"Sometimes We Create
Our Own Heartbreakers
Through Expectation."
.
.
.
............. ............ ............. ...........
.
.
Hindi ko inaasahang ganito ang daratnan ko dito, buti nalang inuumpisahan palang kung hindi mas malaki pa ang mawawala sa amin. Ito ang unang beses kung mag-invest. Maliit lang naman ang i-share ko pero kung ganito naman ang mangyayari mawawalan pa rin ako. Matagal pa bago kami makabawi. Wala naman may gusto ng nangyari sa magkasunod na kalamidad. Dahil sa lakas ng bagyo na sinundan pa ng payanig ng lupa kaya ganito ang nangyari. Gumoho ang halos kalahati ng building na pinapatayo naming hotel.
Kung hindi lang um-attend ng conference sa Canada ang mga kaibigan ko na kasosyo ko dito hindi ko pupuntahan ito. Buti nalang isa lang namatay na tao. At ang dahilan pa nabagsakan ng nabuwal na puno ng kahoy na nakatanim sa gilid ng kalsada. At walang dapat sisihin. Marami din nasaktan at nasugatan na mga tauhan namin kaya kailangan ko pang tulongan.
Pinuntahan ko din sa barracks nila ang mga laborers para alamin ang kailagayan at kalagayan nila pero ang hirap nilang kausapin dahil hindi sila gaanong nakapagsasalita ng English maaring naiintindihan nila ako pero sila hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa gamit nilang sariling lengguwahe. Kaya puro signed nalang ginagawa namin. Yung iba umuwi daw pansamantala sa mga bahay nila kaya kunti lang andito, ang mga asawa lang ng ibang laborers na may sugat ang naiwan. Sa kaiikot ko may nakita akung isang babaeng impit na dumadaing marahil asawa ito ng isa sa mga laborer namin.
"Help!.." Pasigaw niyang daing, nang makalapit ako sa kanya na para bang hirap na hirap siya bigkasin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa tiyan niya ang isa naman sa tuhod niya. Nakabaluktot ang kanyang katawan. "H-hospital..." daing niya ulit.
"Are you alright? What happened?" tanong ko sa kanya pero marami siyang isinisinyas sa akin na sinasabayan niya ng sarili nilang wika na hindi ko rin maintindihan. Nakita ko naman may mapulang likidong umaagos sa binti niya kaya sumenyas akung ng "wait" at dali-daling umalis para bilhan siya ng napkin sa malapit na drug store na nakita ko kanina.
"Here use this" Utos ko sa kanya at pilit kung iniaabot ang binili kung sanitary napakin pero sunod-sunod na iling ang isinagot niya sa aking at paulit ulit niyang binibigkas ang "hospital" sumisenyas din siya ng kung anu-ano.
"Excuse me Mister.." singit ng mga teenager na sa tingin ko ay mga estudeyante ayun narin sa suot nila uniporme. "She says you bring her in hospital..... She bleed.... And she said she's pregnant... She say have stomach pain...." litaniya ng mga dalagita sa paputol-putol na english habang pinakikingan nila ang sinasabi ng babae. Inalalay pa nila ang babaeng umaagos ang dugo sa binti.
Wala akung nagawa kung hindi buhatin ang babae at isinakay sa kotseng ipinagamit sa aking ng Taiwanese na Architect namin at sa tulong din ng mga dalagita itinuro nila sa akin kung saan ang daan papuntang hospital.
"H-hospital...ho-hospital." aniya sa pautal-utal na wika at itinuturo niya sakin ang daan papuntang hospital. Kaya sinunod ko naman siya.
Nangmakarating kami dito sa hospital at nakita nilang may dala akung pasyente agad nila akung tinulongan. Isinakay nila sa stretcher ang babaeng Taiwanese na kasama ko. Kaya sumunod naman ako sa kanila pero pinigilan nila ako pagdating namin sa tapat ng isang kwarto at sinabing maghintay nalang daw ako sa labas ng emergency room.
Naupo nalang ako sa isang bench para hintayin kung anong resulta ng check up ng babae. Naalala ko si Arabella ilan beses ko na siyang nakikitang may dugong umaagos sa mga hita niya hanggang sa binti niya, hinihimas din niya ng mariin ang tiyan niya at nagpapadala siya sa hospital pero hindi ko siya pinapansin sa pakakaalam kong may monthly period lang siya tulad ng una niyang sinabi sa akin at nanghihingi pa siya ng perang pambili ng sanitary napkin at gamot.
"s**t" mura ko bakit 'yun ibang tao natulungan ko bakit siya hinayaan ko lang. Pero biglang may nag sink-in sa utak ko, ang sinabi ng mga dalagita "pregnant."
Sunod-sunod akung napamura ng mahina dahil sa mga naiisip ko sana hindi naman, dahil kung totoo baka hindi ko mapatawad ang sarili ko. Napasandal ako sa likuran ng bangkong kinuupuan ko at mariing kung ipinikit ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luhang gustong kumawala sa aking mga mata dahil sa pumapasok na imahe ng magandang mukha ng asawa kung nagmamakaawang humihingi ng tulong, nagpapadala rin siya sa hospital.
Ang mga daing niyang nagmamakawang dalhin ko siya sa hospital na hindi ko pinakikinggan lalo na ng mahulog siya sa hagdanan na hindi ko sinadyang naitulak siya ng malakas. At pagbagsak niya sa samentong sahig, binigyan pa siya ng isang malakas na sampal ni Lavena. Kitang-kita ko noon na may naguunahang pulang likidong umaagos sa hita niya hanggang binti. Iniwan ko siyang umiiyak at dumadaing ng sakit habang tukop niya ang tiyan.Tulad ng sa babaeng Taiwanese na dala ko ngayon na asawa ng laborer namin.
Hindi na ako mapalagay sa kinauupuan ko kaya tayo at lakad paikot-ikot ang ginagawa ko habang naghihintay na lumabas ang Doctor na sumuri sa babae. Daig ko pa ang asawa niya dito, na hindi mapalagay sa kahihintay sa resulta ng check up. Kailangan ko ring makumperma kung totoo bang buntis ito.
Naihilamus ko ang dalawang palad ko sa aking mukha. Kinakabahan din ako na hindi ko mawari. Parang may makakaibang mangyayari. Sana huwag naman o wala naman sanang mangyaring masama sa kanya kahit alam ko kung gaano siya katatag, tao rin siya na may kahinaan at nasasaktan. Sana hindi pa huli ang lahat.
Napatayo ako, at dali-daling nilapitan ang Doctor na sumuri sa babae ng lumabas ito ng pinto.
"Doc, how is she?" Agad kung tanong sa kanya. Dahan-dahan naman siyang nagtangal ng facemask. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"I'm so sorry Mister. We didn't save the baby." Anas niya na nagpahina ng tuhod ko. Kumabog din ang aking dibdib sa mga marinig. Marami pang sinabi ang Doctor pero wala na akung naintindihan.
Si Arabella ang biglang pumasok sa isip ko. Kung ganuon buntis siya sa tuwing makikita ko siyang dinudugo. Ilan beses ko ba siyang nakitang ganuon. Dalawa, tatlo o apat hindi ko na matandaan kung ilan. Nasuntok ko ang pader malapit sakin. Anak ko ang pinagbubuntis ng asawa ko. At ayun sa Doctor nine weeks daw na buntis ang babae.
"Belle" bigkas ko sa unang pagkakataon sa pangalan niya na siyang tawag ko sa kanya simula pa ng bata pa kami, na para bang andyan lang siya sa tabi ko na maririnig niya ako.
Bakit ba hindi ko naisip na mabubuntis ko siya. Sa tuwing inaangkin ko siya ng sapilitan hindi ko man lang naisip na gumamit ng proteksyo. Bukod tanging siya lang ang hindi ko ginagamitan nuon kahit madami naman ako sa kwarto ko. At siya lang din ang hindi ko pinagsasawang angkinin kahit ilang ulit pa at kahit sapilitan. Paulit-ulit ko siya pinupuwersang makipagtalik sa akin. Hindi tulad ng iba na isa o dalawang beses lang ayaw ko na kaya nga si Lavena siya pa ang gumagawa ng paraan para maka dalawang round kami. Pero pagdating sa asawa ko wala akung kapaguran. At siya lang din ang nag-iisang babaeng naankin kung virgin. Ayaw kung gumamit noon ng virgin sa paniniwalang maghahabol sila sakin. Hindi rin ako ang nakauna kay Lavena.
"Ser!... Ser!.." Tawag ng isang lalaking humahangus papalapit sakin kaya nabalik ako sa wisyo. "wife." Usal niyang may pag-aalala. May mga galus siya sa mukha, may sugat din siya braso sa dami ng sinabi niya sa akin yun lang naintindihan ko kaya sininyasan ko siyang nasa loob ng silid ang wife niya. Sumunod ako sa kanyang pumasok sa loob ng kwarto.
Pinagmamasdan ko silang mag-asawa. Hindi ko man nauunawaan ang mga sinasabi nila pero mababasa ko naman sa mga galaw nila. At ayun sa mga body language nila nagdadamhati sila sa pagkawala ng anak nila. Pareho silang umiiyak habang nakayakap ng mahigpit ang lalaki sa babae. Inaalo niya ang babaeng kanina pa umiiyak. Habang ako'y nakatayo lang dito sa may pinto malapit sa kanila. Dahil may kaliitan lang itong kwartong inaakupa nila.
Maya-maya pa'y may kumatok at kasunod nou'y pumasok ang isang nurse na may dalang maliit na box na balut na balot ng tape na kulay silver. Inabot iyon sa lalaki pero hindi ko inaasahan ang ginawa nilang mag-asawa bigla nalang nilang niyakap at pinaghahalikan ang box habang humahangulgol. Pinagdaop naman ng nurse na Taiwanese ang mga palad niya at pahagyang yumukod bago pa siya nagpaalam para lumabas ng kwarto.
Sa nakikita ko sa mag-asawang Taiwanese na umiiyak maging ako napapaiyak na din dahil naaalala ko ang aking asawa. Kailang ko ba tinanggap na asawa ko siya ni hindi ko nga pinakikilalang asawa ko siya. Ipinakikilala ko siya bilang katulong at hindi asawa. Inalisan ko rin siya ng karapatan niya sa lahat ng bagay. Ginawa siyang alipin na kung totousin mas mayaman pa sila sa amin. Malaki din ang utang na loob namin sa pamilya nila. Napakabuti ng mga De Marco sa amin.
At sa mga naiisip ko napapaluha ako. Ini-imagine ko ang maamo niyang magandang mukha na parang sa angel. Ang kulay asul niyang mga mata na may malantik na pilik mata. Ang perpektong hugis ng kilay niya. Ang mahabang kulay murang tsokolate niyang buhok na kahit nuon bata pa kami lagi ko ng hinihila. Ang biloy niya sa kanang pisngi na lumalabas sa tuwing tumatawa o kahit ngumingiti lang siya na lagi ko rin sinusundot nuong bata pa kami. Kailan ko ba huling nakita ang dimple niya, buhat yata ng iuwi ko siya sa bahay namin hindi ko na nakita, hindi ko na din narinig na tumawa siya o kahit ngumiti man lang. Buhat ng maging asawa ko siya puro luha at pasakit lang ang ibinigay ko sa kanya.
Pinahid ko ng palad ko ang mga luha kung naguunahan sa pagpatak. Lumabas ako ng kwarto ng mag-asawang Taiwanese at naglakad palabas ng hospital dinala ako ng aking mga paa sa park sa gilid ng hospital at naupo sa isang bench.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga De Marco lalo na ang asawa ko na itinatwa ko ng ilang taon. Sinaktan ko ng paulit-ulit. Paano ko rin tatanungin kung nagbuntis ba siya at ako ang naging dahilan ng pagkawala nila. Na ako ang pumatay sa kanila. Kaya ba niya ako tunawag ng kriminal. Bulong ko na nagpaluha sakin.
Mapapatawad pa kaya niya ako sa mga ginawa ko sa kanya. Matatanggap pa kaya niya ako. Paano si Lavena na ayaw ng umalis sa tabi ko. Mga katanungan nagsusumiksik sa isipan ko.
Gusto ko siyang tawagan para makausap ko siya pero paano ko gagawin, sinira ko ang cellphone niya. Kinuha ko ang lahat sa kanya na naglagay pa sa matinding iskandalo sa pangalan niya sa pag-gamit ni Lavena sa credit card niya ng walang paalam. Buti nalang at walang tv sa bahay namin kung hindi baka kung anung sabihin nila sakin. Pinahid ko ang aking mga luha at kinalma ang aking sarili.
Hinugot ko ang cellphone ko para tawagan si Lavena upang makausap ko ang aking asawa. Alam kung nasa bahay siya, bilin ko sa kanyang huwag siyang aalis ng bahay dahil walang kasama sa bahay si Arabella.
"Hello Babe" bungad niya sakin.
"Lavena nasaan ka bakit maingay ang background mo?" Tanong ko sa kanya nangmadinig ko ang malakas na sound. Lagi siyang umaalis ng bahay at ilang araw pa bago umuwi na hindi ko naman alam kung saan-saan nagpupunta.
"Andito lang kasama mga kaibigan ko." sagot niya sa kabilang linya.
"Bakit umalis ka ng bahay. Hindi ba sabi ko sayo huwag kang aalis dahil walang kasama si Arabella." angil ko na sa kanya.
"Babe, natatakot akung baka patayin akung bigla ng babaing 'yun. Atsaka hindi ba bawal siyang lumabas ng bahay sabi mo" Turan niya sakin sa kabilang linya.
"Dammit! Lavena umuwi kana sa bahay ngayon at samahan mo siya." mariing saad ko. Dahil bigla akung nakadama ng galit sa mga sinabi niya.
Gustong gusto ko ng umuwi. Gusto ko na siyang makita at makausap. Biglang na-miss ko ang asawa ko. Sana hindi pa huli ang lahat sana hintayin niya ako. Aayusin ko na ang pamilya ko. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng para sa kanya. Bibigyan ko siya ng kalayaan, kung gusto niyang magtrabaho sa sarili niyang kompanya pagbibigyan ko siya. Sana mapatawad niya ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya.
Tatanggapin ko kahit anung sabihin niya o kahit saktan pa niya ako basta mapatawad lang niya ako at tanggapin bilang asawa niya. Pangako Belle magbabago na ako. Ibabalik ko na ang dating ako. Hintayin mo ang pag-uwi ko at ibang Hammer Thompson na ang makikita mo pangako. Bulong ko sa hangin ng paulit-ulit kasabay ng pag-agus ng mga luha sa aking mga pisngi.
Sa unang pagkakataong umiyak ako ng dahil sa isang babae. Nag-iisang babaing alam kung minahal ako ng tapat simula pa ng mga bata kami at lihim ko din minahal, na minahal din ng nakababata kung kapatid, kaya hindi ko siya malapitan alalang-alang sa kapatid kung nagawan ko ng malaking pagkakasala.
.
.
.
.
.
.........................................................
....please follow my account and
....add my stories in your library.
.........."Lady Lhee"..........
.....thanksguys....loveu....lrs...