Chapter 3: Obsession

371 Words
Tahimik ang paligid. Ang mga sinag ng araw ay unti-unting gumagapang sa mga ulap, habang ako naman ay nakatingin lang sa kawalan, pilit binubuo ang mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko alam kung kanino. May mga bagay talaga sa buhay na kahit anong pilit mong itama, nauuwi pa rin sa mali. Habang nag-iisip, biglang may mainit na braso na yumakap mula sa likod ko. Kasabay noon ang isang halik sa pisngi. “Good morning, Kuya,” bulong ni Jane, malambing, parang batang walang iniintinding problema. Ngumiti ako ng pilit. “Aga mo namang gumising.” “Excited lang,” sagot niya, sabay upo sa tabi ko. “May pupuntahan kami ni Dave mamaya.” Napatingin ako sa kanya. “Si Dave?” Tumango siya, ngumiti, at may kislap sa mata na hindi ko maipaliwanag kung tuwa o pagmamataas. “Oo. Kailangan naming ayusin ’yung mga detalye para sa engagement party namin.” “Engagement,” mahina kong sabi. “So… tuloy na talaga?” “Tuloy na tuloy,” masayang sagot niya. “At sana, kuya, maging masaya ka rin para sa amin.” Huminga ako nang malalim. Paano ako magiging masaya kung alam kong may taong masasaktan sa gitna ng kasiyahan nila? “Jane…” panimula ko, “sigurado ka ba kay Dave?” Napataas ang kilay niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “May girlfriend siya.” Diretsong saad ko, kahit alam kong sasabog ang katahimikan naming dalawa. “Si Rish,” dugtong ko. “Hindi mo pa ba alam?” Sandaling natigilan si Jane, pero hindi siya nagulat parang matagal na niyang alam. Ngumiti siya, ’yung tipong mahina pero may bahid ng pagmamataas. “Alam ko,” sagot niya. “Pero hindi na mahal ni Dave si Rish. Ako na ang pinili niya, Kuya.” “Jane…” napapikit ako. “Hindi mo alam kung anong gulo ang papasukin mo.” “Tigil na, Kuya.” Tumayo siya, hinarap ako. “Wala kang alam sa relasyon namin. Kung ayaw mong maging masaya para sa akin, huwag mo nang sirain.” Hindi na ako nakasagot. Tinitigan ko lang siya ang kapatid kong dati kong ipinagtatanggol, pero ngayon ay naglalakad papunta sa apoy na kusa niyang pinili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD