya tinungo ko ang pinto sa likod bahay na nagbabakasakali kung bukas yun dahil hindi ko na-ilock yun kaning umaga ng kumuha ako ng basahan.
Dahan dahan at maingat kung pinihit ang doorknob ng pinto. Tama nga ako hindi naka-lock, kaya maingat at walang kilatis ang bawat kilos kung pumasok sa loob patungo sakin kwarto. Nagpalinga-linga pa ako sa palingid na baka gising pa ang asawa ko pero wala akung maaninag na tao. Kaya nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa aking kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako saking kwarto at agad kung binuksan ang aking cabinet at kumuha ang dalawang supot ng biscuit dahil kumakalam na ang aking sikmura. Ito nalang ang pamatid gutom ko pag ganitong nadito ang asawa ko. Buti nalang at itinago ko ang ibang dala nila Mama. Hindi rin ako nag-aksayang magbukas ng ilaw upang hindi mahalata ng aking asawa na nakapasok na ako dito kaya halos mangapa ako dahil may kadiliman.
Maingat ang bawat kung galaw dahil ayaw kung makalikha ng ingay. Naligo akung halos walang kilatis at timalsik ng tubig sa flooring, basta ang importante nalinis ko ang aking katawan, para makapagpahinga na. Masakit din ang aking likod dahil sa porma ng pagkakahiga ko ng matagal sa duyan. May mga pantal rin ng kagat ng mga lamok sa braso at mga binti ko.
First wedding anniversary namin ngayon pero kagabi pa hindi umuuwi ang asawa ko. Mag-isa kung ipagdiriwag ang unang taon namin, naka isang taon ako sa piling ng asawa kung wala ni katiting na pagmamahal sa akin. Isang taong puro sama ng loob ang taging nakamit ko. Wala akung maihandang pagkain para sana pagsaluhan naming mag-asawa, wala din siya. Tanging taimtim lang na dasal at pasasalamat ang nagawa ko. At maglibang sa mga inaalagaan kung halaman. "Padadamihin ko kayo lalagyan ko rin ng iba't ibang uri ng halaman ang palibut ng bahay para magandang tingnan." Kausap ko sa mga halaman ko, sila nalang kinakausap ko meron din naman silang buhay.
Magdamag kong hinintay ang asawa ko pero ni anino niya hindi ko nakita. Maya't maya akong sumisilip sa bintana umaasang darating pa siya. Pero wala parin hindi ko rin alam kung saan siya natutulog. Pagtinatanong ko siya kamao niya ang sumasagot sakin. Ayaw niyang pinakikialam ko siya, hindi ko rin pwedeng malaman ang mga ginagawa niya, kung saan ba siyang nagpupunta. Kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko para matulog. Alas singko palang naman pwede pa akung matulog kahit dalawang oras lang.
Tanghali na akong nagising kaya dali-dali na akung pumasok sa cr para gawing ang daily routine ko bago bumaba. Pagkalabas ko ng cr nagsuklay na ako ng buhok ko para bumaba. Bago palang ako makarating sa hagdanan nakarinig na ako ng boses babae sa sala kaya nagmamadali akung bumaba. Tumanbad sakin ang isang babaing matangkad, magandan rin siya sa kapal ng make up, mahaba ang alun-alon niyang itim na buhok. Matatalas ang kanyang mga matang tumingin sa akin. Para bang may masama akung nagawa sa kanya.
"Ikaw ba si Inday 'yung maid ni Hammer?" tanong agad niya sakin nangmakita niya ako. "Ang galing mo naman, kung gumising ka tanghali na. Samantala ang amo mo nasa lansangan na para magtrabaho ikaw na tsimay lang dito sa bahay niya natutulog at nagpapasarap lang." Asik niya sa akin ng nakataas ang mga kilay.
"Inday kunin mo mga bagahe ng ma'am Lavena mo at dalhin mo sa taas. Iwanan mo nalang sa may pinto ng kwarto namin." Utos ng asawa ko kaya hindi ko na nasagot yung babae kaya tiningnan ko nalang siya ng masama. "Simula sa araw na'to dito na titira si Lavena ang girlfriend ko." Aniya at hawak kamay sila nilisan ako dito sa living room.
"Ano!?" Pasigaw kung tanong sa kanya pero hindi man lang niya ako nilingon. Kaya napaupo nalang ako sa bangko dito sa salas. Nag-unahan ng tumulo ang mga luha ko sa nakikita, para akung binuhusan ng malamig na tubig.
Mag-iisang oras na ako dito na nakaupo pero hindi paring ako tumitinag. Dahil sa kaalamang may ibang babaing inuwi ang asawa ko at kasama pa niya sa kwarto niya. Nangmakita ko siyang bumaba ng hagdanan tumayo ako at sinalubong siya.
"Anong kalokohan ito Hammer may asawa kang tao nag-uuwi ka ng babae sa bahay natin. Hindi ka man lang ba marunong rumispeto. Anung klasing tao kaba?" Sigaw ko na sa kanya dahil maling-mali ang pinag-gagawa niya.
"Hindi ba sabi ko sayo hindi kita asawa at wala akung asawa. Alila ka lang dito at sa ayaw at sa gusto mo dito titira ang girlfriend ko. At susundin mo lahat ng ipag-uutos niya." balik sigaw din niya sakin.
"Buti pa paalisin mo na siya dito Hammer kung ayaw mong awayin ko siya at sabihing ako ang asawa mo." Pagbabanta ko pa sa kanya.
"Huwag na huwag mong gagawin yan kundi malilintikan ka sakin." Angil niya. At matatalim ang mga mata niyang tumitig sa akin.
"At bakit hindi, ako ang asawa mo at may karapatan din ako sa bahay na ito. Sa atin dalawa nakapangalan ito at pwede ko kayung kasuhan ng babae mo." Mariin kung turan sa kanya, dahil nakakababa ng pagkatao ginagawa niya. Mas masakit sa mga latay ang na natatamo ko sa kanya ang sakit na nadarama ko ngayon. Parang pinag pira-piraso ang puso ko dahil sa babae niyang inuwi.
"Ah ganuon ba huh?" Aniya at hinila niya akung bigla sa buhok at pakaladkad na dinala sa pinto palabas ng bahay. "Diyan ka nababagay huwag kang papasok dito. D'yang ka matutulog ngayong b***h. At uulitin ko wala akung asawa, girlfriend lang meron ako, at si Lavena yun." Sigaw niya sakin at pabalya niya akung itinulak kaya napasaldak ako sa semento. Malakas niyang ibinalibag pasara ang dahon ng pinto.
Kahit anung katok ko sa pinto ay hindi niya ako pinagbuksan. Wala akung nagawa kundi humagugol ng iyak. Magdamag akung nakatalungko lang sa gitna ng mga halamanan ko. Nagtitiis ako sa lamig ng gabi at sa kagat ng mga lamok. Sino ba naman makakatulog sa ganitong lugar wala mang lang pwedeng higan. Kung meron man hindi rin ako makakatulog. Magdamag lang akun umiiyak. Ito ba ang uri ng lalaking aking minahal. Hanggang kailan niya ako itatatwang asawa, hanggang kailang siya magigising at tatanggapin ako ang asawa niya.
Mag-uumaga na pero gising na gising parin ako sa kaiiyak dito sa mga halaman ko. Naka dukduk ako sa mga tuhod ko.
"You b***h ipaghanda mo na kami ng kakainin namin at huwag kang magkakamail kainin ang mga pagkain namin." Singal pa niya.
"Bakit hindi nalang yan kabit mo ang paglutuin mo? Matapos mo akung ipagtaboyan ngayon naman kung makapag utos ka parang pinakakain mo ako ni ayaw ko akung patulogin. Hindi pa nga ako nakakatulog tapos mag-uutos ka na naman." Singhal ko din sa kanya. Pero isang sampal ang dumapo sa aking pisngi.
"Ito ang tandaan mo hindi ko siya kabit girlfriend ko siya. At sa bawat pagsaway mo sa mga inuutos ko sayo makakatikim ka sakin. Sige tumayo ka na d'yan." utos niyang pasigaw sakin sabay sipa niya ng dawalang beses kaya napahiga na ako ng tuluyan sa lupa. Wala siyang awa." Pag hindi kapa tumayo dyang tatadyakan na kita para hindi kana makalakad." dagdag pa niya. Kaya wala akung nagawa kundi dahan-dahang tumayo.
Sa bwesit ko pinaghusan ko ng kamay ang isinabaw ko sa sinaing ni hindi ko na hinugasan yung bigas. Sinunog ko rin yung bacon at hot dog na prito dahil nakita ko silang naglalampungan sa salas. Magkatabi na nga silang natulog hanggang sa salas ba naman maglalandian pa sila. Hindi na sila nahiya sa mga ginagawa nila.
Buti nalang hindi ako ang pinagtimpla ng kape kundi baka kung ano pa ilagay ko doon. "Ano kaya ipagsabaw ko sa ulam niyo yung pinaglabhan ng sarili mong brief at panties ko." bulong ko sa sarili ko kaya mapangiti ako sa mga naiisip kung kalukohan. Pero pag nabwesit ako gagawin ko 'yun. "Yun daw pinaghugasan ng ano effective daw pampa-amo sabi ng mga classmate ko nuon college ako. Gawin ko kaya." bulong ko sa kawalan.
"Kain na kayo" yaya ko sa kanila pero si Hammer lang ang tumayo. Kaya lumabas na ako ng kitchen para magdilig ng mga alaga kung halaman, kahit nahihina at inaantok pa ako.
"Anong ginawa mo sa mga niluto mo bakit sunog lahat." mariing wika niya saking dito sa hardin. Sinundan pala niya ako hindi ko alam kaya nagulat pa ako ng bigla nalang siyang nagsalita sa may likuran ko.
"Hindi ba sinabi ko naman sayo hindi ako marunong magluto. May mga katulong kaming taga luto. Dapat kasi yang kabit mo pinagluto mo. Kayo kakain dapat kayu din nagluluto." Anikong pasigaw.
"Ganoun ba huh bwesit ka. Ginagalit mo talaga ako huh." Aniya at binigyan niya ako magkasunod na suntok sa sikmura kaya napabuwal ako sa damuhan halos hindi ako makahinga sa ginawa niya sakin. "Yan ang bagay sayo sira ulo ka. Sa susunod na sagut sagotin mo pa ako hindi lang yan ang matitikman mo." sigaw niya sa mukha ko bago pa niya ako iniwan.
Masakit ang tiyan ko sa pagkakasuntok ni Hammer kaya hindi muna ako gumalaw sa kinahihigaan ko kahit alam kung mangangati ako. Pabaluktot akung nakahiga sa damuhan kung saan ako bumagsak kanina. Gusto ko sanang uminum ng tubig pero walang tubig sa tabi ko. Wala din laman tubig yun timbang ginagamit kung pandilig. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at ilang beses akong humugot at buga ng hagin para gumaan ang aking pakiramdam.
Tumayo na akung dahan-dahan ng mahimasmas na ako. Nakabaluktot ang aking katawang naglakad papunta sa gripo upang uminum muna baka sakaling guminhawa ang aking paghinga. Nagmakainum na ako'y naglakad nako papasok sa loob ng bahay tutop ko ang aking tiyan dahil medyo masakit pa. Wala na rin sila sa kusina kaya pwede na ako gumawa ng walang abala.
Nagsaing ako ng para sakin dahil iba ang bigas ko sa kanila. Bagong bili lang yun kanila. Mahahaba at maputi ang butil ng bigas nila samantala ang bigas na sinasaing kong para sa akin ay medyo durog mas maitim din ito hindi tulad ng sa kanilang mabango ang amoy. Isa pa hindi ko rin kakainin yun dahil alam ko kung paano ko niluto ang kanin nila..
Nagmakasaing na ako nagsandok na ako ng kanin sa plato, kita ko pa ang ginamit nilang kawali na may mantikang pinag prituhan. Nagpalinga-linga pa ako bago ko ibinuhus ang mantika sa plato kong may kanin at nilagyan ng kunting toyo. Ayus ng ulam ko ito, nakita ko rin sa trash bin yun mga sunod na niluto ko gusto ko man kunin yun pero hinayaan ko nalang magtitiis nalang ako dito. Matapos akung kumain naghugas na ako ng mga ginamit ko dito sa kusina. Dahil basta nalang nila itinambak lahat ng ginamit nila sa lababo, bahala na sila.
Nangmatapos ko na ang gawain ko sa loob ng bahay binalikan ko na ang mga halaman ko para diligin kahit medyo masakit pa ang aking tiyan. Inaantok narin ako pero tinitiis ko para mamaya diretso na akung matutulog. Masakit na din sa balat ang sikat ng araw. Nagwalis din ako sa paligid na araw-araw ko na din ginagawa kaya sanay na sanay na ako.
.
.
.
.
.
.
.........................................................
..... please follow my account and
... add my stories in your library.
.........."Lady Lhee".........
.....thanksguys...loveu...lrs...