Chapter 2

998 Words
"im sorry miss..." sabi ng lalaking naka bangga saakin at agad niya naman akong tinulungan na tumayo. "A-ah i-its okay..." nakakahiya poteks sa sobrang hiya ko nga mas na una pa akong naglakad sa mga kaibigan ko. Sobrang bilis talaga ng paglakad ko na di iniisip yung tatlong na iwan. "Bebs hintay!!" "Nakakita lang ng pogi ni na ng aantay!!" "Walang ganyanan hoy!!" "Bebs naman!!" "Potah ka bebs!! Sabing hintay eh!!" Kung nakakahiya man yung naganap saakin kanina mas nakakahiya pa pala tong tatlo. Nagsisigaw na eh akala ba naman nasa palengke, oh palengke talaga tingin nila sa mall kaya di nahihiya kung sumigaw. Binagalan ko naman ang paglalakad ko para mahabol nila akong tatlo dahil magpapalamon na talaga ako sa lupa oras na sumigaw pa tong tatlo ulit. "Naks naman bebs pogi nun" "Kung gusto mo sayo na nichole" sila yung naghahanap eh, edi sakanila na yun depende na lang yun sa lalaki kung papatulan niya ba o hindi. "Alam mo mali yung ginawa mo bebs" mali?? alam ko sa sarili kong walang mali sa ginawa ko no. "Anong mali dun ash??" "Dapat kase tinanong mo yung pangalan, contact number, address at kung ano pang mga keneme niya dzuhhh para bang mag aapply bilang jowa mo ganun!!" tangina mo ash!! "Ginagawa niyo kong tanga eh!!" edi sana sila yung gumawa nun "Sayang yung pakanta effect naming tatlo" "isa ka pa chelsey tigilin niyo ko!!" nandedemonyo na naman yung mga kaibigan ko, kailan pa kaya may sasanib na anghel "totoo naman kase bebs, kita mo kami yung naghahanap ikaw yung biniyayaan kaso tsk tsk pinakawalan pa!!" anong akala nila saakin?? lalandiin ko yung lalaki?? ganon?? yung tipong pagkabangga saakin hahalikan ko kaagad?? o di kaya magpapapanggap na masakit yung tama kaya bubuhatin niya ko?? Mas nakakahiya yun!! "Mag hanap na lang kayu ulit, wag niyo na lang akong pakealaman" "Mas mabuti pa nga!!" sabay sabay talaga yung pagsabi ng tatlo. mas mabuti nga dahil alam nilang mahirap ako magkaroon ng boyfriend, di gaya nila isang kindat maraming lumalapit kaagad. Di na kami nakapagshopping dahil yung tatlo nag aya lang na bumili ng drinks at maglibot libot na kaagad kung saan maraming gwapo. Ako yung napapagod sakanila eh kaya nag aya akong mag pizza muna. Nakakagutom yung ginagawa nilang paghuhunting ng mga lalaki eh. Habang kumakain biglang pumasok sa isip ko yung lalaking nakabanggaan ko, sobrang ganda ng mga mata niya at.... ang ganda rin ng boses niya. Nakakaakit din yung mukha niya, nagtataka nga ako eh kung model ba yun o artista. Ewan, di ko alam bat ko siya iniisip ngayon at isa pa ngayon lang naman kami magkikita eh at sure akong yun na ang last kaya kalimutan na lang yun. "Bebs??" "Bebs para kanang baliw!!" "Nabuang kana kakaiisip sa lalaking yun??" di ko alam na kasama ko pa pala tong tatlong to, nakakahiya. "Bakit??" para silang natatawang ewan sa sinagot ko "Anong bakit?? Kanina ka pa namin tinatawag no!!" "Truelaley bebs kanina pa talaga, hulaan namin yang nginingiti mo HAHAHHAH si mr. nakabanggaan mo no??" Saan naman nila nakuha yung mr. nakabanggaan na yun?? "Di ako ngumingiti no atsaka iba yung iniisip ko!!" pagdedepensa ko sa sarili ko kahit halata naman di nila tanggap yun. "Ay nako bebs umamin ka nalang na namatay yung pangako mong di ka maiinlab HAHAHAH" "true bebs amin din kahit minsan" bakit ang kulit nila?? bat di nalang kaya sila yung nangakit dun sa lalaking yun o sa kahit sinong lalaki pa. "Takot akong masaktan kaya tigilan niyo ko" takot ako kasi di ko alam kung paano ba dadalhin ang sakit na matatanggap ng dahil sa pag ibig na yan, at mas lalong di ko alam kung paano paghihilumin. "Di naman lahat ng nagmamahal nasasaktan bebs" so ano tong gustong sabihin ni chelsey?? "Pero kadalasan lahat nasasaktan. Sabi nila di ka nagmamahal kung hindi ka nakakaranas ng sakit" yun ang sabi nila, i dont want to know what kind of pain it is. Kasi ayaw ko rin namang maranasan "Tama naman yan bebs, pero kapag nagmahal tayo di talaga natin maiiwasan na masaktan pero pagkatapos nating masaktan sasaya naman tayo ah, kaya kapag dumating yung time na mahuhulog ka na sa isang tao wag ma wag mong pigilan ang nararamdaman mo dahil minsan tumaya ka rin para sa sarili mo" bakit biglang nagseryuso sila?? "di pa ako handa...." "at kailan ka magiging handa bebs??" "Ewan...di ko alam" bakit parang nag iba na tong mga kausap ko, ang seryuso na porket lablayp ko na yung pinaguusapan nila. "Sa totoo lang bebs may sasabihin kaming tatlo sayo kaya tayo nandito" kinabahan ako sa sinasabi ni ashley. Mapapatay ko sila kapag sinabi nilang ibubugaw nila ako!! "Magseseryuso na rin kaming tatlo" kung kanina kinakabahan ako ngayon naman nagugulat na ako sa sinasabi ni chelsey!! magseseryuso eh kanina nga naghahabol pa sila ng mga poging lalaki eh "Di kapani paniwala no joke lang namin yung kanina, parang last experience ba" may ganon?? last experience bago magseryuso?? "Gusto naming maranasan na mahalin sa kung sino ba talaga kami bebs, ayaw na naming mag laro. Dahil kapag naglalaro ka dun ka talaga masasaktan pero kapag nagseryuso ka dun mo makukuha ang tunay na pagmamahal." "Uwi na tayo" wala akong masabi sa mga pinagsasabi nila eh "hahahahah bebs grabe ka naman magaadvice pa sana ako sayo eh uuwi kana kaagad" di na ako sumagot sakanila at kinuha na lang ang mga gamit ko at hinantay silang matapos dahil gusto ko na nga talagang umuwi. Nung nasa parking lot na kami tatlo nakipag beso lang ako sakanila at nauna ng umalis dahil iba naman yung way pauwi sakanila at iba naman yung saakin. "When you show too much love, they play you like a weak..." pagkarating sa bahay yan kaagad yung sinabi ko sa sarili ko. And i dont want to show too much love cause i dont want someone will play me like a weak doll. Pero paano na lang kung kanina pa siya nandito sa isip ko??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD