MAY hinahanap ako sa aking mga gamit at hindi ko iyon makita. Iniisip ko na baka nahulog ito noong tumatakbo ako sa gubat at tumatakas sa mga kalaban pero umaasa pa rin na makikita ko ito. Natatandaan ko na isa ang bagay na iyon sa gamit na hindi ko kinalimutan nang umalis kami ni Silver sa mansyon ni Rage. “Anong hinahanap mo?” Pumasok si Aiselle sa loob ng kuwarto. May dala siyang tubig at snacks para sa akin pero mukhang mas lalo akong mawawalan ng gana kung hindi ko makikita ang hinahanap ko. “May nakita ka bang necklace ko?” Nagsimula na akong i-describe iyon. It has an intricate design pero may infinity symbol. “Binigay kasi sa akin ni Silver iyon noon. Hinahanap ko ngayon pero hindi ko makita. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko iyon hinahanap, iniisip na nasa gamit ko lang. Ng

