Chapter 4

974 Words
Ang aga ko nagising kaya naisipan ko na mag dilig ng halaman habang nagkakape atsaka baka ma kita ko na rin yung bago kong kapitbahay at para malaman na rin kung kaya ba nun na mag ingay sa gabe. Ipinatong ko yung kape sa table atsaka kinuha yung hose pasimple akong tumitingin sa kabilang bahay pero walang tao kaya pinapatuloy ko na lang yung ginagawa ko ng matapos ako dun ko na rin ibinalik yung hose at umupo sa upuan ko para magkape. Nakaharap sa kabilang bahay yung upuan ko kaya kitang kita ko mamaya kung sakaing lalabas man ang bagong tumitira diyan. Pagkatapos kong higupin yung kape na bilaukan kaagad ako, potahhh sana multo yun!!! Nananaginip ba ako?? Di nga ako nilubayan kagabe pati ba naman ngayon??!! Hayup na to!!! Gusto kong takpan ang buong mukha ko pero huli na ng tumingin siya sa akin at ngumiti. Tangina naman bakit pa ngumiti!!! "ahm hi miss??" bakod lang ang harang ng bahay namin kaya para saakin sobrang lapit na niya "h-hello??" yan na nga lang masasabi ko nauutal pa "Sorry nga pala about sa pagbangga ko sayo sa mall, sana di ka nagalit...." bakit ba ang daldal neto?? Pero bakit mas gumanda yung boses niya?? Oo tama kapitbahay ko yung nakabanggaan ko kaya di ko alam kung paano ba umasta na parang di naaapektuhan sa presensya niya.Jusko naman bakit nagugulo yata yung puso ko parang hinahabol sa lakas ng t***k. "a-ahh okay lang yun, di naman sinasadya eh.." mas lalo siyang gumwapo nung ngumiti siya saakin, nakakainis na tong sarili ko "So magkapit bahay pala tayo.... if you need anything katok ka lang ahh" bakit ang friendly niya, ito yung mas lalong magpapahirap saakin eh, kapag ganito yung tao mas lalo akong mapapalapit sakanya "Same...if you need something just tell me baka meron din ako..." kadiri ang hinhin ng boses ko ngayon, pero siya di yata nauubusan ng topics at may gusto pang sabihin "oh thankyou by the way my name is Miko and you??" "Reverie...my name is reverie..." di ako makatingin sakanya kaya nakayuko at kunwaring tinitignan yung kape ko "Nice name, una na ako magluluto pa kasi ako eh heheheh" Nakakahiya talaga na nakakainis. Kapag mas lalong napapalapit hirap pigilan yung nararamdaman buti na lang at siya mismo ang kusang umalis kaya dali dali rin akong pumasok ng bahay. "kapag dumating ang panahon na magkikita kami ulit, dun na ako magiging handa" Biglang nag flashback sa isip ko yung sinabi ko kahapon sa mga kaibigan ko at ganon na lang yung pagmumura ko dahil hindi ako handa!! Sinabi ko lang naman kase yun dahil akala ko yun yung first and last meet namin atsaka di naman kase planado yun kaya nga nagkabanggaan eh. Anong gagawin ko??!!! Alangan naman pilitin ko ang sarili ko na maging handa sa isang bagay na mahirap paghandaan!! Sasabihin ko ba sakanila?? Kaso iba yung ikot ng bituka ng mga kaibigan ko eh baka nga sila pa yung gagawa ng paraan na ikakahiya ko. Ayokong magpatawag na naman ng meet up sa gc!! Pagtatawanan lang ako. Di ako handa at hinding hindi na ako magiging handa. Kinakain ko na lahat ng sinasabi ko!! Nagdadrama ako sa sala ng bahay ng makarinig ako ng katok kaya dali dali ko rin naman iyong pinuntahan dahil akala ko kaibigan ko pero akala ko lang pala yun dahil si miko pala at may dala. "Reverie sobra kase yung ulam na niluto ko eh atsaka ako lang din naman ang kakain, gusto mo??" nakakahiya kung tatangi kaya kinuha ko yun sakanya. "Thankyou dito, gusto mong pumasok??" pinipigilan kong manginig ang boses ko at mautal. Dahil kapag nangyari yun magpapakain na lang talaga ako sa lupa "Pwede ba??" di na ako sumagot at umalis na lang sa pinto kaya dun na siya pumasok. "Ikaw lang mag isa dito??" tanong niya saakin kahit halata naman "oo nasa US kasi family ko at gusto kong ma iwan... ikaw mag isa ka lang dun??" kinakapalan ko na talaga mukha ko at tinanong ko yun dahil baka may girlfriend pala at live in sila o di kaya may asawa na "yeah mag isa lang ako dun, gusto ko kasi mamuhay ng mag isa na hindi umaasa sa family ko kaya ayun binili ko yung bahay and then nag hanap ng trabaho" napahanga ako dun sa idea niyang wag umasa sa family ah, umaasa pa rin kasi ako sa padala ng parents ko "San ka nagtratrabaho??" curious ako eh kaya tinanong ko na "Sa cafe malapit dito, actually nakita nga kita kahapon eh with your friends" parang na drain lahat ng dugo ko at ramdam kong namumutla ako dahil paano kung narinig niya pala yung mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko?? paano kung alam na niya na may gusto ako sakanya?? na siya yung pinaguusapan namin kahapon?? "Dont worry wala akong narinig dahil ang layo ko HAHAHAHAA" pansin niya yata ang pamumutla ko kaya ayan yung sinagot niya saakin "Ahh di naman importante yung pinag usapan namin kaya okay lang pag narinig hehehehe" hindi importante kasi sobrang importante lalo na at kakahiya kapag narinig niya mismo yun "Btw may duty ako dun mamaya if you want to go and have a drink hanapin mo lang ako dun i will give you discount" "Yah sure i will go there mga 4pm" ewan ko biglang napalagay yung sarili ko sakanya. Parang enjoy na enjoy akong kausap siya kahit alam kong may gusto ako sakanya. Oo na inaamin ko ng nagkagusto ako, dahil hirap pag mismong sarili mo na yung tinatanggihan mo kahit totoo naman "Sige hintayin kita dun, kainin mo na yang niluto ko at kailangan ko ng mag handa para sa duty ko" "Sige thankyou ulit bye..." Bakit parang unti unti na kaming naglalapit, i mean parang ang bilis naman at parang magkaibigan na kami kung umasta sa isat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD