“VLAD is making an offer,” sabi ni Gareth. Tulala lamang ako sa bintana habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Actually, minsan ay wala na akong naririnig dahil talagang lumilipad ang isip ko. Nang mapagtanto siguro nila na hindi ako magsasalita ay ipinagpatuloy ni Gareth ang kanyang binabalak sabihin. “Kung maaari raw ay kukunin ka niya rito at dadalhin sa Russia. Naisip namin na mas ligtas ka roon. But the decision is up to you, Aneesa.” Doon lamang ako dahan-dahang tumingin sa kanila. Nakita ko na naririto si Luciel kasama si Gareth at si Aiselle dahil ayaw na ayaw ni Aiselle na iniiwan ako. I heard she had a miscarriage before, kaya siguro nag-aalala siya sa akin na baka may magawa akong reckless na bagay na siyang ikasawi rin ng baby ko. Nalulungkot man ako na wala rito si Silv

