Chapter 5

2169 Words
"The Worst Feeling Is Feeling Unwanted By The Person You Love The Most." . . ...... ...... ...... ...... ...... ...... . . Sa araw-araw ganito nalang routine ng buhay ko. Dito na umiikot ang buhay ko. Sa loob ng isang hawlang walang rehas. Na tanging mga salita ng asawa ko ang nagsisilbing mga posas ko. Ikinulong niya ako sa parisukat na piitang tingin ko ay isang kumunoy dahil unti unti akung hinihila pailalim. Ang mga salita niya ang batas sa mala empeyernong bahay na ito. Wala akung karapatang sa lahat ng bagay kahit magsalita ay bawal. Mga kamao niya ang nagiging berdugo na nagpaparusa sakin sa sandaling sumuway ako. Wala akung sariling kalayaan. Natuto na rin akung gumawa ng paraan para maka-survived sa pagaraw-araw na kalbaryong dulot niya. Natuto akung magtago ng mga kakailangain ko at natuto na din akung sumagot sa kanya kaya mas lalo siyang nagagalit sakin, at mas bumibigat ang mga parusa niyang iginagawad sakin. Kanila ko pa mapapansin ang asawa ko lagi siyang nagpupunta sa may terrace na parang may inaabangan. Naninibago rin ako sa kanya nitong nakaraan mga buwan halos hindi na siya umuuwi ng bahay pag tinatanong ko nama'y sinisinghalal lang niya ako at hindi niya ako sinasagot ng maayus. Para kaming aso't pusa na nag-aaway. Masasakit na salita ang binibitiwan niya laban sakin na walang katutohanan. Hindi ko rin maipagtanggol ang aking sarili dahil hindi naman siya nakikinig. Wala rin akung karapatang magsalita o kahit lapitan siya. Lalong sumasama ang ugali niya, kaya hindi ko maintindihan kung ano ang pinuponto niya sa mga sinasabi niya. Sunod-sunod na pag busina ng sasakyan ang nadinig ko, marahil mga kaibigan na naman niya ang dumating. Nakita ko naman sa may gilid ng mga mata ko na halos takbuhin na ng asawa ko ang gate, binuksan niya ng maluwang ito. Tatalikod na sana ako para pumasok sa loob ng makita ko ang pumasok na black audi na kilalang-kilala ko kaya bago pa nakababa ang sakay ng kotse tinakbo ko agad yun ng tuwang tuwa. "Mama!" Halos mapasigaw ako sa pagtawag sa kanya dahil miss na missed ko na sila. Agad din akung niyakap ni Mama na mukhang sabik din siyang makita ako. "How are you Sweetheart? Musta ang buhay niyo dito ni Hammer?" Bungad naman ni Papa sakin pero hindi ko siya sinagot. Niyakap at hinalikan ko din siya . "Papa, Mama hali po kayo pasok po kayo." anyaya ko naman sa kanila. Inabot naman ni Hammer ang mga dala nila Papa. "Ayus lang ba kayo dito sa bahay niyo. Wala bang kayong problema dito? Mukhang pumayat ka yata." Tanong uli ni Mama sa nanunuring mga mata. "Ok lang po kami dito Ma medyo naninibago lang po." aniko sabay kagat ko sa pizza na dala nila. Ngayon lang uli ako makakain ng ganito kaya halos ayaw ko ng tigilan sa kakagat. Para tuloy akong patay gutom kung kumain. Ilang buwan na akung nagtitiis sa kanin at asin lang ang kinakain. "Hijo huwag mong masyadong pinupuyat si Bella." Ani naman ni Papa kaya muntik ko ng maibuga ang kinakain ko. Nakita ko naman seryoso lang ang mukha ng asawa ko at masamang tumingin sakin. Habang nag-uusap kami ni Mama sila Papa at Hammer naman, nag-uusap tungkol sa mga negosyo. Gusto ko man sumali sa usapan nila pero minabuti ko nalang na manahimik. "Mama may ipapakita ako sa inyo." Aniko ko kay Mama at hinila na siya sa kamay papuntang garden. Nakita ko pang tinaliman ako ng tingin ng asawa ko pero hindi ko siya pinansin alam kung makakatikim nanaman ako ng mala berdugo niyang mga kamao mamaya. Lagi naman niya ako pinarurusahan kahit wala naman akung ginagawang masama lahat ng sinasabi niya sinusunod ko pero nagagalit parin siya. "Ma tingnan niyo yun mga alaga kung mga halaman." Aniko ng makarating kami sa garden marami na kasi akung halaman dito nabuhay at napalago ko yung mga halaman halos matabunan ng lupa at mga batong malalaki. "Wow saan mo binili ito?" tanong agad ni Mama ng makita niya ang double color na mga bonsai adenium ko. Madami kasi akung nakuha sa likod bahay namin siguro doon itinapon ng nag-renovate ng bahay. Matataba ang mga puno nito. Alam kung mahilig si Mama sa halaman at alam ko rin wala siya tulad ng mga desert rose ko. "Ma ano ka ba kay Hammer yan. Pero ibibigay ko sayo yun apat duon." aniko sabay turo sa gawing likuran niya. Hiniwalay ko talaga yun para sa kanya. "Ibibigay mo ba talaga sakin ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama. Hinawakan pa niya isa-isa ang mga bulaklak at inaamoy bawat isa. "Baka magalit ang asawa mo nito. dagdag pa niya, pero alam kung gusto naman niya. "Ma sa akin yan at saka hindi magagalit yun, akung mag-isa ang nag-aalaga ng mga yan. Ito ang libangan ko." Aniko, at pinag tabi-tabi ko na ang ibibigay ko sa kanya. "Kung may gusto pa kayo sabihin n'yo lang kung alin?" Dugtong ko pa. Inikot pa namin ni Mama ang paligid ng bahay namin. Sa loob ng mahigit sampung buwan kung inaalagan ang mga halaman dito, medyo madami na ang mga ito, malalago na din ang iba. Minsan nakikita ko rin tinitingnan din ng asawa ko ang mga alaga kung mga halaman. Binigyan ko din ng waling-waling si Mama, na may kulay puting mga bulaklak. Nagprisinta ng magbuhat si Hammer ng mga halamang ibinigay ko kay Mama. Maging si Papa natutuwa ng makita niya ang mga ibinigay ko kay Mama. Gandang ganda talaga sila. Kaya masaya na din ako at kahit papaano may naibigay ako sa kanila. "Hijo salamat sa mga halaman, aalagaan ko silang mabuti." Ani Mama bago pa siya sumakay sa kotse. Kumaway nalang ako sa kanila. Bilang pamamaalam, pero bigla nalang akung kinabahan dahil sa talim ng pagkakatitig ng asawa ko sa akin paglabas palang ng gate ng kotse nila Mama. "Pumasok kana sa loob." sigaw agad niya sa akin pagkasara niya ng gate. Kaya sinunod ko naman siya at pumasok sa loob. Alam kung kasunod ko siya, at nahuhulaan ko na ang mangyayari. "Ano na naman isinumbong mo sa nanay mo?" Singhal niya agad sakin pagpasok palang namin sa loob ng bahay. Na parang bang may kremin akung nagawa. "Wala akung sinasabi kay Mama pinakita ko lang mga halaman ko." aniko sa kanya. Pero hindi ko inaasan ang ginawa niya. Bigla niya akung dinakma sa leeg. "Ano ba Hammer nasasaktan ako...aaghh..hindi ako mahinga..àgghh" daing kung nahihirapang huminga dahil sa pagkakasakal. Mahigpit ko rin pigil pigil ang braso niya. "Subukan mong magsumbong hindi lang yang aabutin mo sakin. Baka hindi na kayo magkita pa ng Nanay mo." Sigaw niya sa mukha ko at babalya niya akung binitawan kaya napaupo ako sa tiles na sahig. Sumakit din ang aking lalamunan sa ginawa niya. Masama bang kausapin ko ang aking ina. "Bakit anung gagawin mo?" nahihintakutang kung tanong. Dahil nagiging biolente na siya, wala na siyang pakialam kung nakakasakit ba siya ng kapwa niya. "Dahil sa susunod papatayin na kita para wala ng tinik sa landas ko." Mariin niyang sigaw. At saka niya ako iniwan. Hindi ko na napigil ang mapahagulgol dahil sa ginawa at sinabi niya. Anong klase siyang tao. Hindi naman siya dating ganyan. Ngayon napakasama na niya. Araw-araw nalang natitikman ko ang lupit ng kamao niya. Wala na siya sa sariling matinuan. Wala akung nagawa kundi umiyak dito sa sala. Kunting bagay lang magagalit na siya kahit wala naman akung ginagagawang mali sa kanya. Ilang minuto rin akung umiiyak ng mabaling ang aking mga mata sa mga dinala nila Mama. Kaya napatayo ako at lumapit sa mga ito. Dinala ko na ang mga plastic bag na bigay nila Mama sa kitchen mga groceries yun buti nalang nagdala sila. May makakain na kami. Ito ang unang dalaw nila Mama dito sa amin. Kanina sa gutom ko halo naubus ko ang anim na slice ng pizza na dala nila Mama. Nagmukhan tuloy akung sugapa sa pagkain. Gabi-gabi nalang naghihintay ako sa asawa ko kung anung oras ba siya uuwi madalas dito na ako nakakatulog sa sala sa kahihintay sa kanya. Kung minsan hindi siya umuuwi o mas madalas hindi siya umuuwi. Nadinig kung bumukas ang pinto kaya napatayo ako upang hintayin siya. Nang bukas iyon inuluwa doon ang asawa ko. "Bakit andiyan ka pa? Bakit hindi kapa matutulog? Anong ginagawa mo diyan?" pasigaw niyang tanong sakin ng makita niya ako. "Hinihintay kita." sagot ko sa kayan. Dahil nag-aalala din ako sa kanya na baka may mangyari sa kanya sa daan. "At bakit mo ako hinihintay sinabi ko bang hintayin mo ako." sigaw niya. "Hindi mo nga sinabi pero asawa mo ako at nag-aalala ako sayo. Saan ka ba nagpupunta at gabing gabi ka ng umuuwi." Deretsang tanong ko na sa kanya. "Wala kang karapatang tanungin ako kung saan at kung anung ginagawa ko. Isa ka lang alipin kung tagasunod dito sa bahay ko." Singal pa niya habang niluluwagan niya ang necktie niya. "Asawa mo ako Hammer kaya may karapatan din akung malaman kung anung mga gingawa mo." Sagot ko na sa kanya. "Yun bang ipinagmamalaki mo asawa mo ako. At kailang ka pa nagkaroon ng karapatan sakin huh? Dahil ba sa pinakasal kita? Kasal lang tayo sa papel baka nakakalimutan mo. Sinunod ko lang si Mommy, at baka atakihin siya sa puso, ayaw kung malagay sa piligro ang buhay niya. Kaya wala ka parin karapatan sakin. Kaya malaya kung gawin lahat ng naisin ko. At wala kang karapatang pakialamam ako." Singhal niya sakin "Kahit anung sabihin mo asawa parin kita, kasal tayo." Mariin ko ng saad. "Aaghh iyun bang ipinagmanalaki mo huh? Hintayin mo, at ng wala ka ng masabi." aniya at patakbo niyang inakyat ang hagdanan patungong silid niya. "Ito ba?.. Ito bang ipinagmamalaki mo huh?" Aniya pagbaba niya at iwinagayway pa niya sa mukha ko ang marriage certificate namin at bigla nalang niya pinagpunit-punit ng maliit. "Bakit mo pinunit" Nahihindik na sigaw ko. "Simula sa oras na'to wala ka ng maipagmamalaking asawa mo ako kundi isa ka ng alipin ko. Taga sunod sa lahat ng sasabihin ko at iuutos. At gagawin ko lahat ng gusto kung gawin sa bahay ko. At huwag na huwag kang tatakas dahil kahit saan ka magpunta kaya kitang mahanap, at pagnakita kita papatayin na kita. Para wala ng peste sa buhay ko." sigaw niya sakin sabay tapon niya sa mukha ko ng mga punit-punit na papel ng aming marriage contract, mabibigat ang hakbang niyang tinalikuran ako. Wala akung nagawa kundi lumuha ng lumuha ng iniwan niya ako dito sa sala. Ang laki na ng ipinagbago niya. Pero umaasa parin akung magbabago parin siya at babalik sa dati niyang ugali. Alam kung hindi naman siya likas na masama, marahil nabigla lang siya sa agarang kasal namin na hindi pinag planohan. Napakabuti ng mga magulang niya sakin at wala din kaming pinakitang masama sa kanila kahit kailan hindi ko pa nakitang nagkatampuhan ang mga pamilya namin ni minsan. Bakit nagkaganito ang ugali niya. Bakit siya biglang nagbago ng walang dahilan, kung ayaw niya sakin huwag naman sana niya akung saktan at laitin ng paulit ulit. Huwag din niya akung paratangan ng kung anu-anong masasama na ni sa panaginip hindi ko ginawa. Wala din akung natatandaang ginawa kung masama na pwede niyang ikagalit. Lahat naman ng sinasabi niya sinusunod ko. Ano pa ba ang mali duon na pwede niyang ikagalit. "Lumayas ka nga sa harapan ko at nasisira ang araw ko pag-nakikita kita." Asik niya sakin ng makita niya ako sa living room, tinabig pa niya ako na muntik ko ng ikatumba. Gusto ko lang naman maging malapit kami sa isat-isa para mapag-aralan niya akung mahalin. Ipinakikita kong kaya kung gampanan ang tungkolin ng isang asawa. At maunawaan ko rin ang dahilan ng pagbabago niya. At kung anung dapat kung gawin para matutunan niya akung mahalin. "Bakit mo ako palalayasin nakita mo ng naglilinis ako dapat ikaw ang umalis." angil ko na sa kanya dahil pagod na ako sa kalalampaso ng tiles na sahig ng bahay namin. "Ahh ganun ba ha?" Aniya at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at pakaladkad niya akung hinila palabas ng pinto ng bahay namin. "D'yan ka nababagay sa labas ng bahay ko at huwag na huwag kang papasok hanggat hindi ko sinasabi." Sigaw niya sakin na nanglilisik ang mga mata kasabay ng pag tulak niya sakin na naging sanhi ng pagkakasubsub ko sa sementong sahig. Kaya napatili ako pero bali wala sa kanya kung ano mang nangyari sakin. Kung masugatan ba ako, o magkaroon ng bukol. Wala akung nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Dahil sa ginawa ng asawa ko. Tumayo ako at dahan dahan naglakad papuntang hardin ko. Naupo ako sa pinagitna. Tanging ang piping mga halaman ang aking kadamay sa sakit na aking nadarama. Masakit din ang aking braso dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kanina maging ang aking mga tuhod na tumama sa sementong sahig masakit mayroon din sugat. . . . . . . ......................................................... ...please follow my account and ... add my stories in your library. ........"Lady Lhee".......... ......thanksguys....loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD