Episode 19

2764 Words
"Napakasama mong asawa Hammer nag-uwi ka na nga ng kabit mo sa pamamahay ko, ginagawa niyo pa akung alipin, kung tutuusin wala pa sa kalingkingan ko ang kabit mo." Sigaw ko sa kanila. Kita ko naman nanlalaki ang mga mata ng babae. "At huwag na huwag mo aangkinin itong bahay dahil mga magulang ko bumili at nagpa-renovate nito. Sigaw ko ulit. "Ikaw malandi ka na mag-aagaw ng asawa, lumayas ka na dito sa pamamahay ko kung hindi papatayin kita." Sigaw ko sa babae niya at itinutuk sa kanya ang kutsilyo "Subukan mong lumapit sakin at magkakamatayan tayung tatlo dito." Sigaw ko ng makita kung papalapit sakin ang asawa ko. Hindi naman makagalaw ang babae niya, kita sa mukha nito ang takot. Humakbang akung paatras hanggang marating ko ang hagdan. "Isang kang kriminal Hammer, kriminal kang hayop ka darating ang araw pagbabayaran mong lahat ng ito. At tandaan mo ito, hinding-hindi ko kayo mapapatawad kahit sa kabilang buhay. Babawiin kung lahat ng pag-aari ng mga De Marco para wala kayung ipagyayabang lahat." Dagdag sigaw ko pa sa kanya at nagtatakbo ng umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko. Dala-dala ko rin ang kutsilyo. Ini-lock kung mabuti ang pinto ko pagpasok ko ng kwarto. Humihingal akung dahan-dahan umupo sa gilid ng kama. "Sorry anak kailangan kung gawin ito para maproteksyonan kita. Kapit ka lang d'yan baby at malapit na tayung makawala sa impreyrnong bahay na ito." Bulong ko at marahang hinimas-himas ang aking impis pang tiyan. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para makalaya sa aking asawa. Para mabuhay kami ng matiwasay ng aking anak. "Ngayon alam mo na kung sino ako pwedeng-pwede ko kayung idemanda ng asawa ko at sigurado akung makukulong kayo. Pwede ko rin i-post sa social media ang mga kahalayang pinaggagawa niyo sa sariling kung pamamahay. Meron akung video ng mga kababuyan ninyong dalawa." Pagbabanta ko sa kanya na may kasinungalingan dahil wala naman akung cellphone nuong panahong naglaladian sila sa living room ng bahay namin. Nakita kong nag-iba ang kulay ng mukha niya na para bang takot na takot. Kaya lihim akung napangiti, dahil epektib ang pagdadahilan ko, at maisasagawa ko ang aking mga plano. "Hindi ko alam na ikaw ang asawa niya. Ang sabi ni Hammer katulong ka niya at wala siyang asawa. Patawad sa mga nagawa ko." Nauutal na turan niyang takot na takot. "Kasal kami ng kalandian mong lalaki. Alam mong talo ka once na magsampa ako ng demanda laban sa inyong dalawa ng asawa ko dahil dito sa loob ng pamamahay ko kayo gumagawa ng kababuyan. Ikaw ang laging kasiping ng asawa ko. Pwede rin kitang patayin dito ngayon." Pananakot ko pa na lalung nagpaputla ng kulay ng mukha niya. " Ngayon mo ilabas ang tapang mo, ipakita mo ang kamalditahan mo ng makita mo rin kung ano at kung sino ang inaapakan mo." Dugtong ko pa kaya lalong nahintakutan siya. "Huwag mo namang gawin sakin ito hindi ko naman alam. Si Hammer ang may kasalanan ng lahat hindi niya sinabi ang totoo." Kandautal niyang saad at umatras pa siya papalayo sa akin. "Ngayong parang kang basang sisiw kung magsalita. Dati para kang demonyo kung makangisi. Ilabas mo na ang tapang mo para may dahilan akong patayin ka. " asik ko, na lalong nagpatakot sa kanya. "Para mo ng awa hindi ko naman sinasadya ang lahat." Pagmamakaawa pa niya. "Hinding-hindi ko na kayo mapapatawad ng asawa ko sa mga ginawa n'yo sa akin. Pero may isang bagay akong gustong mangyari at sa ayaw at sa gusto mo kailangan mo akung sundin. Dahil alam kung magugustohan mo rin ang ito." Dagdag ko pa at pinakatitigan siya. "Ano yun? Huwag mo lang akung sasaktan." Pagmamakaawa pa niya na parang walang siyang ginawang kahayupan sakin. "Gusto kung ma-annul ang kasal namin. At ikaw ang magpapapirma ng annulment paper namin." Mariing saad kung nanantiya kung anung magiging reaksyon niya. "Kung ayaw mo naman, ngayon palang ihanda mo na ang sarili mo." Pagbabanta ko pa. "Hindi ko pwedeng gawing yun. Alam mong ayaw ka niyang hiwalayan. Ayaw nga niyang umalis ka dito sa bahay." Nahihindik niyang saad sakin. "Papipirmahan mo ba siya o ididimanda ko kayo ng asawa ko. Pwede akung mag-file ng concubinage case against you or adultery, sigurado akung makukulong ka, kayo ng asawa ko." Dagdag pananakot ko pa. Kailangan ko siyang makumbinsi sa mabuti man o masamang paraan para sa mga pinaplano ko. Para sa kaligtasan namin ng anak ako. "Paano ko gagawin 'yun?" tanong niya nag-aalala. "Problema mo na yun at huwag ako ang tanungin mo. Nakipaglandian ka nga sa asawa ko ng wala akung pahintulot tapos ngayon tatanungin mo ako." Asik ko na sa kanya. Kaunti nalang masasabunutan ko na ang babaeng ito. "Nasaan ang annulment paper mo? Ibigay mo sakin at susubukan kung papirmahan sa kanya." Saad tanong niya sa garalgal na boses alam kung natatakot siya sa gagawin niya pero ito lang ang alam kung paraan para maproteksyonan ko ang aking anak saking sinapupunan. "Bakit ako tatanungin mo. Ikaw ang gumawa ng paraan para makakuha ng mga dokumentong kailangan at papirmahin mo ang asawa ko." Singhal ko na kanya dahil para siyang tanga na walang alam. "Saan naman ako kukuha ng mga 'yun?" Balik tanong niya sakin. "Problema mo na yan. Gusto mo naman umakyat ka sa tuktok ng bondok, marami duon nagkalat." Pang-aasar ko nalang, dahil kanina pa nag-iinit ang ulo ko sa babaeng 'to. "Bibigyan lang kita ng tatlong araw para mapapirma ang asawa ko. At kung hindi, alam mo na kung anung mangyayari." Babala ko pa sa kanya. "At siguraduhin mong hindi fake ang mga dokumento lalo na ang pirma ng asawa ko kung hindi mananagot ka sa'kin." dagdag pananakot ko pa sa kanya. "At pag napapirma ko si Hammer ano na?" singhal niyang tanong sakin. "Magdiwang ka na dahil sayo na ang aking asawa." paguuyam ko pa sa kanya. Kailangan kung i-give up lahat alang-alang sa magiging anak ko dahil mas mahalaga siya sa kahit ano mang bagay. Para sakin nag-iisa lang sa mundo ang aking anak madami pa akung Hammer na pwedeng makita pero ang anak isa lang siya, at kahit maglibut ka pa sa buong mundo nag-iisa lang siya. At baka hindi ko na kayanin pagnawala pa siya sakin ngayon. Kaya lahat gagawin ko mailigtas ko lang siya sa kampon ng kadilimang niyang ama. Kaya kailangan ko ng putulin ang kadenang tanekalang nagbibigkis sa amin. Lahat ng pag-iingat ginagawa ko pag-alam kung nasa bahay lang si Hammer hindi ako lumabas ng kwarto kahit anung tawag at katok niya sa pinto ng kwarto ko hindi ko pinapansin. Hindi rin niya dapat malaman ang kalagayan ko. Dalawang anak ko na ang nawala sakin dahil sa kademonyohan niya. Hindi na ako makapapayag pang mawala ulit ang anak ko ngayon. Ayaw ko ng maulit pa ang mga nakaraan. Hindi naman ako magugutom dito dahil may mga stock naman akung pagkain, maging gatas meron din ako. Buti nalang nakapag-grocery si Natalie kahapon kaya kompleto ako ng stock sa akin kwarto may mga biscuits din ako. Lahat ng mga kailangan kung importante ipinabibili ko kay Natalie. Ibabalik ko lahat ng kabutihan niyang ginagawa sa akin pag naayus ko na ang lahat kunting panahon nalang makakaahon din ako sa kumunoy na empreyernong bahay na ito. Maguumpisa ako kasama ang aking anak, siya ang aking insperasyon, siya ang nagbibigay buhay sa akin ngayon. Pagsisisihan mong lahat ng kasamaang ginawa mo sakin. Walang kapatawan ang mga ginawa mo lalo na ang pagpatay mo sa mga anak ko. Pagbabayarin kita ng malaki na hinding-hindi mo na makakalimutan sa buong buhay mo, ninyo ng pamilya mo. Bulong ko sa hangin. Ilang araw ko ng napapansin sumasabay sa pag-alis ng asawa ko ang babae niya. Bukas ang ikatlong araw ng usapan namin. Nag-aalala din ako na baka hindi mapapirmahan ng babae sa asawa ko ang annulment paper namin. Mapipilitan akung umalis ng empeyernong bahay na ito ng nakatali pa sa kanya. Na nakadikit parin ang apelyido niya sakin which is ayaw ko ng nadidinig, kinasusuklaman ko na ang pangalan Thompson. Kung nuon pinangarap kung maging Mrs. Hammer Thompson ngayon kumukulo na ang dugo ko madinig ko palang ang pangalan niya. "Ito na, may pirma na ni Hammer. Napapirmahan ko na sa kanya kaya pwede ka ng umalis ng bahay na ito." Mariin niya turan sa akin, na ikinagulat ko, kaya napatigil ako sa pagsubo ng kanin sa bibig ko at pinagmasdan siyang kunot na kunot ang noo. "Sigurado kang pirma ng asawa ko yan." asik ko na sa kanya, kinuha ko ang mga dukomento sa kamay niya. At masusi kung binusisi ang mga papel at signature ni Hammer. "Paano mo napapirmahan sa kanya ang mga ito?" takang tanong ko sa kanya dahil kita kung pirma nga ng asawa ko ang nasa dokumento. Original din ang mga papeles. "Isinama ko sa mga for signature niyang mga dokumento sa office." aniya na para nagmamalaki pa siya. "Umalis ka na dito nagawa ko na ang pinaguutos mo." dagdag pa niya na parang siya na agad ang asawa ni Hammer. "Huwag mo akung madaliin, aalis ako kung kailan ko gusto. Kaya ikaw ang lumayas dahil ayaw na ayaw kitang nakikita dito at baka kung ano pa ang magawa ko sa kalaguyo ng asawa ko." singhal ko na sa kanya. "At huwag kang umastang parang ikaw ang legal wife. Alalahanin mo kahit saan, kahit kailan kireda ka parin ng asawa ko hanggang may bisa ang kasal namin." Sikmat ko na sa kanya. "Hindi ako pwedeng umalis ngayon, dahil may business trip si Hammer sa Thailand." aniya na ikinagulat ko ngayon ko lang nalaman umaalis din pala siya. May negosyo rin ba ito sa ibang bansa na hindi ko alam. Piping bulong ko. "Pag-alis ng asawa ko umalis ka na din. Bumalik ka nalang pagdating ni Hammer." Aniko. "Paano kung malalaman naipa-file mo yang annulment niyo ni Hammer?" tanong niya sakin na parang naniniguro siya. "Huwag kang mag-alala padadalhan ko kayo ng kopya ng certificate of finality." paniniguro ko pa sa kanya. "Umalis ka na din bukas at huwag kang babalik hanggang andito pa ako, dahil kung hindi habang buhay kang magiging kalaguyo ng asawa ko." asik ko na sa kanya dahil nakukulitan ako sa kanya. Hindi ko alam kung anung nagustuhan ni Hammer sa babaing ito na kung hindi maglagay ng makapal na make up at magsuot ng mamahaling damit hindi mo masasabing mukhang tao. Matangkad lang siya pero mukha parin posteng dinamitan. Buo na ang aking plano kakausapin ko nalang si Natalie para sa mga plano kung pag-takas sa empiyernong bahay na ito. Sa poder ng isang lalaking minahal at iningatan dito saking dibdib ng mahabang panahon na umasang magbabago pa pero bigo ako dahil mas lumala pa ang pagiging masama niya. Unti- unti na ring naglalaho ang masidhi kung pagmamahal sa kanya dahil sa kasamaan niya. Namumuhi na ako sa kanya ngayon dahil sa ginawa niya sa mga anak namin. Kriminal sila ng sarili niyang mga anak. Hinding-hindi ko makakalimutan na minahal at naging asawa ko ang isang Hammer Thompson na nagbigay sakin ng isang mapait na karanasan. Ang tao pumatay sa dalawa kung anak, sa anak namin. Isa kang masamang bangungot. Wala man akung magandang ala-ala mula sayong babaunin pag-lisan ko, but i kept you inside my heart forever, dahil nag-iisa ka lang dito sa puso ko." Piping bulong ko. Pinasadahan ko ng tingin lahat ng gamit ko sa loob ng lumang aparador na ginagamit ko wala naman akung pwedeng dalhin kahit isa na mga gamit dahil puro luma at kupas na kupas pa ang iba. Wala narin sa uso. Baka isipin ng mga taong makakakita sakin galing ako ng bundok. Ilang peraso lang naman mga damit ko hindi naman ako pwedeng bumili at baka kung anung isipin ni Hammer pag nakitang may bago akung damit kaya mga undergarments lang mga pinabibili ko kay Natalie. Bukas kailangan kung magpabili kahit isang perasong damit at sapatos kay Natalie para may maisuot ako pag-alis ko ng hindi naman ako magmukhang kawawa. Hindi ko narin alam kung ano ba ang in na damit ngayon sa tagal ng pagkakakulong ko dito wala na akung alam sa usong damit at gamit. Dinig ko ang ugong ng sasakyan ng asawa ko kaya dali-dali kung tiningnan kung naka-lock ba ang pinto ng kwarto ko dahil alam kung umalis ang babae niya kanina. At ng masiguro kung naka-lock mabuti humiga na ako bahala na siya kung anung gawin niya. Pero tumayo pa ako at sinilip siya sa bintana dahil baka ito na ang huling kita ko sa kanya, ang huling pagsulyap ko sa lalaking minahal ko ng mahabang panahon pero may mahal naman iba. Sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko ang biglang gumulantang sa aking papatulog ng diwa. At agad napabangon. "Open the door" sigaw niyang paulit-ulit na may kasaman malalakas na pagkatok sa pinto pero umupo lang ako sa kama ko at nakiramdam. "Sabing buksan mo itong pintong malandi ka huwag mo akung pagtaguan. Lumabas ka dyan." sigaw niya ulit pero hindi ko parin pinansin kahit may kaba sakin dibdib. Alam ko na kung anung mangyayari pagbinuksan ko ang pinto. Kaya nanalangin nalang akung tumigil na siya sa pagbubulahaw sa may pinto ko. Kinakalma ko rin ang sarili ko dahil sa kalagayan ko. Ilang minuto rin ang itinagal ng walang prino niyang bibig sa kasisigaw ng kung anu-anong maaanghang na salita kasabay ng malakas na pagkatok sakin pinto bago siya nagsawa. Kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko naman wala siyang susi ng kwarto ko at kung meron man hindi rin niya mabubuksan dahil dalawa na ang lock nito sa loob isa sa bandang baba at isa sa taas. Nakiramdam pa akung mabuti kung nasa may pinto ko ba siya pero wala akung maramdaman kaya bumalik na ako sa pagkakahiga para matulog. Kailangan ko ng lakas para sa sanggol sa sinapupunan ko. Maaga palang nagising na ako dahil parang hinahalukay ang aking sikmura kaya dali-dali akung napatakbo sa banyo. Tangin tubig lang ang inilalabas ko. Kaya naupo nalang ako sa bangketong kahoy na upuan ko dito sa banyo pagnaglalaba ako. Gusto ko pang matulog kaya pinilit kung tumayo at tinungo ang aking maliit na kama at mahiga. Tanghali na ng magising ako kaya pumasok na ako sa banyo para maghilamus at makapag-init ng tubig dahil kailangan kung uminum ng gatas dahil wala pa akung vitamins na pwedeng inumin, hindi pa ako ng papa-prenatal check up. Bukas palang ako magpapa-check up pag-alis nila. Para malaman ko rin kung anung mga gamot at vitamins dapat kung inumin. Kung malusog ba ang baby ko. Maingat akung naglakad palapit sa bintana para silipin ang sasakyan ng asawa ko kung sana grahe pa ba pero wala akung nakita. Ayaw ko naman lumabas nalang basta at baka nasa labas lang ng gate ang sasakyan niya tulad ng dati na inakala kung wala siya yun pala nasa labas lang ng gate ang kotse niya kaya malaya nanaman niyang naisakatuparang ang pambababoy niya sakin. Kaya kinuha ko ang aking cellphone at ng send ng text message kay Natalie para silipin niya kung may sasakyan ba sa labas ng gate namin. from Natalie: wala.. clear... basa ko. kaya nakahina na ako ng maluwag. from Natalie: nakita ko amo mo kaalis lang niya. basa ko ulit sa pangalawang text messages niya. Nagtaka pa ako dahil tanghali na, ngayon lang siya umalis. Kaya naisip ko baka hindi siya pumasok sa opisina niya at baka bumalik din siya ano mang oras. Kailangan kung maging maingat sa lahat ng oras para sa kapakanan ko. Kailangang kung protesyonan ang sanggol sa sinapupunan ko kaya hindi ako dapat magpatangay sa takot kailangan ko ng tibay at lakas ng loob ngayon. Balang araw kakainin mong lahat ng mga sinasabi mo Hammer. Pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo sakin, kayo ng kabit mo. Ipapakilala ko sayo kung sinong inapi at inalipusta mo. Hindi ako papayag na habang buhay mo akung aapakan at paghaharian ang hindi sayo. Babawiin ko lahat ng para sakin dahil alam ko kung ano ang karapatan ko. At kung ano ang pag-aari ko. Wala ka ni katiting na kaparte sa ari-arian ng mga De Marco, sisigurohin kung wala kayong makukuha kahit isang sentemo. Hindi habang panahon maloloko mo ako at pagkakaisahan niyong lahat. Pagnakalabas ako dito sisigoruhin kung hindi mauugnay o madidikit sakin ang pangalang Hammer Thompson o kahit sinong Thompson kahit kailan magsama-sama kayung lahat puro kayo walang utang na loob. Babangon akung mag-isa at ipakilala ko sayo kung sino si Arabella Leia de Marco. . . . . . ........ ......... ........... .......... ......... ....please follow my account and ....add my stories in your library. ..........."Lady Lhee"...... .......thanksguys.....loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD