Ano bang meron sa love na yan?? Mahiwaga ba yan?? may kapangyarihan?? nakakamatay ba?? o nakakayaman??
Nagkabanggaan lang naman kami eh bakit nandito na siya kanina pa sa isip ko?? Hanggang sa pagtulog ba naman?? Ano ba kasing meron sakanya?
Nakahiga na ako at lahat lahat, handa ng matulog pero hindi makatulog ng dahil sakanya. For me kailangan ko na siyang kalimutan kasi di naman sadya yung pagkikita naman kanina at isa pa sino ba siya sa buhay ko para isipin ng sobrang tagal.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko para di ko siya maisip, nagbasa ako ng libro pero para sa isip ko siya yung lalaking character sa binabasa ko, nag drawing ako pero mata niya kaagad yung naidrawing ng mga kamay ko. Nagiimagine na rin ako ng mga cartoons pero sa huli siya pa rin yung nakikita ko. Naguguluhan na talaga ako, dati di naman ako ganito kapag may nakabanggaan ako accidentally. Pero bakit iba yung effect pagdating sakanya??
Di ko na alam gagawin ko dahil kailangan ko na talagang matulog hanggang sa napagpasiyahan ko na mag chat sa gc na magkikita kami bukas at yun na nga naisip ko na sasabihin sakanila yung mga nangyayari saakin baka sakaling makatulong sila at maging matino bukas.
"Bebs!! anong chika at pinatawag mo kami ha?? magkakajowa kana ba??!!" atat na atat talaga tong si nicole eh.
"Di siya maalis sa isip ko....ang lakas ng epekto niya saakin..." pag amin ko sakanila at ganon na lang yung pagtili nilang tatlo
"Ay nako bebs sayang di natin talaga nakuha yung name"
"Di naman mahalaga sakin yung pangalan eh....ang gusto ko lang malaman bakit nagkakaganito yung isip ko eh nagkabanggaan lang naman kami ah??" sana matino yung mga iaadvice nila dahil oras na pagtawanan nila ako, ipapalamon ko sakanila tong cafe na to.
"Nagkagusto ka sakanya bebs" pinagsasabi ng babaeng to??
"Impossible..."
"nothings impossible bebs, you like him unexpectedly" sabi pa ni chelsey at di ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.
"Sa bawat araw na dadaan di mo siya makakalimutan Reverie dahil mas lalala pa yang nararamdaman mo!" lalala?? paanong lalala??
"anong gagawin ko??"
"Wala, kapag gusto mo yung tao di mo na mapipigilan yang nararamdaman mo dahil kapag pinigilan mo mas lalong lalala yan, mas lalo kang mahuhulog" kapag hinayaan lalala?? kapag pinigilan lalala rin?? Hirap naman
"Takot kang mahulog no?? takot na takot kang magmahal?? kahit di mo pa naranasan masaktan." kaya nga iniiwasan ko eh para di na maranasan yung sakit na yan.
"Kayo ba?? di ba kayo takot?? di ba kayo natatakot na iiwan kayo at sasaktan??" napangiti lang sila sa sinabi ko
"Hindi bebs dahil kapag nasaktan kami, ibig sabihin lang nun nagmahal kami" sagot ni nicole na parang handa na talaga sa isang serious relationship.
"Hindi rin ako takot bebs dahil kapag iniwan man ako di na ako ang nawalan nun kungdi ang nangiwan saakin. May kayamanan na sa harapan niya iniwan pa niya" may kumpyansa sa sariling sagot ni ashley na sana meron din ako. Halatang handa na sila at alam kong ganon din si chelsey
"Bebs kung mahal ka talaga ng isang tao hindi ka niya bibigyan ng rason para masaktan, dahil bibigyan ka niya ng rason para mas mahalin mo pa siya ng todo, Ang masaktan ay parte lang yan ng pagmamahal dahil hindi kailangang puno ng pagmamahal ang isang relasyon dahil kailangan ding magkaroon ng pain." si chelsey ang sumagot niyan. Sa aming apat ako ang palaging nahuhuli dahil ako rin ang palaging takot.
"at kung sakaling dumating man sa huli at natapos bebs ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin ang isang bagay na tapos na" dugtong niya pa na mas lalong nagpapagulo sa isip ko.
"Pero kailangan handa ka dun bebs kase lahat ng bagay natatapos...
lahat may katapusan" sabi pa ni ashley na agree naman si nicole
"We didn't choose people....our heart did Reverie " ang seryuso ni chelsey ibig sabihin ba nun gusto ko siya?? at ang puso ko mismo ang pumili sakanya??
Kung ang puso ko mismo ang pumili sakanya handa ba ang puso kong masaktan?? Lalo na at walang kasiguraduhan na magkikita pa ulit.
"Bebs di mo naman kailangang i pressure yung sarili mo eh relax ka lang at hayaan mo lang ang mga bagay na mangyari, na magkusa malay mo magkita ulit kayo diba?? Di ngayon pero paano sa susunod??" tama si ashley hahayaan ko lang ang lahat at maging handa sa resulta
"So handa na talaga kayong mag mahal?? kayong tatlo??"
"yes naman"
"yes bebs"
"handang handa na us!!"
"eh ikaw kailan ka maging handa??" kapag nakita ko siya ulit?? kapag nagkalapit kami?? di ko pa alam
"Kapag dumating ang panahon na magkikita kami ulit, dun ako magiging handa" di ako sure pero yun na ang nasagot ko eh at tatatak talaga yun sa isipan nilang tatlo.
Buti pa sila kahit anong oras o panahon handang handa, pero ako?? nagdadalawang isip pa kung tataya ba o hindi.
Nagkwentuhan lang kami at nag picture picture na rin dahil napaka aesthetic ng lugar sadyang nauna lang talaga yung chika naming tatlo at nahuli to. Hapon na ng mapag pasiyahan na naming umuwi dahil mahirap ng gabihin sila dahil baka pagalitan samantalang saakin walang magagalit dahil wala naman sila mama sa bahay, nandun silang lahat sa us at ako lang ang nagpaiwan.
Pagkauwi ko sa bahay nagulat ako dahil ang daming mga truck sa kabilang bahay, may lilipat yata. May bagong kapit bahay na naman ako sana di nagsisigaw kapag gabi, sana di kagaya ng dating nakatira diyan.