AKALA ko kanina pagmulat ko ng mga mata ko ay mapagtatanto ko na wala na ako sa lupa kung hindi nasa purgatoryo na. So, imagine my surprise when I saw Maxine in front of me. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na buhay pa ako. Kinapa ko ang sarili ko at wala akong napapansing sugat. “Sorry to damage your hair, Ani. A little sacrifice for the greater good.” Napatingin ako sa buhok ko sa kanang bahagi at nakita ko kung anong tinutukoy ni Maxine sa sinabi niya. Nahagip ata ng bala ang buhok ko kaya naputol ito at ngayon ay hanggang leeg ko na lamang ang aking buhok habang ang kaliwanag bahagi ay nasa maayos at mahabang estado pa rin nito. “Just trim it when we get home.” Ang mga lalaking kasama ni Maxine kanina ay nakabulagta na. Tanging apat na lamang ang natira sa kanila. Tumi

